Yaya At The BAEkery

1.5K 112 39
                                    

Itanong niyo sa akin, kung sino'ng aking mahaaaaaal ~~ ♥ ♬

EH DI SIEMPRE KAYONG MGA READERS, VOTERS, REVIEWERS AND KAPWA KA-ALDUB KO! HEHEHE...

Anyway, hindi ako maka-get over sa pahabol eksena ng kalyserye kanina. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman kong kilig... My gaaaad... Hindi ako mahilig sa artisa o sa love team, ngayon lang as in NGAYON LANG TALAGA!

At ngayon na rin ako maga-update tapos alis muna ako at kakain ng McDo Chicken Fillet Ala King. Birthday ni mama eh, ice-celebrate ko lang saglit. :-) Aldub you all! :-*

______________________________________

◀ Chapter 17: Yaya At The BAEkery ▶

< Maine/Yaya Dub's POV >

Alas singko ng hapon ng biglang nag-crave si Doktora ng cupcakes at dahil hindi naman ako kagalingan sa larangan ng baking, heto at inutusan nya akong bumili ng tatlong dosenang assorted cupcakes. Iisa lang naman ang bakery na alam ko dito eh, ang Tita Ruby's BAEkery.

Isang beses pa lang akong napadpad doon at ito na ang pangalawang beses. Hindi naman kasi ako masyadong mahilig sa matatamis, nakaka-diabetes kasi, health conscious pa naman ako!

Bigla kong naalala yung nakausap ko kagabi sa LipTunes, si Alex. Ayaw daw nya sa pangalan nyang Denver dahil may naaalala syang hindi maganda, kaya Alex na lang daw. Nalaman ko rin na sya yung Prince Charming ko dahil sa pinadala nyang picture. Medyo panatag na rin ang loob ko dahil nais nyang ibalik yung bracelet sa akin, kaya lang...

No internet connection found.

Badtrip 'no? Sa kalagitnaan ng kilig, nagpaka-KJ ang internet connection namin! Kaya kaninang umaga ay tumawag si doktora sa customer service. Ang sabi sa amin ay nagkaroon daw ng system maintenance dun sa main office ng internet provider sa bahay ni doktora at baka isang linggo pa daw bago nila maayos yun. At dahil dito, kailangan ni doktorang umalis ng bansa para mag-research sa bagong eksperimento nito. Bukas na daw ang flight nya kaya tatlong dosenang cupcakes ang pinabili nya.

Nakakinis lang kasi kagabi dahil itatanong ko pa sana kung paano o saan ko puedeng kunin ang bracelet ko. Nahiya naman kasi akong hingin ang number nya, baka isipin pa nya gusto ko sya. Hello? Yung dimple nya puede pa siguro!

Oh well, siguro hintayin ko na lang ang isang linggo, mabilis lang naman sigurong lumipas yun - katulad ng paglipas ng panahon mula nung tumakas ako sa amin.

Pumasok na ako sa BAEkery at nakasalubong ko naman si tita Ruby. "Oh, Dub, hija! Napadaan ka?" tanong nito habang inaalis ang apron at ibinigay sa isang binata na nasa counter.

"Eh kasi po nagpapabili si doktora ng assorted na cupcakes, tatlong dosena daw po at kayo na ang bahala sa flavors." paliwanag ko habang kinakamot ang batok ko.

Tumango naman si tita Ruby at ngumiti. "Okay, I understand. Alam ko naman kung ano ang paborito ni doktora, eh. Kaya lang kailangan kong umalis at may emergency meeting ako. I'll just text one of my nephews to come over at sya na ang bahala sa order ni doktora. Pakiantay na lang, ha?"

"Opo." maiksing sagot ko na lang saka nagpaalam si tita Ruby sa akin. Inihabilin din ako sa binatang nasa counter na ang pangalan ay si Kenneth.

Namumukahan ko sya dahil ito yung itinuro ni Mhae na crush nya, pero siempre hindi ko na yun sinabi. Hindi naman ako chismosa, 'no!

This Way To TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon