Welcome To Calle Serie

3K 131 42
                                    

A very long and kinda boring update just to give you a glimpse of this story's settings. ^_^

- updating via mobile phone -
Calle Serie = Kalye Serye ;-)

______________________________________

◀ Chapter Four: Welcome To Calle Serie ▶

<< 3rd Person POV >>

"Welcome, Dub!" bati sa kanya ng mayordomang si Aling Corazon kinabukasan. Ipinakilala sya ni doktora bilang isang cook at personal alalay nito. Ang trabaho lang nya ay ang magluto, at samahan si doktora sa lahat ng lakad nya.

"Pa'no, I will iwan you na to Nana Cora ha? Tinatawag ako ng mga chemicals eh. Hihihi." nae-excite nitong paalam.

"Sige, doktora. Ako na ang bahala kay dito kay Dub." sabi naman ni Nana Cora bago umalis si doktora Dora para magkulong sa kanyang laboratoryo. Nakakain naman na sila ng almusal, eh. "Halika, doon muna tayo."

Pumunta sila sa kusina. Maluwang ito at kitang kita na puro bago ang lahat ng kagamitan. Malawak ang ngiti sa mga labi ni Yaya Dub. 'Pansamantala ko munang kakalimutan na ako si Maine.' isip nito. Mahal na mahal talaga nya ang pagluluto. "Ito ang magiging teritoryo mo, iha." nakangiting banggit ni Nana Cora sa kanya bago sya nito ipinunta sa may bandang likuran kung saan nandun ang mga labada.

"Dito naman ang laundry area. Puede kang maglaba dito gamit ang mga washing machine tutal lima naman yan." tumango naman siya rito. "Tara muna sa titirahan mo."

Napakunot ng noo si Dub. "Titirahan?" takang tanong nya kaya napatigil sila sa paglalakad.

Tumingin sa kanya si Nana Cora. "Oo, may sarili kang titirahan dito. Sumama ka na, iha." at wala ng nagawa ito kundi ang sumunod.

Napadpad sila sa bandang likod pa ng mansyon. May apat na unit doon na magkakatapat at may munting garden ito. Tinungo nila ang nasa dulong unit sa bandang kaliwa nito. Kinuha ni Nana Cora ang susi sa bulsa nya at binuksan ang pinto.

"Ito ang magiging unit mo, iha." saad nya habang pumapasok silang dalawa sa loob. Para itong one-bedroom unit. Pagpasok mo agad na bubunga ang magkaharap na 2-seater sofa at may TV sa gitna nila tapos sa likod ng maliit na sala ay ang munting kusina. "Sa kanang pinto, doon ang banyo at dito naman sa kaliwang pinto ang room mo." paliwanag nya rito.

Namangha si Dub sa kanyang nakikita. Hindi nya akalain na ganito ang daratnan nya. Iniisip nya kasi na sama-sama silang lahat sa isang quarter. Mali pala sya.

Hinarap nya si Nana Cora. "Eh, saan po kayo, Nana Cora?" tanong nito. Ngumiti naman ng malapad ang ginang. Iniabot nya rito ang susi ng unit nya saka nya ito sinenyasan palabas.

Pumunta sila sa katapat na unit nito. "Anak, iligpit mo yang kalat mo at may bisita tayo." saad ni Nana Cora. Nakarinig naman sya ng mga kilos bago pumasok. Mas maluwang ang unit ni Nana Cora kumpara sa kanya at nakitang dalawa ang kwarto rito, parehas kasing bukas ang mga pinto.

Bumalik naman ang anak ni Nana Cora sa sala mula sa kwarto na nasa kaliwang bahagi. Maganda sya at mukhang mahiyain. Lumapit ito sa nanay nya. "Dub, ito ang anak ko, si Mhae." pagpapakilala nya rito. "Ito naman si Dub, bagong yaya ni doktora."

"Hi, ate Dub!" bati ni Mhae sa kanya na nakangiti.

"Hello, nice meeting you." sagot naman nya rito.

"Ma, lalabas nga pala ako dahil kailangan kong bumili ng kartolina para sa school project ko." bigla ay baling nito sa kanyang ina. "May ipapabili ka ba?"

"Oo, anak." sagot naman ng ginang. "Teka, ililista ko lang." mula sa bulsa ng apron ni Nana Cora ay naglabas ito ng maliit na notebook at ballpen saka ito nagsimulang magsulat ng mga ipapabili sa anak.

This Way To TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon