Siluriformes

4.5K 164 42
                                    

Author's Note: Thank you @mikachu_pikachu and @Annie_aldub16 for adding this story to your reading lists. It made me happy. :-)

P.S.: Pagpasensyahan niyo po muna ang chapter na 'to. :-)

___________________________________

Chapter Two: Siluriformes

"...at ito naman ay tinatawag kong pag-ibigkus foreversus!" habang pinapakita nya sa akin ang kulay pulang liquid na nasa isang maliit na spray bottle. "Isang spray lang talab na talab na ang love potion na itoooo!" dagdag nya na kilig na kilig.

Sya si Doctora Dora. Napag-alaman kong mahilig syang mag-explore dahil naghahanap ito ng mga ingredients para sa mga experiments nya.

Mabait sya, masayahin at sobrang daldal. Sa buong byahe namin, wala syang ibang ipinakita kundi yung mga experiments nya. Nakakatuwa!

"Doctora, malapit na po tayo sa Barrio Taniman." singit ng driver ni doctora kaya naman napatigil ito sa paghahalungkat ng kanyang mga experiments. Ibinalik nya ito sa kanyang bag at tinignan ang gawi ko.

"OMG!!!" medyo tili nya hawak pa ang pisngi nya at nag-aalalang tumingin sa gawi ko. "Naku, ang talkative ko. Hindi ko man lang namalayang we're here naaa!"

Ngumiti ako sa kanya. Dalawang oras na kasi nya akong dinadaldalan at ngayon lang nya iyon napansin. Hindi na rin ako umangal at baka kung ano pa ang tanungin saken kaya pinakinggan ko na lamang sya. Nakakatuwa rin naman kasi ang mga adventures nya makahanap lang ng mga kakaibang halaman.

"Ano, you want to sama ba muna?" tanong nya. Bakat sa mukha nya na gusto pa nya akong sumama. Siguro para may kausapin sya, para kasing naipon lahat ng kwento sa katawan nya. Tutal wala din naman akong pupuntahan, tumango na lang ako bilang sagot at nakita ko ang malawak nitong ngiti. "Aaaaay! Bet ko! Sige, go na tayo sa labaaaas." sabi nya habang bumababa na.

"Sana may pogiiii!" dinig ko pang banggit nya habang bumababa ng sasakyan.

Ng makababa ako, nakita ko ang malawak na lupain. Puro puno lang at sa kalayuan nakakatanaw ako ng ilang bundok. Sa di kalayuan naman, may maliit na karatula at may nakasulat doon na "Barrio Taniman".

Naglakad na si Doctora dala dala yung bag nya na may little mermaid na print at sa bulsa nya ay ang sea witch na si Ursula.

Naalala ko tuloy ang kanta nyang "Poor unfortunate soul" at pakiramdam ko, AKO YUN. Haaaay. Hindi ko aakalain na magagawa sa akin nila mommy at daddy ang ipagkasundo ako sa isang taong never kong magugustuhan. At kapag naaalala ko ang itsura nya, kinikilabutan ako!

"...tapos kasi sa ilog, nandun yung fish na yuuuun! Hihihi." napatingin saken si doctora bahagya kaya nakitawa na rin ako. Baka mahalata pang hindi ko sya pinakinggan.

May pinasukan kami at narinig ko ang tunog ng dumadaloy na tubig. Ilog! Medyo napatigil ng kaunti si doctora.l, nilingon nya ako na namimilog ang mga mata at yung daliri nya nasa tapat ng bibig nya, ibig sabihin wag magsalita. Eh hindi naman ako nagsasalita. Sa isip lang!

Kaya tinapat ko rin ang daliri ko sa bibig ko. Tumango sya kaya tumango rin ako. Copy-paste lang, parang research sa school at gumamit ka ng wikipedia.

Nagdahan-dahan sya sa paglalakad, ganun din ako. Ng makarinig kaming dalawa ng kaluskus, naghawakan kaming dalawa at napatigil sa paglalakad.

"My gaaaad. Baka yun na yung sinasabi nilang magical creatuuuuure." halos pabulong at natatakot nitong sabihin. Napatingin ako sa kanya ng buong pagtataka. Magical creature?

This Way To TadhanaWhere stories live. Discover now