Twenty Three

972 25 0
                                    


Twenty Three

Jasper POV

Maaga ako nakarating kinabukasan sa school, nabalitaan ko narin ang nangyare kahapon sa pagitan nila Jel and Rio. Napailing-iling ako medyo naguilty ako sa nangyare. Sana pala hindi ko nalang tinakasan kahapon si Rio. Baka nagbigti na yun sa bahay nila ngayon.

Ipinatong ko ang mga paa ko sa upuan ni Rio-

Sigurado akong hindi papasok yun, kilala ko ang lalaking yun. Hinayaan ko lang na lunurin ako ng sarili kong mga iniisip habang walang imik naman na nagsisidatingan ang aming mga kaklase.

"Ahem!" hindi ko napansin kung sino man iyon.

Papasok kaya yung lalaking yun?

"Ahem!"

Napailing-iling ako, sigurado hindi papasok yun. Broken Hearted ei!

Naginit ang ulo ka ng may biglang tumabig ng paa ko, pagkatingin ko kung sino ito ay bigla akong napayuko. Patay! Si Rio...

Wala siyang imik na umupo sa upuan niya, habang ako naman ay hindi makatingin sakanya. Napansin ko rin na ngumingiti sa pwesto niya ang mga babaeng kaklase namin...

Saglit ko siyang ninakawan ng tingin, doon ko lang napansin na parang maganda ang mood niya ngayong araw na ito. Ano kayang nangyare sakanya? Hindi kaya may sumapi ng masamang elemento sa lalaking ito? O baka naman natauhan na...

"Huwag mo nga akong ninanakawan ng tingin, mamaya ano pa isipin satin."

Napalunok ako at tsaka seryosong tumingin sakanya...

Sinundot ko pa ang pisnge niya dahil sa inaakto niya.

"Hindi naman siguro ako nananaginip diba?" pinaningkitan niya lamang ako ng mata.

"Magsabi ka nga ng totoo, naka-drugs ka noh..." dugtong ko sa sinabi ko.

"Tigilan mo nga ako Jasper, wala akong oras makipaglokohan sayo..." sambit niya habang inilalabas niya ang kanyang notebook.

"Akala ko ba broken hearted ka!" sumeryoso ang tingin niya saakin.

"Sino namang may sabi sayo?" anang niya.

"Diba nagkainitan daw kayo kahapon ni Jel..."

"Yeah, pero hindi ako broken hearted..." masiglang sagot niya.

Tumingin siya saakin ng kakaiba... "Boyfriend palang naman niya yung lalaking yun, may possibility pang maagaw ko siya hindi ba... Sa totoo lang, magaling kasi talaga ang nag-advice saakin. That's why I come up with this idea..."

Naiwan akong nakanganga sa ere dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Hi Jel!" kaagad kinunutan ni Jel si Rio dahil sa salubong nito.

"Ang ganda talaga ng umaga..." sambit pa ni Rio habang may kasama pang sipol.

Nang makaupo si Jel ay agaran niya akong kinalabit... "Dapat na ba nating dalhin si Rio sa mental? Mukhang Malala na!"

Napahinga ako ng malalim... "Hi Roxanne!" bati pa niya sa nerd naming kaklase.

Napailing-iling ako at inibahan ng tingin si Jel... "Jel, umamin ka nga saakin, nabagok ba si Rio nung sinuntok mo kahapon?" sandali siyang nag-isip.

"Hindi. Sa pisnge ko lang naman tinamaan yun..." sandali kong tiningnan ang pisnge ni Rio, may kaunting pasa nga ito.

Naiba ang atensyon namin ni Jel sa paguusap ng biglang tumingin sa direksyon namin si Rio at pinanningkitan kami ng mata...

Finding YouWhere stories live. Discover now