Seventeen

978 35 0
                                    

Seventeen

Sharla POV

"Kumain ka lang..." alok saakin ni Jasper habang patuloy parin nila akong pinagmamasdan.

"Anong tingin niyo saakin, masiba sa pagkain?" inismiran ko sila at tsaka pinagpatuloy na ulit ang pagkain. Ngunit kanina ko pa napapansin ang mga titig nila.

"What?" tanong ko ngunit walang gusto sakanila ang magsalita sa halip ay iniiwasan lamang nila ang tingin ko.

"Ano pa ba gusto niyo? Napapayag niyo na ako na sumali sa banda niyo, huwag niyong sabihin saakin na ako ang papabayarin niyo nitong kinain ko?"

"Hindi naman siguro masamang titigan ka, hindi ba?" seryosong utas saakin ni Rio habang may kakaibang ngiti sa mga labi nito.

Napalunok ako sa sinabi niya... Bakit ba sila ganito saakin ngayon, may ginawa ba ako habang papunta kami ditto? Noong natutulog ako may nasabi ba ako? Ano ba!

Napainom ako ng tubig at tsaka napatayo...

"Bahala kayo kung ano ang gusto niyong gawin sa buhay niyo! Uuwe na ako..." mala-awtoridad na sambit ko ngunit hinila ako pabalik ni Jel at tsaka nakakalokong ngumiti saakin.

"Ano ba talaga ang gusto niyo?" iritableng sambit ko.

"How if we have a deal!" sambit ni Jasper na nagpaseryoso saaming lahat.

Napahalukipkip ako at tsaka inabangan ang sasabihin nila...

"Be our girlfriend?"

Halos maibuga ko sa mukha nila ang inninom kung tubig dahil sa sinabi nila...

"Ako ha! Tigilan niyo nga ako..."

"Hindi totoo, be our girlfriend?"

"Ano to isa laban sa tatlo? Naglolokohan ba tayo?"

Napakamot sila sa kanilang ulo...

"No ang ibig namin sabihin be our girl bestfriend!"

Tinitigan ko sila ng mabuti at tsaka napangisi...

"Ikain niyo lang yan, gutom kayo! Uwi na ako..."

Sabay sabay silang napabuntong hininga at tsaka napatayo...

"Sige uwi na tayo, pero pagisipan mo ang sinabi namin. We really mean it" ani ni Rio at tsaka ako iniwan na nakatingin sa kanila habang papalabas ng pinto.

Napa-iling-iling ako, ano ba nangyare sa mga iyon, bakit all of a sudden gusto nila akong maging kaibigan. Baka kasi gusto nilang ginugulo ang buhay ko? O baka kasi alam nila na hindi ko pa nararanasan magkaroon ng isang kaibigan. Hay kung ano man ang dahilan nila, wala na akong pakialam.

Tahimik naming binabagtas ang daan papunta sa Manila, ni hindi ko na nga natanong sa kanila kung saan ba nila ako dinala na lugar, nagbabalak pa naman ako na dalhin sila Mama doon. Mahilig kasi si Dad sa mga Mountain Hiking...

Napahinga ako ng malalim ng biglang huminto ang sasakyan at nasa tapat na pala kami ng bahay, binuksan ko na ang pinto ngunit bago ako tuluyang lumabas tiningnan ko muna sila, lahat pala sila ay nakatingin saakin.

"Hmmm! About sa sinabi niyo kanina, pagiisipan ko. Salamat sa araw na ito, kahit na ginulo niyo araw ko, nag-enjoy parin naman ako. Good night!" sambit ko at tsaka ko na isinarado ng tuluyan ang pintuan ng kotse.

Napansin ko pa ang pag-apir nila sa isat isa ngunit di ko na ganuon ka tinuon ang atensyon ko.

Pagkapasok ko ay mabilis akong sinalubong ni Mama ng nakangiti...

Finding YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon