Sixteen

955 34 0
                                    

Sixteen

"Sharla!" napalingon ako sa likod ko.

"O Jasper..." ngumiti siya ng malapad at tsaka patakbong lumapit sa tabi ko.

"Nagmamadali ka ata!" walang emosyong sambit niya na wari'y hindi niya alam ang oras ng pasok namin.

"Malamang malalate na ako kaya ako nagmamadali?" sarkastikong sagot ko.

Napakamot lamang siya ng ulo at tsaka ako sinabayan sa pagmamadali ko.

"Halatang wala kayong interes sa pagaaral no!"

"Meron naman kahit papaano..."

"Wow base sagot mo-parang ikaw ang ang mas kailangan ng edukasyon. Tsk!"

"Hindi naman siguro namin masisisi ang sarili naming kung mayaman na kami"

Napahinto ako sa paglalakad at nakakalokong tinitigan siya.

"Ang yabang mo!"

"Nagsasabi lang ako ng totoo, hindi ako nagyayabang!" matapos niyang sabihin iyon ay mabilis niyang ipinatong ang kaliwang kamay niya sa balikat ko.

"Hoy! Hindi pa tayo ganuon ka-close para akbayan mo ako ng ganyan..."

"Kasali kana sa band kaya asahan mo ng magiging ganito kami sayo..."

"Hindi porket sumali ako, gagawin niyo ako-" hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko ng takpan niya ang bibig ko at mabilis na naglakad habang naka-akbay parin saakin.

Ang hilig nilang mantakip ng bibig kapag gusto nilang magpatahimik ng tao... Mukhang maling-mali talaga ang sumali ako sa banda nila, sa tingin ko paglalaruan lang nila ako...

Halos mapatahimik ang loob ng klase ng dumating kami ni Jasper, knowing na hindi padin niya tinatanggal ang kamay niya sa balikat ko.

Pilit kong tinatanggal ito ngunit buong pwersa rin akong pinipigilan ni Jasper.

Halata sa mga mukha ng mga kaklase ko ang kakaibang tingin na nababasa ko, ngunit itong si Jasper ay walang ibang ginawa kundi ang ngitian lamang lahat ng iyon.

Mababaliw talaga ako sa mga magkakaibigang ito.

Doon lamang ako binitiwan ni Jasper ng makaupo na ako sa upuan ko...

"Thank you ha!" inis na sambit ko.

"Your welcome baby..." pilyong sagot niya.

Ang sarap niya kainin ng buhay ngayon. Psh!

Inayos ko lamang ang gagamitin ko ngayong araw na ito at tsaka ko napansin na wala parin pala si Raiden sa upuan niya.

"Wala padin?" tanong ni Rio kay Jel na kakarating lang galing sa classroom.

Napakibit balikat lamang ito at tsaka ngumiti saakin kaya nginitian ko na lamang siya bilang ganti at tsaka tumingin sa field na palagi kong tinitingnan.

Isang lingo na siyang hindi pumapasok, wala naman sigurong masamang nangyare sa lalaking iyon? Simula ng dumating iyong si Nadine ay halos hindi na siya nakakasama ng mga kaibigan niya, at isang lingo na rin akong pinupurwisyo ng mga ito.

"Hi Sharla!" bati saakin ni Rio na may kasama pang kindat.

Inirapan ko lang siya bilang tugon...

"Ang sungit mo talaga kapag saakin..." hindi ko siya pinansin at itinuon na lamang ang atensyon ko sa blackboard na may nakasulat na gagawin ngayong araw.

"Magaral na nga lang kayo..." tugon ko na mas lalong nagpangisi sakanilang tatlo.

"Nagaaral naman kami a!" Inilapit nila ang mga upuan nila sa tabi ko at tsaka ako pinalibutan. Parang akong na-akward sa posisyon naming apat, talagang nakaharap sila lahat saakin.

Finding YouOnde histórias criam vida. Descubra agora