Ang Suplado At Ang Utal

1.5K 114 40
                                    

Habang naghihintay sa TVC at Kalye Serye.. #AlDubKoTo ♥

Votes & Comments are very much appreciated. :-)

_____________________________________

◀ Chapter 13: Ang Suplado At Ang Utal ▶

"Alam mo, ikaw, malala ka na!"

Kunot-noo kong nilingon ang kasama ko. "Akala ko ba sumama ka para tulungan ako?" tanong ko habang binabalik ko ang tingin ko sa daanan. Nagmamaneho kasi ako, ayoko namang mabangga kami.

"Oo nga!"

"Eh bakit kontrabida ka?"

Napailing si Paolo na nangingiti. "Insan, sa dami ng babaeng nakamaskara kagabi, paano mo malalaman kung kanino mo ibabalik yang bracelet na yan?"

May point sya. Pero kahit ano gagawin ko maibalik lang yun sa kanya. Gusto ko na rin syang makilala. Sya lang ang nagpatawa sa'kin at sa kanya lang ako nakaramdam ulit ng kakaibang sensasyon.

"In love ka sa babaeng yun, 'no?" panunukso nito sa'kin ng hindi ako makasagot. Bigla namang kumawala saglit ang puso ko sa narinig ko. In love? Ako?

Napailing ako sa kanya. "Porket ibabalik lang yung bracelet in love na? Hindi ba puedeng nagsa-sauli lang ng gamit?" sagot ko naman. "Isa pa, sabi ni mamita, baka importante ito sa babae kaya dapat ibalik sa nagmamay-ari."

Itinaas ni Paolo ang kamay nya sa ere na tila sumusuko sa isang labanan. "Oo na, sige na. Ikaw na masunuring apo ni mamita." saad niya. "Ang tanong ko ngayon, paano mo malalaman kung kanino mo ibabalik yan eh sabi mo ni hindi mo nalaman ang pangalan nya?"

Napabuntong hininga ako ng malalim. Tama naman kasi siya. Paano ko nga naman malalaman kung saang bahay ako magdo-doorbell? Wala akong alam tungkol sa kanya maliban sa tawa nya at kung paano nya ako patawanin.

Minasahe kong saglit ang sentido ko dahil bahagyang sumakit ang ulo ko sa isiping yun. Cinderella, nasan ka na ba?

"O-OOY, A-ALDEN!! P-P-PREEENNNOOO!!"

Agad akong napaapak sa preno ng sasakyan.

# # # # #

< Maine/Yaya Dub's POV >

"Ate, Divina. Relax lang, mahahanap mo rin yun!" pag-aalo sa'kin ni Mhae. Naiiyak na kasi ako at nawala yung bracelet ko. Pamana kasi sa'kin ni mama yun bago sya namatay at iyon na lang ang natitirang alala ko sa kanya simula nung mawala sya. Tapos ngayon mawawala pa.

Napakamot ako ng ulo ko at kinukusot ang mga mata ko dahil unti-unti na itong nanlalabo dahil sa mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo. "Importante kasi yun eh." naiiyak na sagot ko naman sa kanya.

Kaya kahit na ano'ng mangyari, kelangang mahanap ko yun. Papunta kami ngayon ni Mhae sa hotel, itatanong ko kung may nakita silang bracelet. Sigurado ako dun ko naiwan yun dahil hinalughog ko na kaninang umaga yung sasakyan at wala talaga ito dun.

Wala sa sariling patawid na ako ng kalsada ng marinig ko ang sigaw ni Mhae, "ATEEEEEEEEE!"

Bigla naman akong nagulat at napalundag paatras habang napa-prenong bigla ang malaking sasakyan na muntik na akong sagasaan.

Pakiramdam ko, saglit na humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Ma, alam mong miss na miss na kita pero hindi pa ako handang sundan ka! saad ng isip ko.

Si Mhae nakahawak lang sa'kin mula sa likod, ramdam ko rin ang panginginig nya.

Napatingin ako sa lalaking bumaba mula sa passenger's seat. Naka-blue ito na polo shirt at yung shades nasa taas. "Miss, n-nasaktan ba k-kayo?"

"Kuya Paolo?" si Mhae.

At dun lang napatingin yung lalaking nagngangalang Paolo sa kasama ko. "Oh, Mhae, ikaw pala. May nasaktan ba sa inyo?" tanong nito habang nilalapitan kami at tinitignan kung okay lang kami.

"O-okay lang kami, kuya." sagot nito sa kanya.

"Is everything alright?"

Hindi ko maintindihan kung bakit pero parang bigla na lang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Aatakihin na yata ako sa puso sa sobrang lakas ng pagpintig nito. Dios ko, hindi ko alam na nakakasakit pala ng puso kapag may nakikita kang guapo na amoy mabango na parang anghel na bumaba sa langit.

O baka naman nasa langit na ako kaya may anghel sa harap ko?

T-teka, patay na ba ako?

Eh hindi naman ako nasagasaan, di ba?

Kahit si Mhae naramdaman ko ang higpit ng hawak nya sa balikat ko. Kung hindi ako natuluyang mabunggo, feeling ko mababalian naman ako ng ugat sa tindi ng pagkakahawak nito saken. Ang sakit lang ha!

"Miss, okay ka lang?" tanong nito sa'kin.

"A-a-a-ako?" turo ko sa sarili ko. Ako as in ako? Ako talaga? As in, you know, ME? Capital A-K-O, me?

Tumango ito. "Oo, ikaw." turo nya sa'kin.

Gusto kong sumagot pero parang nalunok ko ang sarili kong lalamunan at hindi ko mahanap ang boses ko ng mga panahong yun kaya naman tumango na lang ako bilang tugon. Dios ko naman kasi, kung magpapadala po kayo ng anghel, abiso naman para hindi ako natataranta.

Nagpakawala ito ng isang hingang malalim saka tumango-tango. Isang matipid na ngiti lang ang iginawad nito sa'kin. Saglitan lang yun pero hindi nakawala ang dimple sa pisngi nya.

Nanlaki ang mga mata ko. Bigla ko kasing naalala si Prince Charming. Malalim ang dimple nya. I studied his face for a minute. Kumunot naman ang noo nya at nagtaas pa ng kilay. "Yes?"

Napaatras ako kaunti. Hindi. Hindi maaaring sya 'to. Mabait at palatawa yung nakasama ko kagabi, itong isang 'to eh suplado. Umiling ako. "W-wala. A-akala ko m-may d-dumi sa m-mukha niyo." saad ko na lang na napahawak sa batok ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito at pinunasan ang magkabila nitong pisngi. "A-ah s-sige, una na ho kami!" dagdag ko at dali dali ko ng hinila si Mhae patawid sa kabilang kalye.

Narinig ko ang pag-protesta nito sa ginawa ko pero hindi ko sya pinansin. Narinig ko pang nag-babye ito dun sa Paolo pero hindi ko alam kung nag-babye din yun sa kanya.

Mas importante ang bracelet ko kaysa sa supladong anghel na kaharap ko, 'no!

# # # # #

< Alden's POV >

"Bye, kuya Pao!" rinig kong sigaw ni Mhae. Kilala ng pamilya namin ang dalagang iyon dahil bukod sa school mate nya yung nakababata naming pinsan ay minsan rin syang kinuha ni tita Ruby para maging baby sitter ni Ryzza.

Napalingon na lang ako at nakitang nakatawid na sila sa kabilang bahagi ng kalye. Napailing ako at bumalik na sa kotse. Pinaandar ko na muli ang makina at sumunod naman si Paolo.

"Ganda ng kasama ni Mhae, no?"

Hindi ako sumagot. Maganda? Sige, sabihin na nating maganda sya. Akala ko nga sya na yung hinahanap ko. Parehas kasi sila ng body frame. Kaya lang, yung kausap ko kagabi ay pala-ngiti at hindi utal magsalita. Kaya imposibleng sya yun.

"Maganda? Baka weird." sagot ko na lang at nagpatuloy na sa pagmamaneho.

Maganda sana, utal lang!

This Way To TadhanaOn viuen les histories. Descobreix ara