Prologue

11.2K 225 64
                                    

"Roses for you."

Tinanggap ko ng buong ligaya ang bouquet of roses na iniregalo nya. Ang ganda ng arrangement. Mukhang mamahalin at fresh na fresh pa. Nakakakilig tuloy!

Ngumiti ako sa kanya sabay sabi ng "thank you."

"Anything for you, gorgeous."

Aaaaay! Kilig to the bones lang. Nagpabebe smile ako sabay ipit ng buhok sa ears ko. Lakas kasing maka-diosa ang pagtawag nya sa'ken ng gorgeous eh. Feeling ko ang haba haba ng hair ko at daig ko pa si Rapunzel. Hahaha.

"Ayieee. Heng shweet me nemeen!" kumukurap kurap ko pang sabi at niyakap yakap ang bouquet.

"Eh sweet ka rin kasi." malambing na sagot nya at hinawakan pa yung chin ko.

Grabe!! Nao-overload na ako sa kakiligan dito kay Mr. Dream Boy ko kaya naman napakanta ako di oras ng 'ako na yata ang pinakamagandang babae sa mundoooo ~~ ♩♬' with simpleng sayaw pa. Kinilig kasi talaga ako eh! Hahaha

Bahagya akong napatigil ng bigla nyang hinawakan ang pisngi ko. Nakatitig lang ako sa kanya. Papalapit ng papalapit ang mukha nya sa mukha ko kaya napapikit ako. Alam ko naman na kung ano ang gagawin nya eh - iki-kiss nya akooooo!! Kaya naman ngumuso na ako para ready na sa matamis na kiss na ibibigay ng Mr. Dream Boy ko.

First time ko eh! Sssshhh... ;-)

Inaantay kong dumampi ang lips nya sa lips ko kaya lang...

"Maaaaaine!! Gumising ka na. Tanghali naaaa!!"

Bigla akong napadilat. "WAAAAAAAAAAH!" sigaw ko at itinulak ko sya dahilan upang malaglag sya sa kama ko. Ang lapit kasi ng mukha nya eh tapos para pa syang sinubsob sa espasol dahil sa puti ng muka nya na bumalandra pagkagising ko. Akala ko tuloy minumulto ko sa tanghaling tapat.

"SHATAAAP! Ingay teh!"

Napatigil ako sa pagsigaw at napatingin sa gawi ng magaling kong kapatid. Binigyan ko sya ng nakakapanlisik na tingin at yung butas ng ilong ko siguradong lumalaki na naman. Ganyan nya kasi ako i-describe kapag naiinis ako sa kanya.

"MIKA NAMAN EEEEH!" maktol ko saka ko hinampas ang bruha ng isa sa mga nadampot kong unan. Nakaupo na ako ngayon sa kama ko. "Ang ganda na ng panaginip ko eh. Hahalikan na ako ng dream boy ko. Ang lapit na ng lips nya sa lips ko, hinanda ko na nga rin ang mga kissable lips ko tapos sinira mo lang eh!" nayayamot kong saad sa kanya with hand gestures pa. "Panira ka eh!"

Napakurap yung kapatid ko habang inaabsorb ang mga sinabi ko saka sya biglang tumawa. "Funny ka teh!" tinuro nya ako saka umupo kaharap ko. "Eh kung yang dream boy mo kaya lumabas na lang mula sa panaginip mo ng iligtas ka sa bangungot na paparating sayo, no? Baka magpa-partey-partey pa ako imbes na makiramay sayo."

Napa-pout na lang ako sa sinabi nya. Oo nga naman, sana totoo na lang sya para may magligtas sa'ken mula sa nagbabadyang bangungot na paparating at napatingin ako sa sahig. "Oo nga para itakas nya ako dito at dalhin sa paraiso." sabi ko sa mahinang tono pero alam kong dinig naman yun ng kapatid ko.

Saglit kaming nabalot ng katahimikan at bigla din kaming nagpalitan ng tingin, parehong namimilog ang mga mata namin at ngumiti na tila may bumbilyang lumiwanag sa tuktok ng aming mga ulo.

This Way To TadhanaWhere stories live. Discover now