Eighteen

944 29 0
                                    

Eighteen

Napabuntong hininga ako ng tumunog ang bell, breaktime na pala. Lumapit saakin ang tatlo.

"Lets go Sharla, kain na tayo!" ani ni Rio.

Ngumiti lamang ako sandali at tsaka ko ipinakita ang baon ko... Napangisi silang tatlo sa ginawa ko at may kinuha sa loob ng bag nila.

"Don't worry, meron nadin kami. Medyo nahihirapan kaming yayain ka that's why we came up with this idea. So we're do you want to eat?"

Bahagya akong natuwa sa ginawa nila, ginagawa talaga nila ang paraan para lang makuha ang loob ko.

"Field nalang, nasusuka na ako sa classroom..." sambit ko at tsaka ginulo ni Jel ang buhok ko. Busy sa pagku-kwentuhan sila Rio at Jasper sa unahan habang si Jel naman ay kasabay ko.

"Wala na talagang balak pumasok si Raiden?" wala sa wisyong tanong ko sakanya. Sandali siyang natigilan sa sinabi ko at may ibinatong kakaibang tingin saakin.

"I don't know, kayo nagusap kanina diba..." ani ni Jel ng wala man lamang ka-emo-emosyon.

"Usap ba yun, nang-aasar lang naman yun." Sambit ko at tsaka napaupo sa kung saan naruon ang dalawa na si Rio at Jasper.

Sandali akong naghintay ng isasagot ni Jel ngunit wala na akong nakuha, kaya nagsimula na lamang ako'ng kumain habang punong-puno ng tawanan ang tatlo... Hindi ko malaman kung tungkol saan ang pinaguusapan nila at ganyan sila kasaya. Nang matapos ako sa pagkain ay mabilis namang inilipat ni Jasper ang usapan saakin.

"By the way Sharla, what happen earlier?" tanong niya. Napakunot noo ako.

"Earlier?"

"About the tension between you and Raiden?"

Napakibit balikat ako. "I don't know, wala yatang mapagtripan kaya ako ang naisipan!" sagot ko.

"Then bakit niya hinahawakan ang kamay mo?"

Wala akong naisukli sakanila kundi ang pagkikibit balikat ko. Hindi ko naman talaga alam.

"So you're here!" sabay-sabay kaming napalingon sa boses ng babae galing sa likod.

"Che-Cheska?" sambit ni Rio. Medyo pamilyar saakin ang babaeng ito, hindi ko lang matandaan kung saan ko nga ba sya nakita.

"Kulang yata kayo ngayon, nasaan na ang aking siraulong Pinsan?" aniya.

Napakunot noo ako, si Raiden ba ang tinutukoy niya?

"Ewan doon, umuwi" sagot ni Rio habang hindi inaalis ang tingin kay Cheska. Mukhang may naaamoy ako dito.

Napatingin siya sa direksyon ko at hidi ko mawari kong paano ko ba siya pakikisalamuhaan.

"O nagkita ulit tayo!" aniya. Nakita ko ang pagkunot noo noong tatlo.

"You know each other?" sabay sabay na tanong nila.

"Yes! Kumain na kami ng sabay sa punong ito..." Ngayon, naalala ko na. Siya pala yung babaeng nakasama ko rito. Kaya pala sobrang pamilyar siya.

Tumingin ito saakin..."diba?" Nabaling nilang lahat saakin ang mga tingin nila at hinihintay ang pagsang-ayon ko kay Cheska.

Napatango ako... "See, we already know each other... By the way nandito na ang impaktang si Nadine A!"

Napayuko silang tatlo ngunit cluless parin ako kung ano ba talaga meron sa babaeng iyon, kanina kasabay siya ni Raiden na balita ko hindi basta-basta nagpapasakay sa sasakyan iyon.

Finding YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon