Ang Prinsesa Naging Isang Yaya

3K 130 26
                                    

◀ Chapter Three: Ang Prinsesa Naging Isang Yaya ▶

"HUWAAAAAT??" grabe itong si doktora kung makasigaw daig pa ang nasa kabilang bundok. Di kaya mabingi ang kausap nito sa kabilang linya?

Yung mga hito binili na nya kay Manong Karding. Sya pala ang may-ari ng mga iyon, inaalagaan nya ito para ibenta sa palengke. At dahil direct buying ang ginawa namin, mas nakamura kami.

Mas gusto na raw ni doktora ito dahil bagong huli, kesa naman yung nasa palengke na bilad na bilad na sa araw. Sabagay, may point sya!

"Pero need ko ng mag-a-assist sa akin, manaaaaang!" maktol nito na tila naiiyak. "I can't cook!"

Bigla akong napatingin sa gawi nya. Ano daw? Hindi sya marunong magluto? Kelangan ba nya ng cook? Aba, pagkakataon ko na to. Siguro puede namang mamasukan ako sa kanya. Mukhang malayo naman ang bahay nila sa bahay ko so safe ako. Mukha din namang mabait na amo itong si doktora.

"Sige, manang Lily. Kapag may nahanap ka, let me know na lang." at doon nya tinapos ang kanilang usapan.

Nasa van na ulit kami at pauwi na sa kanila. Medyo gabi na rin naman na at hindi ko alam kung nasaan na kami. As usual, puro lupain pa rin ang naaaninag ko sa labas.

"Doktora?" mahinang tawag ko. Napatingin naman sya. Yung mukha nya punong-puno ng pag-aalala. "K-kelangan niyo po ng...cook?"

Bumuntong hininga ito saka tumango. "Yes. Kelangan ko ng cook." sagot nya. "Meron kasi akong kelangan i-extract mula dun sa mga...ano na yung common name? Hito?" tumango ako. "Anyway, kelangan kong i-extract yung hito at may certain heat na kelangan para maging maayos iyon para sa potion ko. Marunong lang akong mag-heat ng chemicals pero pagdating sa mga luto-luto, no, no, no." iiling iling nitong saad.

Horayt! Pagkakataon ko na para humirit. Inayos ko ang sarili ko at taas noo kong sinabi na "ako, puede akong maging cook." Tumingin sya saken na parang hindi naniniwala. "Hindi niyo ho naitatanong eh nagtrabaho na ako sa isang restaurant bilang assistant cook." which is slightly totoo naman. Nag-OJT ako sa isang kilalang restaurant at gustong gusto nila yung mga luto ko.

"Really?" tumango ako. Hinawakan nya ang mga kamay ko. "You can cook?" tumango ulit ako. Bigla naman syang naging emosyonal. Binitiwan nya ang mga kamay ko at itinakip nya ito sa bibig nya. Naging emosyonada si doktora. "Naku, blessing pala at pinagtagpo tayo ng tadhana!"

"So, uhm... g-gusto mo mag-work sa amin as a cook?"

Napalawak ang ngiti ko. "O-opo! Gusto ko, doktora." masayang masaya ako sa sagot kong yun. "W-wala naman po kasi akong mapuntahan eh." napatingin ako sa paanan ko. Wala kasi akong matakbuhan. Ng ma-realize ko iyon ay nagbabadya ang mga luha ko kaya tumingala ako at kumurap kurap para hindi sila bumagsak.

"Oh." mahinang sambit ni doktora. "I-I didn't know. A-ano ba'ng nangyari kasi sayo?" nag-aalalang tanong nya at hinawakan ako sa balikat.

Tumingin ako sa kanya. Naglayas ako sa amin dahil pilit akong ipinapakasal sa taong hindi ko mahal at kahit na anong tutol ang gawin ko, hindi nila ako pinapakinggan. Sa ngayon ay hinahabol ako ng mga tauhan ng lalakeng mapapangasawa ko dapat pero tumakas ako at ayoko ng bumalik sa amin. Iyon ang sigaw ng isipan ko.

"Mahabang kwento po, eh." sagot ko na lamang.

Mukhang naintindihan naman ako ni doktora kaya tumango na lamang sya. "Well, kung ano man yan, wag na lang muna nating isipin. Saka na natin pag-usapan yan kapag handa ka na." tumango naman ako sa sinabing iyon ni doktora. Ngumiti siya sa akin saka ako tinanong ng, "ano nga pala ang name mo?"

Napatingin ako sa kanya. Gusto ko sanang sabihin ang totoong pangalan ko kaya lang inisip ko na baka sa mga oras na ito ay hinahanap at ipinagtatanong na ako ng mga goons na yun. Isip, Maine. Isip!

Bigla kong naalala ang yaya Divina ko at si Ursula sa Little Mermaid na bag ni doktora. "A-ang p-pangalan ko po eeh..." napatingin sya saken at hinihintay na sabihin ang pangalan ko. Divina o Ursula? Naisip ko rin bigla yung cute na apo ni yaya Divina na tinatawag naming Bukbok, pero ang tunay na pangalan nung bata ay Barbara. Naku namaaaaan! Alin ba dun ang gagamitin ko? At paano kapag tinanong ang apelyido ko? My gaaaad. Maine, sana inisip mo na rin yan! Haaaaay. Bahala na si Darna!

Huminga akong malalim saka mabilis na sinabing "DivinaUrsulaBukbukova!"

"Divina Ursula Bukbukova." ulit nito sa mas mahinahong paraan saka sya tumango tango. May mga sinasabi pa ito pero pabulong kaya hindi ko gaanong maintindihan. "Aha!" bigla nitong itinaas ang hintuturo sa ere. "Dub."

"Ha?" Ano yung Dub? Di ko gets. Kayo gets niyo ba kung ano yung Dub na sinasabi ni doktora?

"Masyadong mahaba kapag tatawagin kitang Yaya DivinaUrsulaBukbukova kaya tatawagin na lang kita sa initials mong D.U.B., Dub!"

Ah gets! Napangiti naman ako. "Sige, sige. Okay sakin yan, doktora." sagot ko. "Ibig sabihin tanggap na po ako?"

Nginitian nya ulit ako. "Oo naman. Bilang cook at personal assistant ko. Okay sayo?"

"Opo! Okay na okay sakin, doktora!" Ako pa ba ang hihindi?

to be continued...

This Way To TadhanaWhere stories live. Discover now