Forty Six

739 19 0
                                    

Forty Six

"Sharla, may naghahanap sayo sa labas" kaagad akong napatayo dahil sa sinabi ni Monique. Mukhang si Raiden na iyon.

Nakangiti akong lumabas sa office at isa-isang binate ang mga taong nakakasalubong ko.

"Ang lawak na naman ng ngiti mo Ms. Sharla, mukhang nandiyan na naman ang boyfriend mo" napangiti ako dahil sa sinabi nuong isa naming pasyente.

Pagkadating ko sa Lobby ay isang nakatayong babae ang nakita ko, kilala ko kaagad ang tindig na ito.

"Che-Cheska?" tawag ko ng pangalan niya.

Kaagad ko rin naman nakuha ang atensyon niya at tsaka bumalik ang tingin doon sa tinitingnan niya. Yung Calendar of the Death pala.

"B-bakit ka nandito?" tanong ko sakanya. Hindi man lamang siya bumalik ng tingin saakin at imbes na tanungin ako ay nagbato lang siya ng tanong saakin.

"Ano ito? Bakit may mga picture sa ibat ibang month at petsa?" tanong niya.

"Calendar of the Death" walang emosyong tugon ko

"Anong ibig sabihin?" clueless siyang napatingin saakin dahil sa taong niya.

"Every month, hindi imposible na may mawala kaya bawat may namamatay diyan namin nilalagay ang picture nila para rin maalala namin sila"

"So ibig sabihin lahat ng mga picture na nandito, lahat ito namatay na?"

Napatango ako...

Hinayaan ko lang siyang tingnan ang calendaryo at nung natapos na siya tsaka ito tumingin saakin. May seryosong mukha ang nakaguhit sa mukha niya at mukhang may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya masimulan. Iginaya ko siya sa upuan pero tumanggi ito.

"Pwede ko ba mahiram ang araw mo Sharla?" seryosong utas niya na ikinabigla ko. Bakit? Akala ko ba galit siya saakin.

Imbes na tumangi sa alok niya, wala akong nagawa kundi ang tumango. Iginaya ko siya sa may upuan ngunit mabilis niya lang tinanggihan ang alok ko.

"May nakita akong sea malapit dito, pwede ba tayo doon?" aniya. Napatango ako sa sinabi niya, nagpaalam lang ako na may pupuntahan kila Mother Theresa at mabilis na tumakbo papunta sa kotse niya.

Tahimik akong pumasok sa kotse niya habang siya naman ay busy sa pagpapaandar nito. Napatitig ako sa mukha niya, hindi ko maikakaila kung bakit gustong gusto siya ni Rio, ang ganda ganda niya.

"Huwag mo naman ako titigan ng ganyan..." malambing na sambit niya habang seryoso sa pagmamaneho.

"Hindi ko sinasadya"

"Ang alin?" tanong niya

"Ang titigan ka" maikling sagot ko na nagpahalakhak sakanya, ikinabigla ko ang pagtawa niya kaya mas lalo ko siyang tinitigan. Ngayon ko lang napansin na may pagkakatulad ang ngiti nila ni Raiden, hindi ko maipagkakaila na magpinsan nga sila.

Masaya siyang bumaba ng kotse ng makarating na kami sa may dalampasigan. Masaya niyang sinalubong ang mga alon at nakipaglaro, habang patuloy niyang iniiwasan ang mga iyon ay napangiti ako.

Masaya ako na makita kang ganito Cheska, hindi ko alam kung anong nangyare sayo kung bakit parang naging cold ka sa mga tao pero ang sarap mong panuorin kapag ganito ka.

Humarap siya saakin na may malawak na ngiti at tsaka ako niyaya papalapit sakanya.

Sabay kaming naupo sa malawak na buhanginan at sabay na nilanghanap ang sariwang hangin.

"I miss you Sharla" Pabulong na sambit niya. Naapatingin ako sakanya at napangiti. Kitang kita ko ang sinseridad sa mga mata niya habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"Noong umalis ka, nasaktan ako..." tumingin ito saakin at napangiti.

"Hindi lang sila Raiden ang nasaktan nung umalis ka, pati ako. Alam mo namang ikaw lang ang nagiisang babaeng nakilala ko na iba sa iba, the moment i saw you in that tree alam kong magiging kasundo kita. Because katulad mo, magisa lang din ako. Kaya gustong gusto kita na maging kaibigan. Pero nung sasabihin ko na sayo, bigla kang naglaho. Nawala yung hope ko na makahanap ng totoong kaibigan" Inilayo niya ang tingin saakin at pinagmasdan ang ulap.

"Kaya hanggang ngayon, I still dont have a true friend with me, dahil I know you are the exact person to fill her." Tumingin ulit ito saakin.

"And now, Will you be my Girl Friend Sharla?" seryosong utas niya saakin.

Hindi ako makapagsalita sa mga sinasabi niya, pero tumango ako. Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko mula sakanya.

"Finally...." masayang utas niya at tsaka ako binitawan.

Ngumiti ako ng kakaiba... "Para feeling ko mag-on na tayo." pambibiro ko.

Napahalakhak siya sa sinabi ko."Naku, mapapatay ako ni Insan niyan" aniya na nagpatawa din saakin.

Binalot kami ng katahimikang dalawa, hangang sa basagin niya ito.

"You can ask me anything, promise hindi na ako magagalit." aniya. Pinagmasdan ko siya ngunit patuloy parin siyang nakatingin sa mga ulap.

"About Rio sana, anong nangyare sainyo?" kinakabahang tanong ko.

Sandali siyang natahimik... "Rio, Rio, Rio... Hanggang nagyon paulit ulit ko parin sinasampal ang sarili ko sa mga desisyon ko at hanggang ngayon pilit ko paring pinapakalma ang sarili ko pagdating sakanya."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Niloloko ko ang sarili ko, kapag sinabi ko sayo na lahat ng moves niya nung Higschool ay di ko alam. I know he's doing all the violation para lang makita ako. And Exactly that was the reason why I madly fall for him, he's innocent for not knowing that I actually love him" napangiti ako sa sinabi niya at ganun din naman siya.

"But that magical moment already dissapear when my Dad tell me about my health." Nakita ko ang pagtulo ng luha niya.

"Sasabihin ko sayo ngayon na katulad mo I also have a time limit to be here in this world but I choose not to tell everyone because I dont want them to see me suffering" Bigla akong napaupo sa sinasabi niya.

"I inherit my mother sickness" wala akong magawa kundi yakapin siya. I really dont have an idea na si Cheska may pinagdadaanang ganito.

"That's why I choose to let go of him, gusto kong kamuhian niya ako kaya ginawa ko ang lahat para iwanan niya ako. Umiwas siya at mawala ang feelings niya dahil hindi ko kayang makita siyang umiiyak tuwing gabi kapag wala na ako. Ayokong maranasan niya ang nararanasan ni Daddy nung wala na si Mommy. I cant afford to see him like that." Hindi ko na napigilan ang luha ko habang yakap yakap ko si Cheska.

Tumingin siya ng seryoso saakin habang patuloy parin na lumuluha ang kanyang mga mata. "Anong gagawin natin Sharla?"

Isang tanong pero wala akong mahanap na salita, napapikit ako at niyakap ulit siya ng mahigpit.

"Sorry Cheska, I still dont have an answer to that question"

Makalipas ang ilang minuto ay pareho kaming nakatanaw sa walang hanggang dagat.

Napatingin ako sakanya... "Are you really fine sa kung ano ang meron kayo ni Rio ngayon?"

Tumango ito ngunit alam kong salungat ito sa nararamdaman niya.

"Kaya pala ayaw mong binabanggit ang pangalan niya" ngumiti ito saakin.

"For his happiness, maybe me was not ideal" malungkot na utas niya.

VOTE, COMMENT

Finding YouWhere stories live. Discover now