One Cinderella Gown, Please

1.9K 118 20
                                    

Akala ko talaga magme-merienda na naman ako ng hopia pero... NAGKITA SILA!! ♥♥♥ Hindi ako mahilig sa love team, pero iba ang epekto saken ng AlDub/MaiDen eh.. Super kilig!!

Tapos biglang may pader!! Na-stress ako sa pader!! At dahil na-stress ako, mag-u-update ako..

_________________________

Chapter 8: One Cinderella Gown, Please

It has been 2 weeks simula nung lumayas ito sa kanila at kinalimutang siya si Maine. Dalawang linggo na nung niyakap nya ang katauhang ginawa nya - si Dub. Masaya sya dahil wala syang ibang ginawa kundi ang magluto, ang panoorin minsan si doktora sa mga eksperimento nya kapag kailangan nito ng assistant, at ang gumawa ng videos sa LipTunes.

Masaya sya sa ginagawa nya. Walang pressure, walang stress, at lalong lalo na WALANG KASAL!

"Yayaaaa~~!" napabalik na lamang sya sa realidad ng marinig ang tawag ni doktora. Pababa ito ngayon sa hagdanan ng mansyon at bihis na bihis. Kanina pa nya ito hinihintay dahil ang sabi nito ay may pupuntahan sila.

"Yes, doktora?" mahinang sagot nito.

Medyo patalon talon pa si doktora habang hila-hila naman ang trolly bag nito na may print na Cinderella, naka-blue shorts, blue doll shoes, blue shirt at maliit na backpack na blue.

"Color of the day?"

"Oh yeah!" nakangiting sagot ni doktora dito. "Kasi we're going to shop for the partyyyy~~" napatingin agad si Dub sa kanya. Questions was all over her face while mouthing the word 'party'.

Birthday kaya ni doktora?

O baka naman anniversary niya kasama ng mga eksperimento nya?

O di kaya may jowa itong scientist din at magkikita sila kaya may magaganap na party.

Nilagay pa nito ang daliri sa may sentido at malalim na inisip kung alin dun ang tema ng party para naman alam nya kung ano ang puede at hindi nya puedeng lutuin.

Tinignan nya ulit si doktora Dora na ngayon ay pa-sway-sway pa habang nagre-retouch. Mabuti na lang at hindi kulay blue ang lipstick nya. "Let's go na, yayaaaa~~! Super excited na meeeee~~!" saad pa nito na kinunot ang muka.

Napakamot ulo na lang ito at tumango-tango. "Sige, doktora. Tara na ho."

Habang palabas sila ng mansyon patungo sa sasakyan, naisip ni Dub kung gaano ito kaswerte at hindi parang telenovela ang nalandingan nyang role sa piling ng doktora.

Mabait kasi ito, masayahin, matulungin at mapagbigay. Yung mga lumang gamit nya pinamimigay nya sa mga kasama nya sa bahay, kaya naman ngayon may netbook ito sa kwarto nya at may wifi pang kasama! Bongga di ba?

"Hello daaaaaaaaaaaaaaaahling~~"

Agad na napa-360 ng lingon si Dub kay doktora.

Dahling slang ng Darling at ang darling ay endearment. Di ba? Di ba? Di ba?

"Of cooooooooooooouhse! I'll see you. Labyutoo! Byeeeee~~ Hihihi!"

'CONFIRMED! ANNIVERSARY PARTY NGA ITO!' Isip ni yaya Dub ng marinig ang one-sided na usapan. Bakas din sa boses ng doktora ang excitement, bakas din ang kilig at saya sa muka nya kaya naman naisip nito na kailangan nyang magluto ng special para mas lalong maging romantic ang date ni doktora. Pasasalamat na rin sa pagkupkop nito sa kanya.

Inimagine pa nito na magpe-prepare sya ng candle light dinner para sa dalawa, itatanong na rin nya sa mga bodyguards ni doktora na sina Leandro mamaya kung marunong silang tumugtog ng instrumento at kumanta para habang kumakain sila.

"Yaya?"

Bigla na lang itong nagulat ng pagdilat nya ay nasa harap na nya ang mukha ni doktora! "Waaaaaaaah."

"WAAAAAAAAAAAAH!" at pati ang doktora ay nakisigaw na rin sa pagkagulat. "OH MY GOOOOOD. WHAT HAPPENED? BINANGUNGOT KA?" medyo nag-aalalang tanong ni doktora na syang nagpatigil sa kanya sa pagsigaw. "Eto, gisinginakusis sa bangungutis! Isang drop lang, wala ng nightmare, yaya. It's effective! Praaammiiizzzz!"

Nakanganga lang na kinuha ni Dub at maliit na bote mula kay doktora at inaabsorb kung ano ang nangyari.

"Aaah... Eeeh..."

"I, O, U?" pagtutuloy ni doktora.

"Aaaay! Hindi. Doktora, hindi ako binabangungot." bigla ay sambit nito at binabalik sa kanya ang bote. Ano ba nangyari saken? tanong pa nito sa sarili nya.

Tumango-tango naman si doktora. "Kanina pa kasi ako nagto-talk, pero para kang na-stroke kanina. Look oh!" at pinakita nito ang isang litrato ni Dub na kinunan kanina na syang ikinagulat naman ni Dub ng makita nya ang itsura nya.

Naka-interlock ang mga daliri nito na nakapatanong sa kanang pisngi nya, ang mga mata nito parang tumitirik at ang mga labi ay parang half naka-ngiti at half na naka-nganga.

Napakamot ito sa batok at nangiti na nahihiya. "Eeeeeeeeeeeh anooooooo..."

"Yes?" nag-aalalang tanong pa rin ng doktora habang hinihintay matapos ang sasabihin ng dalaga. "May epilepsy ka ba? Tell me so I know what gamot to give you, yaya."

Umiling si Dub. "H-hindi po!" saad nya. "Day dreaming lang." mahinang sagot nya dahil sa kahihiyan. Malamang nahihiya talaga sya dahil habang kinakausap sya ni doktora ay nagde-daydream lang sya tapos si doktora pa ang bida. Parang hindi normal di ba?

"Ahh. Ooookay." nakangiting saad na lang ni doktora na parang nage-gets nito ang ibig sabihin. "In love ha?" tila pang-aasar pa nito at hindi na nakasagot pa si Dub dahil biglang tumigil ang sasakyan nila. "Oh, we're here naaaaaaa~~!" at balik excitement na naman ang boses ni doktora.

Pumasok na ang dalawa sa loob ng shop at sinalubong naman sila ng dalawang staff na naroon. "Welcome to Happily Ever After!" saad nila na nakataas ang mga kamay at may mga tela pang nakasabit sa mga leeg nila, yung isa may hawak ng tape measure, yung isa naman gunting.

Sa itsura ni doktora, hindi maipagkakailang tuwang-tuwa ito sa kanila. "Hi, doktora!" bati ng isa. "Long time no see." saad naman ng pangalawa.

"Oh, yes hello daaaaaaaaahlingz!" napatingin si Dub dito. So, ito yung darling na tinatawag ni doktora kanina? "Magpapasukat ako for a gown na need ko this coming Saturday. Kaya niyo ba?"

Nagtinginan ang dalawa at sabay na tumango. "Kahit tomorrow pa yan, magagawa namin!"

"Basta ikaw, doktora."

Napahagikgik naman si doktora dahil sa special treatment na ibinibigay sa kanya ng dalawa. Ng mapansing may kasama si doktora ay agad naman nila itong nilapitan at pinalibutan na tila tinitignan ang kabuuan ng dalaga.

"Oo nga pala, this is my personal assistant, Divina Ursula Bukbukova." pagpapakilala nito sa kanila. "Call her Dub."

"Honestly, mas bagay ang Divina." sabi ng isa.

"True! Agree! Pak!" pagsang-ayon naman ng isa.

"Pag di pa kayo tumigil sa kakaikot kayo ay aking masasaPAK!" pagbabanta naman ni doktora sa pabirong tono at agad na tumigil ang dalawa at nilapitan sya nung isa.

"So, ano ang motif natin ngayon?" naka-ngiting tanong ng isa. Tinignan muna sya ni doktora saka tumingin kay Dub. "Cinderella gown! Yung ganung sukat!" turo pa nito kay Dub at agad naman syang sinukatan ng dalawa.

___________________

NEXT CHAPTER'S PREVIEW:
Chapter 9: Cinde-yaya.

"Aah!" Napatili sya ng ma-out of balance sya. Akala nya tuluyan na syang mahuhulog, mabuti na lang at may nakasalo sa kanya.

Tumingin sya sa nakamaskarang mukha ng kanyang savior habang nakahawak pa rin ito sa kanya bilang pang-alalay.

Their eyes met and for a moment, they felt as if the world stopped spinning. It was as if they were the only people in the world at ang tanging naririnig lang nila ay ang malakas na pagpintig ng kanilang mga puso.

This Way To Tadhanaजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें