Five

1.3K 43 0
                                    

Five

Iritable akong umalis sa silid na iyon, iniwan ko ang mga lalaking iyon na nakatanaw at pinapanuod si Raiden na kinakain ang lunch ko. Ano ba ang nilalagay ni Mama sa pagkain ko at parang gustong-gusto iyon ni Raiden at dahil doon nasabihan pa tuloy akong nang-gayuma.

Binagtas ko ang canteen at sa kasamaang palad ay may humarang na naman saakin... Pagtingin ko ay sila pala iyong mga lalaki kanina na pumatid saakin habang papasok.

"Anong kailangan niyo?" wala sa wisyong sambit ko.

"Here you go again, bakit ba palagi kaming minamalas ngayong araw na ito. Diba boys!"

Napa-irap ako sa sinabi niya. Baka ako kamo ang minamamalas, dahil kung hindi mga kaklase ko ang nambabad-trip saakin ay itong mga ito naman.

Inirapan ko sila at nagbadyang maglakad na naman ngunit mabilis at maagap akong hinila noong pinaka-leader nila... at bumulong saakin.

"Do you know about the Green Flag of this school? Well, I'm just here to inform you that you are the next victim..." aniya sa pananakot na boses at kinilabutan talaga ako roon. Matapos nun ay padabog na niya akong binitawan at tsaka sila naghahalakhakang umalis sa harap ko.

Hindi ko alam kung ano ang nangyare saakin pero nakaramdam ako ng kaba. Parang binabalaan niya ako na maghanda sa mangyayare saakin rito sa school na ito.

Tuliro at wala ako sa sariling pumunta sa Cafeteria at bumili ng biscuits na magiging lunch ko ngunit ang ipinagtataka ko ay bakit parang ako ang usapan ng bawat tao at estudyante na naruon. Simula noong nakita nila ako ay bigla silang nanahimik at tinititigan ang bawat galaw ko.

Nagdiretso ako sa bilihan ng pagkain at dalawang biscuit lang ang binili ko at tsaka umalis sa cafeteria. Tahimik akong bumalik sa loob ng classroom, nakita ko pa ang apat kong kaklase na nagtatawanan sa may hallway tapat ng aming classroom, ngunit hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin.

"Sharla!" tawag pa saakin ni Jel. Tiningnan ko lamang siya at tsaka na pumasok sa loob ng silid.

What's with this Green Flag, bakit parang binalot ng sobrang kaba ang dibdib ko simula ng marinig ko ito? Hindi ako mapakali, parang gusto kong umalis at magwala simula ng marinig ko ito.

Maayos na natapos ang klase habang ang isip ko naman ay lumilipad, I have this kind of feeling na kailangan kong ire-search ang Green Flag na sinasabi noong mga mukhang Gangster na nagsabi saakin nun.

Sakto pagkatapos ng klase ay nakatanggap kaagad ako ng text galing kay Mama, in 5 minutes raw ay nasa school na siya. Kaya ganun na lamang ang pagmamadali kong makaalis sa silid namin, nakita ko pa ang pagsulyap saakin ni Jel habang nagtama rin ang tingin namin ni Raiden.

Nang nasa Entrance na ako ng school ay may narinig akong naguusap sa di kalayuan.

"Did you heard about the new victim?" sambit noong maiksing buhok na estudyante. Napakunot kaagad ang noo ko.

"Victim? For what, for the Green Flag?" sambit noong medyo wavy ang buhok.

"Ou, I heard the last victim of it was committed a suicide, hindi yata nakaya ang mga Rules ng Green Flag..." sabi naman noong straight ang buhok.

"Sharla! Sharla..." mabilis na nawala ang atensyon ko roon sa naguusap ng marinig ko ang pagtawag saakin ni Mama. Nasa tapat ko na pala ito.

Binuksan ko kaagad ang pintuan ng kotse at wala sa sariling pumasok roon. Napasulyap pa ako doon sa tatalong estudyante na naguusap at mukhang iyon parin ang pinaguusapan nila.

"How's school? How's your day." Tanong ni Mama habang iniikot niya ang manibela.

"Tired Ma..." tamad na sagot ko.

Finding YouΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα