Twelve

1K 34 0
                                    


Twelve

"Kamusta ang naging araw mo?" bungad kaagad saakin ni Mama ng makapasok ako sa loob ng kotse.

"Ok naman po." Sagot ko rito, kinalabit ako ni Shin.

"Bakit shin?" tanong ko sakanya.

"Sino yung mga lalaking yun?" aniya at itinuro ang apat na lalaking nakatingin sa pwesto ko.

"W-Wala!" pagiiwas ko ng tingin.

"Why they keep staring at you?"

"Ma, lets go!" pagiiwas ko sa sinabi ni Shin para hindi na mapansin ni Mama ngunit mali ang hakbang na ginawa ko, nakita ni Mama si Raiden.

"Si Raiden iyon hindi ba?" turo niya kay Raiden na may malaking headset sa tenga at nakapamulsa. Napasinghap na lamang ako at tumango.

Binuksan ni Mama ang bintana niya at tinawag si Raiden.

"Raiden! Raiden!" nakita kong nagtaka sila Jel at Jasper sa ginawa ni Mama kaya kinalabit na lamang nila si Raiden. Mabilis din namang itinanggal ni Raiden ang headset niya at napangiti ng makita si Mama.

Lumapit pa siya rito. "Hello po..." magalang na bati niya. Hindi ko alam kung paano ako makakapag-react sa inaakto ni Mama, napatingin din ako sa reaksyon nila Jel at mukhang hindi nila maintindihan kung bakit ganito si Raiden.

"Akala ko namamalikmata lang ako, is Sharla doing fine in your classroom?"

Nabaling saakin ang tingin ni Raiden at wari'y hindi nito alam kung ano ang isasagot.

"Yes she's good." Out of nowhere na sagot niya.

Tumingin si Mama sa barkada ni Raiden.

"Friend mo?" tanong nito.

"Yes."tipid na sagot nito.

"By the way Raiden, we have a dinner in our house, do you want to come, isama mo narin ang mga kaibigan mo..." anyaya ni Mama. Anong Dinner? Napalingon ako kay Shin na nakangiti.

Lumapit ito saakin at bumulong... "I'm First Honor in our class..." proud pa na sambit nito.

Huli na bago ako makapagsalita dahil nakasunod na sila saamin gamit ang kani-kanilang mga kotse. Ano na naman ba itong napasukan ko.

"Madami palang mga gwapong binatilyo sa school na pinasukan mo!" sambit ni Mama. "at mukhang mga mayayaman pa!" dugtong pa nito habang panay ang sulyap sa side mirror, siguro ay tinitingnan ni Mama kung nakasunod parin ba ito saamin.

"Bute nalang talaga Sharla at naging kaibigan mo iyang si Raiden, kahit papaano ay hindi na ako magaalala sa tuwing aalis ka ng bahay..."

Panay lamang ang buntong hininga ko sa lahat ng sinabi ni Mama. Hindi ako makapagisip ng maayos, at higit sa lahat hindi ko alam kung paano ko sila pakikitunguhan ngayong papunta kami sa bahay namin. Mag-susungit ba ako? Mabait? Hay, bahala na!

Unang bumaba si Mama, habang inalalayan ko naman na Shin. Nakita ko rin ang isa-isang pagparada ng mga sasakyan nila Raiden sa tapat ng bahay namin, halos sabay sabay silang lumabas at naghahalakhakan.

"Bute nalang at wala tayong po-problemahin sa tatambayan ngayon!" sambit ni Jasper na nagpangiti kila Rio.

Napasinghap ako at iginaya sila papasok sa bahay namin. Lumapit pa saakin ng bahagya si Jasper at bumulong,

"Your house are cute, next time come join us..." aniya at tsaka ako kinindatan at nagdiretso sa pagpasok habang inaanalisa ang buong kabahayan.

Sumunod na lumapit saakin si Rio ngunit ginulo niya lamang ang buhok ko at pumasok na.

Finding YouWhere stories live. Discover now