Ang Pagdating Ni Lola

1.5K 110 35
                                    

Para sa walang sawang pag-vote ni supermaxx07, sa isa pang bagong vote na natanggap ko mula kay truelelei at sa nag-add ng story ko sa reading list nya na si DeiRd_019. Super duper thank you!

Para sa kabsat kong nag-encourage sa'kin na ituloy ang fanfic ko, walang sawang mag-vote at mag-comment at isang ubod ng bait na kaibigan. :-) ceijhey14

Second update ko 'to for this day. A year ago, on this very same day, namatay ang kapatid ng lola ko who happens to be the matriarch of our family. She kept us all on the ground and until now nalulungkot pa rin ako kasi namimiss ko na sya. Kaya ito ang nasulat ko ngayong araw. Sana magustuhan niyo. :-)

Votes & Comments are very much appreciated. Aldub you! ♥

_________________________________

◀ Chapter 14: Ang Pagdating ni Lola ▶

< Mikaela's POV >

"Mika, kanina ka pa palakad-lakad dyan. Ano ba'ng nangyayari sa'yo, hija?" tanong ni Yaya Divina habang nilalapag ang isang tray na may juice at sandwich. "May gumugulo ba sa isip mo?" nag-aalalang tanong nya.

Pero imbes na sagutin ko iyon ay tinanong ko naman sya. "Si daddy?"

"Nasa baba." Simpleng sagot nya. " Eh, ano ba yun?"

If there is someone na puede kong pagkatiwalaan dito sa bahay bukod kay ate, si Yaya Divina yun. Alam nyang maglalayas si ate sa mismong araw ng kasal nya pero ni minsan ay hindi nya ito sinabi kay daddy. Sya lang ang kakampi namin sa bahay na 'to mula nung mawala si mommy.

Tumingin ako sa kanya, kitang kita ko ang pag-aalala sa mukha nya. Hinila ko sa yaya sa isang sulok, sinisiguradong walang ibang tao na naroon bago ako bumulong sa kanya. "Ya, kasi po..." tumingin ulit ako sa paligid. Nandito kasi kami ngayon sa veranda.

Ng masigurado kong walang tao, saka ko itinuloy yung sasabihin ko. "...kasi po feeling ko nakita ko si ate kagabi." bulong ko na sya namang ikinagulat nya.

"T-talaga?"

Tumango ako habang nakapatong ang daliri ko sa labi ko para senyasan na wag syang maingay. Tumango naman sya. "O-opo. Pero hindi ako sigurado eh. Kasi po..."

* beeeeeep beeeeeep beeeeeep *

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa malakas na pagbusinang yun. Hindi naman malayo ang gate mula dito sa veranda kaya tanaw na tanaw ko ang isang luxury car na pinagbuksan ng isa sa mga guard namin papasok sa garahe.

Sino naman kaya yun?

# # # # #

< Author's POV >

"Arnaalldooooo!"

Agad na napalingon si Arnaldo ng marinig ang boses na iyon. Isang matandang babae ang bumungad sa harapan nya. Marami itong mga alahas, mataas ang kilay, pula ang lipstick at nakabestida ito. May pamaypay din itong hawak-hawak habang nakatingin ito sa kanya.

"M-mama?"

Ngunit walang kaamor-amor itong tumingin sa kanya. Nilapitan nya ito para paikutan ang anak at muling huminto sa pag-ikot ng magkaharap na sila ulit. "Oh." bungad nya. "Nasaan na si Maine?" inis nitong tanong.

Napakamot lang ng batok si Arnaldo habang nakayuko. Ano ba ang isasagot nya eh hanggang ngayon hindi pa rin nya nahahanap ang anak nito.

"Napapahiya na ang pamilya! Ang mga Arenolli naiinip na! Hanggang ngayon wala ka pa ring nagagawa!! Ano ba ang problema, Arnaldo?" Halos pasigaw nitong pinagsasabihan ang asawa ng yumao nitong anak.

Ramdam na ramdam ang namumuong tensyon sa bahay ng mga Monteclaro dahil sa pagdating ng Donya. "G-ginagawa ko naman a-ang lahat p-para mahanap ang a-anak ko." ninenerbyos nitong pagsagot.

"Tss!" her lips curled up habang matatalim ang mga tingin na ibinabato nya rito. "Pero hindi sapat ang ginagawa mo. It has been weeks and yet wala kang clue kung nasaan sya! Ano'ng klaseng pagpapalaki ba ang ginawa mo sa kanya, ha?"

Hindi makasagot o makatingin ng derecho si Arnaldo sa kanyang biyenan. Alam nitong mula umpisa ay hindi na boto ang matandang Donya sa kanya.

"Lola?" pukaw ng isang tinig sa di kalayuan. Napatingin ang dalawa kay Mika na ngayon ay papalapit na sa kinaroroonan nila. "Lola Nidora?"

Tinignan nya ang nakababata nitong apo. "Mikaela." mahinang sambit nito habang naglalakad naman ito papalapit sa kanya at nagmano.

"A-ano po'ng ginagawa niyo rito? Di ba nasa Italy kayo?" tanong ng bata.

Umiwas ito ng tingin at humingang malalim ito. "Hija, paano akong mananatili sa Italia kung hanggang ngayon nawawala ang ate mo?" sagot nito sa apo. Tinignan nya ulit si Mikaela at sinabing, "kung hindi sya mahahanap ng papa mo, ako na mismo ang magpapahanap sa kanya." saka ito tuluyang umalis sa harap ng mag-ama.

"ROGELIO, ROGELIO, ROGELIO!" sigaw nya at agad namang pumasok ang tatlong naglalakihang mga lalaki. Naka-blue na barong shirts ang mga ito at naka-shades. "IPASOK NA NIYO ANG MGA BAGAHE KO." utos nito na agad namang sinunod ng mga Rogelio.

# # # # #

< Mikaela's POV >

"Mika, pati ba naman ikaw?" nanginginig ang boses ni yaya Divina habang iniimpake ko ang ilan sa mga gamit at damit ko. Kanina pa ito palinga-linga sa pintuan ng kwarto ko.

Hindi ko pa rin sya nililingon. Kanina pa nya ako pinipigilang umalis. "Yaya, kailangan kong gawin 'to!" mariing saad ko sa kanya habang patuloy akong naglalagay ng ilang damit sa aking backpack.

"P-pero..."

Nilingon ko sya. "Basta, kapag tinanong ka nila, just tell them na may gig ako sa Baguio for 4 days!" banggit ko at kinuha ko na ang bag ko saka lumabas ng kwarto.

Kailangan kong umalis at bumalik sa lugar na yun. I have to warn my sister! Hindi sya puedeng matunton ni Lola.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdanan ngunit napatigil ako ng marinig ko ang boses ni Lola. Agad akong yumuko at nagtago sa likod ng railings ng hagdanan.

"Oo." sagot nito sa kausap nya sa telepono. "Matutuloy ang kasal! Pinapahanap ko na ang apo ko." diin nito. "N-no, Franing! O-of c-course not!"

At habang nakikipag-usap ito sa telepono, dahan-dahan akong naglakad patungo sa kitchen. May daanan kasi sa likod at doon ako dadaan.

Kanina lang ay nakita ko ang mga Rogelio na nagtitipon-tipon sa garden area, narinig kong sisimulan na nilang hanapin si ate. Kailangan na nyang mas makalayo.

Narito na ako sa laundry day, mabuti na lang at naglaba ngayon ang mga kasambahay namin ng mga kumot at bed sheets kaya dun ako nagtago. Kausap kasi sila ng isang Rogelio, siguro ay tinatanong kung may alam sila tungkol kay ate.

Yumuko ako para maging kapantay ko na ang mga halaman. Dahan-dahan kong binuksan ang gate at dahan-dahan ko rin itong isinara para hindi nila ako mapansin.

Ng makalabas na ako, walang lingon-lingon akong naglakad palayo sa bahay. Mabilis ang ginawa kong mga hakbang hanggang sa makarating ako sa may labasan kung saan naroon ang isang pulang kotse na naghihintay sa'ken. Binuksan ko agad yun at sumakay na.

"Iba talaga ang rebelde, ah!"

"Shut up and just drive, CJ!"

to be continued...

This Way To TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon