Lost & Found

1.7K 110 59
                                    

Happy 11.1M tweets and counting, ALDUB NATION! ♥

May nabasa ako sa twitter, ang episode pala kanina - yung first date ni bae at ni yaya - ay para daw malaman ni bae kung ano ang tunay nyang nararamdaman for her dahil sinabi nyang career muna ang focus nya PERO may nararamdaman na raw si bae para sa ating beloved yaya and just to confirm, ginawa nila ang first date para sabihin kay bae na "AYAN NA SYA, PERO HINDI MO SYA PUEDENG MAKUHA NG BUO HANGGA'T HINDI MO PA SIGURADO KUNG ANO TALAGA ANG NARARAMDAMAN MO".

At ayun na nga, confirmed na DAW. ;-)

Anyway, maraming maraming salamat po sa votes, comments at pag-add ng story ko sa reading lists niyo. Next chapter ko na po mention lahat. Enjoy reading muna. :-)

~*~* ♥ *~*~

CHAPTER 21: LOST & FOUND ♥

< Alden's POV >
At Tita Ruby's BAEkshop...

I was lost in thought habang nasa loob ako ng munting opisina dito sa shop. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nag-iisip. Masyado akong nakokonsensya sa ginawa ko kay Dub.

Unang una sa lahat, gusto lang naman nyang umuwi. Siguro dahil gusto na nitong magpahinga. Kahit pa sabihing cook lang sya doon kina ate Dora eh alam kong nakakapagod ang magtrabaho buong araw.

Pangalawa, wala naman syang alam sa galit mo sa ulan dahil hindi naman nya alam kung ano ang nangyari sa'yo years ago. 'Sige, fine! Sabihin na nating concern ka lang sa kanya dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya sa daan lalo na't napakalas ng ulan, the point is, mali pa rin yung ginawa mo!' pangangaral ng isip ko.

'Di ba nga't nagdadalawang isip ka kung ihahatid mo na sya gamit ang sasakyan mo para alam mong safe syang makakauwi? Pero ano? Pinangunahan ka na naman ng takot ng bigla mo na namang naalala ang nangyaring aksidente years ago!'

Napabuntong hininga na lang ako habang minamasahe ko ang sentido ko. Ng makita ko syang naiiyak na kanina parang may tumusok sa puso ko. Gusto ko syang patahanin pero sa inis ko sa sarili ko, nilayasan ko na lang sya!

'Tssss. G*go ka kasi, Alden! Eh kung tumayo ka na dyan at mag-sorry sa kanya?'

Pero ano ba 'tong pumipigil sa'kin? Pride ba?

"Aaargh!" daing ko sa kawalan at napasuntok sa ere dala na rin siguro ng frustration na nararamdaman ko sa mga oras na 'to. I was already pacing back and forth sa harap ng pintuan not realizing kung paano o gaano katagal na akong nakatayo samantalang kanina lang nakaupo ako at kaharap ko yung laptop ko.

"Bahala na nga!" bulalas ko di kalaunan. Binuksan ko ang pinto. Tinungo ko ang arkong pintuan pero agad din akong napatigil ng marinig ko ang iyak ni Dub.

Napahawak ako sa dibdib ko ng hindi ko namamalayan. Nakaramdam kasi ako ng kirot sa puso ko at hindi ko alam kung bakit. Dala ng guilt? Siguro.

"Ate, tahan na." dinig ko yung boses ni Tommy.

"I'm sure hindi sinasadya ni Sir Alden yun, ate." saad naman ni Gab.

Patuloy pa rin ang paghikbi nya. Hindi ito nagsasalita. Umiyak lang sya. At sa bawat iyak nya, pakiramdam ko para itong maliliit na kutsilyo na tinutusok ang puso ko.

I cleared my throat and gathered all the strength I need para makapagsalita. "Kenneth!" tawag ko. Narinig ko naman ang isang upuan na inurong at di nagtagal ay kaharap ko na ito.

This Way To TadhanaWhere stories live. Discover now