Thirty Five

792 20 0
                                    

Thirty Five

Napatingin kaagad ako sa malaking relo na nakaasabit sa kwarto. Nanlaki ang mata ko, its already 8 in the evening at hindi pa ako nakakapagluto. Nakaidlip pala ako kanina. Pinusod ko kaagad ang aking buhok habang lumalabas ng kwarto. Nagtagpo kaagad ang mata namin ni Raiden, napahinto lang ako sandali at napasinghap. Nararamdaman ko ang pagsunod ng tingin niya ngunit hindi ko na iyon pinansin. Kinuha ko ang apron na nasa isang supot at isinuot. Una kong inilabas ang bigas at hinugasan at tsaka isinalang sa lutuan niya. Isa-isa ko ring nilabas ang kanyang mga pinamili at inayos sa refrigerator. Nagpasya akong chicken curry nalang ang lutuin. Sinulyapan ko ulit si Raiden na nasa living room, nakikita ko parin siyang nakatingin sa ginagawa ko kaya agaran ko ring iniwas ang tingin ko sakanya.

Nararamdaman ko na ang paglipas ng minuto at naluluto na rin ang hinahanda ko. Una kong hinanda ang kanin at tsaka ko sinunod ang ulam na naluto na. Napatingin ako kay Raiden na ngayon ay nakatutok na sa kanyang pinapanuod.

Hinubad ko ang apron sa aking katawan at tsaka ako lumapit sakanya.

"Tapos na, kumain na tayo..." anyaya ko sakanya. Tiningnan niya lang ako at tsaka tumayo. Napaismid ako.

Walang emosyon siyang umupo sa hapag at sumunod din ako sakanya. Kumuha na siya ng rice at ulam habang pinapanuod ko lamang ang ginagawa niya. Nagbabalak na sana siyang isubo ito ngunit kunot noo niya akong tiningnan.

"What?" tanong niya.

"Can you just be thankful?"

"For what?"

"For the blessing."

"Anong blessing ito?" itinuro niya ang pagkain na nasa harap niya. Tumango ako at nagdasal sandali. Tumingin ulit ako sakanya ngunit nahuli ko lamang siyang nakatitig saakin.

"Ou. Hindi ba blessing ito galing sa itaas?" sagot ko sa tanong niya habang kumukuha na ng makakain.

"Paano naging blessing ito kung ako mismo ang bumili nito."

Napangisi ako ng mapakla at tsaka sumubo ng pagkain. "Exactly binili mo dahil binigay niya. Pasalamat ka pa nga at may kinakain kapa, humihinga ka pa. Just a little bit thankful dahil binigyan ka niya ng lahat." Tiningnan niya lamang ako ng kakaiba at tsaka nagsimula na ring kumain.

"I'm not a religious person, as far as I know I bought all of this without the help of other people so there's nothing to be thankful."

"Okay, may paniniwala ka. Meron din ako so kumain kana lang" nginitian ko siya ng nakakaloko at tsaka napayuko. "Balang araw, lalapit ka din sakanya." Bulong ko.

"By the way the taste is great. Namana mo rin talaga ang galing mo sa Mom mo." Ngumiti ako sakanya.

"Siguro nga..." Halos maubos na niya ang lahat ng hinanda ko ng tanungin ko siya ulit.

"Bukas na ang start ng trabaho ko dito right?" tanong ko sakanya.

"Yes. We have a meeting tomorrow and I want you to be there. Please wear formal para maipakilala kita." Sambit niya at tsaka tumayo na. Tapos na siya sa pagkain. Iniligpit niya lang ang pinagkainan niya at bumalik ulit sa living room. Psh!

Ililigpit ko na sana ang akin ng bigla siyang magsalita galing living room.

"Manang will going here tomorrow. She will be responsible for that." Kunot noo ko siyang tiningnan.

"Nope. Ako na hindi naman mahirap na gawain ito at sanay na rin naman ako." Sagot ko sakanya. Inumpisahan ko ng ligpitin ito ngunit maagap niyang hinawakan ang kamay ko.

"Huwag na sabi." Malaawtoridad na sambit niya.

"Hindi na, kaya ko naman."

Iritable niyang ipinikit ang kamay niya at hinila ako paalis doon, pinaupo niya ako sa sopa katabi niya. Tiningnan ko siya ng kakaiba.

"Ligpitin ko na yun, hindi naman mabigat na gawain yun."

"Tama na yung pinagluto mo ako."

"I insist." Tumayo na ako ngunit hinila niya na naman ako.

"Then I also insist that you should stay here." Hinagis niya ang isang supot ng plastic.

Kunot noo ko itong tiningnan. "Movie?" tiningnan niya lang ako at mabilis na inayos ang Dvd player. Isa-isa kong tiningnan ang naruon more on love story. Wala bang horror?

"Nakapili kana?" tanong niya hindi man lang tumitingin saakin.

"Wala ka bang horror diyan?" tanong ko sakanya.

"Horror ba gusto mo? I thought you like Romance movie." Aniya. Masama ko siyang tiningnan. "Then kung walang horror, hindi nalang ako manunuod." Itinabi ko na doon ang supot na puro Romance Movie.

Tiningnan niya lang ako ng kakaiba at tsaka may inihagis na naman na panibagong plastic. Pagtingin ko ay puro horror and action movie ito.

"I just bought it in case... Psh! Kakaiba ka talaga..." tiningnan ko lang siya at masayang namili ng mga horror movie. Latest ang lahat ng ito kaya mas lalo akong natuwa. Ibinigay ko na kay Raiden ang movie na napili ko.

Iniwan ko muna siya sandali sa living room habang inaayos ang panunuorin namin. Kumuha ako ng ice cream na binili niya kanina. Bigla kong namiss ang kapatid ko.

"What's that?" kunot noo akong tiningnan ni Raiden habang nakatitig sa dala ko.

"Ice cream."

"I thought popcorn ang kinakain sa tuwing nanunuod ng movie. Ngayon lang ako nakakita na kumakain ng Ice cream."

"Iyon din ang alam ko, pero nakahiligan na namin ni Shin ito." Binuksan ko na ang ice cream at ibinigay sakanya ang isang kutsara, kunot noo niya akong tiningnan.

"Ano na naman ba?" tanong ko.

"Walang baso o plate man lang?" tanong niya saakin. Napahinga lamang ako ng malalim at kinuha ang kutsara niya, kumuha ako ng isang kutsarang ice cream at isinubo sakanya.

"Hindi na kailangan, mas maganda kung share tayo." Naramdaman ko lamang ang titig niya habang nginunguya ang ice cream na sinubo ko. Napa-iwas kaagad ako ng tingin. Mukhang mali ang ginawa ko.

Dali-dali akong sumubo ng ice cream at tumutok sa malaking tv na nasa harapan ko.

"K-kung gusto mo pa, kuha kana lang." sambit ko habang hindi magawang tumingin sakanya. Nararamdaman ko ang mga titig na pinupukol niya saakin kaya kahit na gusto gusto ko ng suklian ito ay ayoko. Hindi pwede!

Lumipas ang oras na natapos na ang pinapanuod namin ngunit ng sinulyapan ko siya ay tulog na pala ito sa tabi ko. Tinitigan ko siya. Katulad noon, kung gaano niya pinapakabog ang dibdib ko, wala paring nagbabago. Walang duda hawak niya parin ang puso ko.

Hinawi ko ang dumi na nasa mukha niya.

Napahinga ako ng malalim, nagbabadya ang luha sa mata ko habang bumabalik saakin ang lahat. Ang totoong dahilan kung bakit hindi ko siya nalaanan ng oras noon. Kung bakit hindi ko kayang hindian ang dahilan ko.

Gustong-gusto kitang mahalin Raiden, gustong gusto pero hindi ako ganun ka tapang para sumugal. Ayaw kitang masaktan. Ayokong mahirapan ka.

"Akala ko wala na, akala ko hindi na ikaw pero anong gagawin ko Raiden, ikaw parin ang laman nito. Malinaw na malinaw na sayo parin ito. Tulungan mo naman ako. Ayokong masaktan ulit pero mas ayokong mas masaktan ka." Pinunasan ko ang luhang pumatak sa mata ko at 'tsaka tumayo.

Dali-dali akong pumasok sa aking kwarto at nagtungo sa cr. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Napahinga na lamang ako ng malalim at napaupo sa bowl. Naipatong ko ang aking ulo sa aking dalawang kamay.

Sharla ano ba, tumigil kana mas lalo kang mahihirapan niyan.

VOTE, COMMENT

Finding YouWhere stories live. Discover now