Runaway Bride

6K 190 31
                                    

Author's Note: Thank you, @DeeGold, sa pag-dedicate ng isang chapter ng story mo saken. This one's for you. ^_^

___________________________________

◀ Chapter One: Runaway Bride ▶

"Maine, mag-iingat ka ha?" tumango ako bilang pagsagot sa kapatid ko. Limang araw din naming plinano ito. Sabi ko na nga ba savior ko talaga ang dream boy ko!

Well, hindi man nya ako sinave sa paraang gusto ko, at least binigyan naman nya ako ng idea ng magising ako mula sa panaginip ko. Kaya heto, runaway bride ang drama ko.

Oo, tama ang inyong basa. Runaway bride nga ako. Sukat ba naman kasing ipakasal ako sa lalaking hindi ko gusto at hindi ko mahal? Hindi na kaya uso ang fixed marriage.

Kaya heto ako at haharapin ko ang buhay sa labas ng aming subdivision.

Lumingon ako sa arkong nagsasabi na "Welcome to Smashville Subdivision". Napabuntong hininga ako. Alam kong ito na ang start of something new sa buhay ko.

Nagsimula na akong maglakad palayo ngunit hindi pa man din ako nakakalayo eh bigla na lamang may isang van na biglang pumarada sa harapan ko at lumabas ang mga lalaking naka-uniporme at mukhang kilala ko na kung sino ang nagpadala sa kanila - walang iba kundi ang tinatakasan kong lalake of my bangungot!

Sa pagkataranta ko, tumakbo ako papalayo sa kanila. Mabuti na lang talaga nagjo-jogging at nage-exercise ako tuwing umaga, tanghali at gabi kaya naman maliksi ako.

At ang mga goons na ito, talagang hinabol ako at iniwan ang kanilang van. Sabagay, mas okay na ito dahil kung naisipan pa nilang sumakay sa van ay tiyak na maaabutan nila ako.

Juice colored! Kakasabi ko ng runaway bride ayan literal na takbuhan tuloy inabot ko. Hemergerrrd! Mabuti na lang din at hindi ako nagdala ng maleta kundi simpleng messenger bag lang kaya madali akong nakakagalaw.

Wala akong balak makipag-habulan na mayroong kinakaladkad na maleta. Mahirap kaya gawin yun! Try nyo!

Lumingon ako sa likod ko at medyo malayo na sila, nakita ko pa yung iba na hingal na hingal na. Siguro nahirapan silang sumiksik sa eskinitang dinaanan ko, pano kasi ang lalaki ng tyan nila.

Beh buti nga! Hahahahahaha

Nakakatawa silang pagmasdan eh. Labas pa dila nung iba habang hinahabol ang kanilang mga hininga. Tawa tuloy ako ng tawa sa kinaroroonan ko, pati yung ilang mga tambay dito sa may kanto nakitawa na rin ng makita nila ang mga itsura ng mga goons na yun! Hahaha

Ng makita ko silang pilit tumatayo para habulin ulit ako, nagsimula na rin ulit akong tumakbo palayo sa kanila. Lumusot ako sa mas masikip pang eskinita, buti na lang walang masyadong dumadaan doon at paniguradong hindi kasya ang tyan nila sa eskinitang ito.

"Pare, hayun syaaa!" rinig kong bigkas ng mga goons. Nasa kalagitnaan na ako ng eskinita ng makita kong papasok naman sila.

Tumakbo lang ako. Hindi nila ako puedeng maabutan. Ayokong maitali sa bangungot ko habang buhay. Marami pa akong pangarap na gustong abutin at isa na dun ang makilala si Mr. Dream Boy! Kaya hindi ako puedeng abutan ng mga goons na ito.

Nakikita ko na ang liwanag. Malapit na akong makalabas sa eskinitang ito. Sinulyapan ko ang mga goons sa huling pagkakataon at nakita kong hindi na sila makagalaw mula sa kinaroroonan nila. Muka silang sardinas na nagkumpulan sa sulok na iyon kaya naman parang nag-slowmo ang pagtakbo ko habang papalapit ako ng papalit sa finish line ng eskinita.

Kahit ba ayoko sa masikip, ayoko sa maputik, at ayoko sa mabaho, kakayanin kong harapin at lagpasan para lang matakasan ko ang bangungot na nag-aabang sa akin.

Napatalon ako habang nakataas ang mga kamay ko ng makaalis na ako sa eskinita, feeling ko winner ako sa isang marathon! Ako ang champion!

Ako ang nagwagiiiiiiii ~~ ♬

Okay. Back to reality. Kumaway ako sa mga naghahabol sa akin na ngayon ay trapped na bago ako umalis. Kumaway din naman sila. Aba, may kabaitan din naman sila ano?

At dahil natakasan ko sila at nakakapagod tumakbo, bumili muna ako ng tubig. Nakakauhaw eh! Ang init-init pa man din.

# # # # #

Medyo malayo-layo na rin ang nilakad ko. Ni hindi ko na nga alam kung nasan ako o kung saan ako pupunta. Ang hirap palang maglayas! Juice Ko!

"Looooord, isang sign naman dyan pleaaaaase!" naiiyak-iyak na dasal ko habang tumitingala sa langit. Napaluhod pa ako dahil desperada na akong makahanap ng sign kung saan ako dapat pumunta.

"Oh, my! Okay ka lang baaah?" medyo nag-aalalang tanong sa akin ng isang babaeng nakasuot ng puting jacket, naka-shorts ito ng kulay yellow na medyo abot sa tuhod nya at pink na blouse.

Tinignan ko sya. Nang magtama ang tingin namin, nginitian nya ako. May bangs ito at hanggang balikat lang ang buhok nya, napansin ko rin na may backpack sya bukod sa maliit na maletang nasa tabi nya.

Tumayo naman ako. "Ah. Eh. O-okay lang h-ho."

"Para ka kasing naka-cry kanina. May problem ba?"

Ang kikay nya magsalita pero nakakatuwa naman.

Binuksan ko ang bibig ko at ginaya naman nya iyon. Pero walang lumabas na salita mula rito kaya sinara ko na lang ulit, ganun din sya. Napakamot na lang ako ng batok ko. Ano naman ang sasabihin ko? Naglayas ako? Eh baka pag sinabi ko yun ibalik lang ako o ireport ako sa mga pulis. Ayoko ngang bumalik dun sa bahay. Pipilitin lang akong ipakasal sa isang bangungot. Haaaay. Nakakaiyak naman!

"Oh, oh. Wag ka mag-cryyy!" sabi nya ng medyo naiiyak na ako sa kalagayan ko. Hinagod pa nya ang likod ko para patahanin ako. "Gusto mo ba bigyan kita ng gamot para maging ha-ha-happy ka saglit?" biglang ngiti nitong tanong sakin.

Napatingin ako sa kanya at hindi pa rin nawawala ang mga ngiti nya sa labi habang hinihintay ang sagot ko. May gamot nga ba para sumaya?

Napakamot ulit ako ng batok ko. Hindi ko kasi alam kung ano isasagot ko dito.

"Mabuti pa dun tayo inside the van mag-talk. Daliiii." Parang excited pa sya ng hilain ako papunta sa van nya. "Ito, ito ang van namin oh." turo nya sa nakaparadang pink van na sa likod ay may nakasulat na 'This way to Tadhana'.

Namilog ang mga mata ko sa nabasa ko. Kumurap-kurap pa ako para makita ito. Bigla akong napangiti sa nabasa ko.

THANK YOU LOOOOOOOOORD!!

This Way To TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon