Seven

1.1K 35 0
                                    

Seven

Tahimik akong naglalakad sa hallway ng biglang may humila saakin mula sa likod at mabilis na ipinasok ako sa isang napakadilim na silid. Tinakpan nila ng tape ang bibig ko at nararamdaman ko rin ang pag-gapos na ginagawa nila sa aking kamay at paa.

Matapos nilang gawin ang bagay na iyon ay narinig ko ang halakhakan nila sa likod ko.

"You deserve it bitch! Pwe!" bulong saakin ng medyo pamilyar na boses ng babae.

Matapos nun ay narinig ko na lamang ang pagsara ng pinto. Wala akong makita sa paligid tanging dilim lang ang nakikita ng mga mata ko. Nagumpisa ng tumulo ang luha sa mata ko, wala akong magawa kundi ang iyakan ang takot na nararamdaman ko.

Bumibilis ng sobra ang dibdib ko at hindi ko maipaliwanag kung bakit ako naduduwag ngayon, hindi naman ako ganito noon. Binabalot ako ng sobra-sobrang kaba na animo'y nakaranas ako ng matinding trauma noong kabataan ko at ikamamatay ko kung mananatili pa ako rito.

Please someone save me here... wala ng ibang laman ang isip ko kundi ang katagang iyan. At hanggang ngayon ay ayaw parin tumigil ng gripong mata ko.

Pilit akong kumakawala sa pagkakagapos ng kamay ko at kahit sumasakit na ang mga ito ay ayaw parin nitong matanggal. Tiyak akong nagaalala na sila Mama.

Ilang bell na ang narinig ko at panghuli na ito ngayong araw na ito. Hindi ko pa dala ang cellphone ko, sana naman may magtaka sa mga kaklase ko. Sana naman may makapansin na wala ako roon, sana naman may taong nagaalala sa kung nasaan ako.

Dapat pala sinunod ko na lamang ang sinabi saakin ni Jel kanina. Dapat pala hinayaan ko na lang na samahan niya ako, edi sana wala ako sa madilim na lugar na ito.

Sa labas ay naririnig ko ang ingay ng estudyante, sa oras ngayon ay alam kung pauwe na sila. Wala man lang bang magtatangkang tingnan kung may tao rito?

Hanggang sa wala na akong naririnig na ingay at kahit yabag man lang, mas lalong binalot ng kaba ang dibdib ko.

Wala nga yatang nakapansin saakin.

Hanggang sa biglang bumukas ang pinto at ilaw at iniluwa nito si Raiden na halatang nagulat sa itsura ko.

"Fuck! What are you doing here?" aniya habang bakas sa mukha nito ang gulat sa nakikita niya. Mabilis siyang lumapit saakin at itinanggal ang headphone na nakasabit sa tenga niya.

Biglang bumuhos ang luha ko dahil doon... Thank God.

Tinanggal niya ang tape na nakatakip sa bibig ko, ganun rin ang ginawa niya sa kamay ko at paa. Masyadong malapit ang katawan niya saakin at wala akong ginawa kundi ang umiyak at titigan ito...

Nakahinga ito ng maluwag ng matanggal na niya lahat ngunit biglang gumalaw ang nanginginig kong katawan at niyakap siya. Nagsimula akong humagulhol sa katawan niya, at hindi ko alam kung nananaginip lamang ba ako pero naramdaman ko ang hagod na ibinibigay niya sa likod ko.

Nang mahimasmasan ako ay inalalayan na niya akong tumayo, ngunit bigla kaming natigilan ng marinig namin ang pagsara ng pinto. Sandali kaming nagkatinginan at inalisa ang mga nangyayare.

Mabilis siyang pumunta sa pinto at pinilit na buksan ito ngunit huli na dahil mukhang naka-lock na ito. Pinanuod ko lamang ang reaksyon niya ngunit kahit kinakabahan ay medyo naibsan ito ng

Iritable niyang sinuntok ang pinto...

"Shit, we are trap here..." inis na bigkas niya.

Bute na lamang ay nakabukas na ang ilaw kaya medyo nababawasan ang kabang nararamdaman ko hindi katulad kanina. Bigo akong napaupo sa sahig habang naririnig ko naman ang malalalim na paghinga ni Raiden...

Finding YouWhere stories live. Discover now