Dear Diary

1.5K 102 44
                                    

Break muna sa Aldub moments. SOBRANG KINILIG KASI AKO SA EPISODE NGAYON AT ITO ANG PAMPA-KALMA KO! Hahahaha ♥

And also, I have to make room for this certain scenario para lang maging claro kung paano nakita ni Mika ang ate nya (mentioned in Chapter 14: Ang Pagdating ni Lola). Let's just say na isa sya sa mga 'instruments' na kailangan ko sa istoryang 'to. :-).

Salamat nga po pala sa mga votes! Sa next chapter ko na lang po ime-mention yung usernames niyo. Sana po ma-appreciate niyo ang update na 'to. Babawi ako sa next chapter. *pinky swear* :-)

____________________________________

◀ Chapter 19: Dear Diary ▶

Dear Diary,

Bakit ganito ang nangyayari sa akin? Hindi pa ba sapat ang mga sakripisyo na ginawa ko? Hindi man lang ba nila ma-appreciate ang mga paghihirap ko? Lahat naman ng ginagawa ko ay para na rin sa kanila - para mapabuti sila, diary. Ayoko silang maghirap. Ayokong maranasan nila ang...

* tok tok tok *

...ang aking...

* tok tok tok *

...ang...

* tok tok tok *

Ayoko na yatang maranasan ang ganitong klase ng pambubulabog! Teka muna diary ha? I'll be back, wag kang aalis at babalikan kita.

"ANOOOOOO?" singhal ko sa kung sino mang nilalang ang nambubulabog sa pagmo-moment ko. Dios mio naman kasi! Minsan na nga lang akong makapag-update sa diary ko pero may eeksena pa!

Tinungo ko ang pintuan at binuksan iyon. Nakita ko ang isa sa mga bodyguards ko - si Rogelio. Nakatayo ito ng tuwid, magkahawak ang kamay at "wow! Where's the sun?" kumento kong bigla ng makita ko sya. Paano ba naman kasi, nasa loob lang kami ng bahay pero naka-shades pa rin sya? Nang-aano yata ito eh, ha!

"Oh, ano'ng kailangan mo?"

Huminga itong malalim saka sinabi ang pakay. "Irereport ko lang po sana, Donya Nidora, na tama ho ang inyong hinala."

Nagliwanag ang aking mukha sa mga narinig ko. Napangiti ako ng 'di oras sa kanya. "Go on, Rogelio, I'm listening." nakangiting saad ko sa kanya. Kung ganito ba naman sila palagi eh magu-good vibes talaga ako! Nakunsumi na ako sa apo kong si Maine sa paglalayas nito kaya naman ng makita kong good news ang dala nitong si Rogelio eh napapangiti talaga ako.

"Namataan nga namin ang apo ninyong si Mikaela na pasikretong umalis. Gaya ng utos ninyo, hinayaan lang namin sya na parang wala kaming alam at sinundan sya. Nakita naman ng isa sa mga kasamahan ko na nag-aabang sa entrance ng subdivision na sumakay ito sa isang pulang coche at ayon naman sa yaya nito ay papunta raw ho ito ngayon sa Baguio."

"Mwahahahahaha!" napatawa ako sa sobrang saya! "Sabi ko na nga ba at talagang may alam itong batang ito kung nasaan ang ate nya. Sya ang magdadala sa atin kung nasaan si Maine." magandang balita ito. Matutuloy ang kasalang Monteclaro-Arenolli.

Tumingin akong muli kay Rogelio na nakatayo pa rin ng tuwid at hindi gumagalaw sa kanyang puwesto.

"IHANDA ANG SASAKYAN AT PUPUNTA TAYO SA BAGUIO!"

~* ♥ *~

< Mikaela's POV >

"How on earth did you know na sinusundan tayo ng mga bodyguards ng lola mo?" bulong ni CJ sa akin habang pasakay na kami sa PUV na magdadala sa amin sa destinasyon namin. "Grabe! Iba na talaga ang pagka-rebelde mo, Mika!"

This Way To TadhanaWhere stories live. Discover now