Muling Pagtakas

1.5K 102 33
                                    

I had goosebumps regarding Monday episode. Palagay niyo si Yaya yung nagsalita ng "Lola"?

BTW, sa mga may twitter account, our official hashtag is #ALDUBNextChapter
& please follow @aldubsters_
Thanks. ♥

At dahil sa hashtag na yan, ito na po ang next chapter ng story ko. Hehe. Enjoy reading.

~* ♥ * ♥ *~

♥ CHAPTER 23: MULING PAGTAKAS ♥

"Hinahagod lang nya yung likod ko dahil naubo ako. IT WAS NOTHING!" Bakit ba ang hirap paliwanagan ang taong ito? Nakaka-ubos ng pasensya eh.

"Kilala kita, Alden." umiling na lang ulit ako. Seryoso, wala na akong masabi sa pinsan ko. "You don't give any women a chance para mahawakan ka because you're afraid of getting attached."

Oo, tama sya. I am actually afraid of getting attached to someone dahil ayoko na ulit masaktan. The pain of losing someone so dear to you is unbearable kaya hindi nya ako masisisi.

Nagpatuloy na lang ako sa pagmamaneho. Papunta na kami ngayon sa mansyon at kakahatid lang namin kay Dub. Bwisit 'tong Paolo na 'to eh, bigla-bigla na lang sumusulpot! Palibhasa hindi makapag-antay. Siguro nung nagsabog si God ng pagka-atat, sinalo na nya lahat!

"Look," here he goes again. "All I'm saying is, you have to let go of the past! Subukan mong magmahal ulit."

I gave out a loud sigh. "For the nth time, Pao, I have already let the past go." Ilang taon ko na ba kasing naririnig ito sa kanya at hanggang ngayon yan pa rin ang litanya nya? Nakapag-let go na ako, pero hindi lang talaga ako handa pa sa kahit na anong commitment na sinasabi nya.

He nodded but his facial expression was that of a sarcastic one. "Oo nga pala, I have forgotten about your Cinderella." I gave him a sharp look from my peripheral vision.

"Alden, don't you think na itong Cinderella na hinahanap mo eh ayaw matagpuan?" Oo nga pala, hindi ko pa nababanggit sa kanya na alam ko na ang pangalan niya - si Divina. Pero hindi ko na lang muna sasabihin. Gusto ko munang malaman yung tungkol sa lead na sinasabi nya. "And besides, does it really matter who is behind Cinderella's mask? For all you know, she might not be the girl you're looking for!"

Does it matter?

Napahawak ako sa bracelet na nasa bulsa ko. Lagi ko itong dala kahit saan ako magpunta. This bracelet is the only reminder that somewhere out there, there was this girl who made me laugh and made me feel at ease.

"Ang hirap kasi sa'yo, minsan kahit nasa harap mo na, nagbubulag-bulagan ka pa." he continued with his rant.

Agad namang rumehistro yung mukha ni Dub sa isipan ko sa sinabi nyang iyon. Hindi ko alam kung bakit sya ang naalala ko sa mga oras na yun.

Kung sabagay, there are times that she makes me laugh unintentionally. Isa pa, she has this effect on me na hindi ko maipaliwanag. It's when she's near that I could feel my heart beat fast and loud. And whatever that feeling is, alam kong iba na.

~*~*~*~

"YOU'RE NOT WELCOME HERE!"

Napatakbo kami ni Paolo ng marinig namin ang nagwawalang boses ni Mamita. Hindi namin naipasok sa loob ng compound ang sasakyan dahil may dalawang sasakyan na pumarada sa gate.

Gusto pa sana naming alamin kung kanino yung mga sasakyang iyon pero narinig na naming sumigaw si mamita kaya 'eto kami ngayon at hingal na hingal na lumalapit sa nagkukumpulang mga tao sa harap ng mansion namin.

This Way To TadhanaWhere stories live. Discover now