Nine

1.1K 35 0
                                    

Nine

Jel Arthur POV

"Ano ba iyang tinitingnan mo at kanina ka pa lingon ng lingon sa likuran?" tanong ni Jasper na mukhang kanina pa nga nakakahalata sa inaakto ko.

Kanina pa natapos ang Lunch pero bakit hindi parin bumabalik si Sharla?

Lumapit sa pwesto ko si Jasper...

"Don't tell me nafa-fall kana kay Raiden?" asar niya. Isiniko ko siya at tumingin ulit sa harapan.

"Ulol!" sagot ko sakanya.

"Then bakit kanina ka pa tumitingin sa likod, knowing na natutulog na Raiden lang naman ang nasa likod? Maliban nalang kung si Transferee Girl ang hinihintay mo..." pangaasar pa lalo ni Jasper.

"Shut up Jasper..." iritang sambit ko sakanya.

"Chill lang, napipikon ka na e,. Huwag mo nang intindihin iyon baka umuwe iyon sa bahay nila, nakalimutan lang dalhin ang Bag niya dahil for sure wala namang magkaka-interes niyan dito..."

Umiling-iling na lamang ako sa sinabi niya at pinilit na ituon ang atensyon sa klase.

~*~

Isang malakas na pagtunog ng Bell ang nagpagising saakin ng hapon na iyon, mabilis akong napalingon sa likod ko ngunit isang Bag parin ang nakikita ko roon. Hindi na talaga siya pumasok.

Kaagad kong naramdaman ang pagpatong ni Rio ng kamay niya sa balikat ko..

"Saan tayo ngayon? Raiden o sa house niyo?" anang niya.

"Bahala kayo..." sagot ko.

Lumingon naman kaagad si Rio sa naka pamulsang si Raiden.

"Raiden, sainyo tayo?" anang niya. Tatlo kaming naghihintay ng isasagot niya ngunit isang pag-irap lamang ang ibinigay niya kasabay nito ay ang pagpatong niya ng kanyang malaking headset sa magkabilang tenga.

Ang poker face talaga ng lalaking ito, parang gitara pa lang yata ang nakakadapo sakanya...

Nasa Parking Lot na kami ng school ng bigla kaming tawagin ni Raiden.

"I forgot the books that I'm reading in the classroom."

"Do you want us to come with you?"

"No. You should go and tell my Mom na susunod nalang ako."

"Sige..." matapos nun ay nakita na namin na papasok ulit si Raiden sa loob ng School samantalang itong dalawang kasama ko ay walang ginawa kundi ay ang pagusapan ang mga babae na nagkakandarapa sakanila.

Minsan mas gusto ko pang kasama si Raiden, tahimik kasi ang buhay ko kapag iyong ang nasa paligid.

Ilang oras na ang nakalipas simula ng nakarating kami sa bahay nila, halos maubos na namin ang Dinner na hinanda ni Tita Bernice para saamin ngunit hindi parin dumarating si Raiden.

"Natawagan niyo na ba si Raiden, where is he?" tanong ni Tita habang inihahanda ang dessert naming tatlo.

"Out of coverage po ang phone niya Tita..." matinong sagot ni Rio.

"Saan na naman kay nag-gala ang lalaking iyon, Ilang araw ko ng hindi nakikita iyon..." anang niya.

"Sige na kumain na kayo, gusto niyo bang dito nalang kayo matulog. I can contact your parents..."

"No, Tita uuwe rin po kami... May chicks pa akong ime-meet nagyon..." lakas na loob na sambit ni Jasper habang kumikindat pa kay Tita.

Sandaling natawa ito... "Ikaw Jasper ha, nawiwili kana diyan sa mga babae. Naku, sakit sa ulo yan..."

Finding YouWhere stories live. Discover now