Payong

1.3K 111 36
                                    

Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-get over sa episode ng Kalye Serye kanina! Limang araw - ganun katagal akong nalungkot kasi wala si yaya, pero kanina BAWING BAWING BAWI! Di ba? :-D

Pero alam niyo ba kung saan ako mas kinilig? SA REACTION NI ALDEN NUNG MAKITA NYA ULIT SI MAINE. Hindi na maitago yung kilig nya eh. Hahaha

Anyway, para sa lahat ng mga kinilig at patuloy na kinikilig; para na rin sa mga bagong voters ng story ko, ALDUB YOU! ♥ :-)

_________________________________

◀ Chapter 15: Payong ▶

< Alden's POV >

Pagabi na ng makabalik ako sa amin. Hawak ko pa rin ang bracelet at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano at saan ko sya hahanapin. Sinubukan kong magtanong sa kabilang bayan kung may nakawala ba ng bracelet sa kanila kagabi, dahil sinabi sa akin ni Paolo na may ilang taga-ibang bayan silang inimbita.

Ang sabi pa nya, mga magaganda rin daw ang mga ito. Pero ng ipakilala niya ako sa kanila, ni isa dun wala akong nakapalagayan ng loob. Lahat kasi sila pa-cute at pigil kung tumawa kaya naman nagdesisyon na lang akong umuwi na lang. Alam ko naman kasing wala sa kanila yung babaeng hinahanap ko. Ang aarte din kasi nilang magsalita, eh yung kausap ko kagabi normal makipag-usap at sobrang natural ang kanyang mga reaksyon.

* boooom *

What the---???

Itinabi ko ang sasakyan at dali-dali akong bumaba. Nakita kong na-flat yung gulong ng sasakyan ko. "Aaaargh!" naihilamos ko ang sarili kong mga palad sa mukha ko at naramdaman kong bigla ang pagbuhos ng ulan. "Kung minamalas ka nga naman oh!" Saad ko sa sarili ko at pumasok naman ako sasakyan.

Hinanap ko ang cellphone ko para tumawag sa bahay. Nakita ko naman yun sa compartment kaya lang...

Low Battery.
Connect your charger now.

I just gave out a deep sigh. Mukhang wala naman na akong choice kundi ang iwan muna ang sasakyan. Kinuha kasi ni Paolo ang powerbank ko at yun lang ang spare na iniiwan ko dito sa sasakyan.

Nasagip ng mga mata ko sa side mirror ang isang babaeng nakapayong na mukhang papalapit sakin. Makikisulong na lang ako sa payong nya.

Ibinaba ko yung bintana ng sasakyan ng makalapit na ito sa sasakyan. "Excuse me." tawag ko.

Tumigil naman ito sa paglalakad. Dahan-dahan pa itong lumingon sa akin at nagulat ako ng makita ko ang weird na babaeng muntik ko ng mabangga kanina.

Nakatingin lang ito sa akin. Matamlay ito, hindi katulad kanina. "Uhm, miss." ulit ko pero wala pa rin akong sagot na nakita. Badtrip naman oh! Bahala na nga! Kelangan kong i-charge ang cellphone ko eh. "Miss, kung hindi naman nakakaabala, puede bang makisabay? Na-flat kasi yung sasakyan ko eh." paliwanag ko habang tinuturo yung gulong na na-flat.

Huminga syang malalim saka tumango.

Agad kong kinuha ang susi ng sasakyan at ni-lock yun pagkababa ko saka naki-payong sa kanya. Itinaas pa nya yung payong para magkasya ako. Na-appreciate ko naman kaya lang, ang weird at ang awkward. Alam ko medyo nasungitan ko ito kanina at heto sya ngayon, pumayag na makisulong sa payong nya without any second thoughts.

Tinignan ko ang paligid. Yung bahay ni Doktora Dora ang pinaka-malapit. Family friend naman namin sya kaya siguro naman hindi masama kung aabalahin ko muna sya sandali. "Uhm, kahit iwan mo na lang ako dun." turo ko sa bahay ni ate Dora. Tumango lang ulit sya.

Napakamot na lang ako ng ulo. Matamlay pa rin ito at parang any moment ay iiyak na. Naku, baka mamaya sabihin pa pinaiyak ko 'tong isang 'to.

"Miss, okay ka lang ba?" hindi ko mapigilang itanong. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng concern sa weird na 'to.

This Way To TadhanaМесто, где живут истории. Откройте их для себя