Twenty Eight

869 26 1
                                    

Twenty Eight

"What? Do you have a lead?" tanong ni Jel habang pinagmamasdan lamang ni Raiden ang hawak niyang bote ng alak.

Napatingin din sila Rio sakanya at hinihintay ang sasabihin niya.

"Yeah. She's one of the organizer in a Community. The one that we are sponsoring..."

"Talaga?" hindi makapaniwalang sambit ni Jasper. "Then puntahan na natin siya..." masayang sambit nito. Kinalabit kaagad siya ni Jel dahil sa suggestion na ito.

"What?" bulyaw niya.

"Hindi ganuon kadali yun, Jas" walang emosyong paliwanag ni Rio.

"Wala naman sigurong masama kung gusto natin siyang makita hindi ba?"

"Jas nagiisip ka ba?" iritableng sambit ni Jel sakanya.

"Kung ganun nga lang kadali yun Jas, why not diba?" napatigil silang lahat sa sinabi ni Raiden. "She just left us 7 years ago without even saying goodbye. And now what makes you think na walang nangyare?" walang emosyong sambit ni Raiden na kinadahilan ng pagtahimik nilang lahat.

"Bakit ba kasi hindi mo siya magawang kalimutan!" bulalas ni Jasper na nagpangisi ng mapakla kay Raiden.

"I kept asking myself for that and yet I still don't have an answer. Samantalang sandali ko lang naman siya nakilala..." sabay tungga ng alak na hawak niya.

Tahimik na nagsasalin ng alak si Rio habang may malalim rin na iniisip.

"Seriously sa tagal na nating magkakilala Raiden, I'm still not sure if I know you that much" seryoso siyang tiningnan sa mata.

"Don't worry, I still don't know myself either."

"So papaano kung magkita ulit tayo ni Sharla, what are we going to tell her? Na itong si Raiden hindi parin maka-move-on sa pambabasted niya kaya gusto ulit manligaw?" biglaang singit ni Jel sa usapan.

"Papaano kung hindi na pala tayo kilala ni Sharla?" seryosong utas ni Rio.

"Is that possible?" tanong ni Raiden.

"I don't know, kahit ako rin ay naguluhan kung bakit siya umalis ng hindi man lang nagpapaalam noon, o kung bakit hindi man lang siya nag-dropped out sa school. She just left without informing us."

Binalot ulit sila ng katahimikan at tanging pagtungga lamang ng alak ang naririnig sa dining area ng bahay nila Raiden, kanina pa natutulog ang Mom niya at tanging sila na lamang ang natitirang gising sa loob ng bahay.

Pasado ala una na ng madaling araw-ngunit naruon parin sila. Si Jel at Jasper ay bagsak na samantalang natitirang matibay si Rio at Raiden na may kanya-kanyang iniisip.

"So what's the plan Raiden?" pumipikit na ang mata ni Raiden habang tumitingin kay Rio.

"What?"

"Your plan, kalian mo siya pupuntahan?"

"I'm still thinking kung ano ang sasabihin ko sakanya."

"Buti ka pa nga, you have an assurance. But me?" napangisi siya ng mapakla at uminom ulit.

"I followed her way back high-school, hindi ko nga nasabi sakanya ang nararamdaman ko. Kung bakit ako ganuon sakanya. Pero sa isang pagkakamali ko lang, nabaliwala lahat ng pinagsamahan namin! Shit lang diba... Halos sinumpa niya na ako..."

Napangisi si Raiden sa sinabi ni Rio.

"And you think Cheska didn't know everything?" napakunot noo si Rio dahil sa sinabi niya.

Finding YouWhere stories live. Discover now