Confrontation

1.8K 115 56
                                    

♥ CHAPTER 27: CONFRONTATION ♥

< Author's POV >

At exactly 7:30 in the evening, nakarating na sina Alden, Maine, Paolo, CJ at Mika sa mansion ng mga Elizalde. Sakto sa kalkulasyon ng mag-pinsan.

Alas ocho ng gabi ang dinner time sa bahay na ito at istrikto sa oras ang donya.

Maine inhaled deeply. She was nervous -- very, very nervous! Hindi nito alam kung bakit sila ipinapatawag sa isang emergency meeting gayong hindi naman sila kasama sa pamilya nina Alden.

'Siguro kasi muntik ng mapahamak ang dalawang apo dahil sayo?' sagot ng isip niya na ang tinutukoy ay sina Alden at Paolo.

Lumunok ito habang naglalakad at tinitignan ang napakalaking pintuan sa harap nila. Sa pinaka itaas na bahagi ng hagdan ay isang babae na nakilala agad ni Maine -- si Tita Ruby!

"Glad you made it on time." bati nya sa mga ito ng marating na nila ang itaas na bahagi ng hagdanan. "Tuloy." baling nito sa tatlong bisita.

Sinundan na lamang nila si Tita Ruby hanggang sa dalhin sila sa isang sulok ng bahay kung saan may isang mahabang lamesa ang nasa gitna at upuang nakapalibot.

Hindi ito mukang dining area dahil walang mga cubiertos na naroon. May fireplace sa di kalayuan at ilang bookshelves. It was actually more of a conference room with a touch of coziness in it.

"Umupo na kayo and Mamita will be joining shortly." magiliw na saad ni Tita Ruby sa kanila.

Magkatabing nakaupo sina Alden at Maine habang sa kabilang side naman ang tatlo. Maya-maya pa ay dumating na ang donya. Strictness is shown by the mere looks of her. Glamorosa din ito kahit may edad nya.

"Buenas tardes." she greeted and everyone stood from their chair and greeted her back. "Maupo kayo." utos nito na sya namang sinunod ng mga bata.

She looked at each and everyone of them, more particularly at Maine. Lalo tuloy syang kinabahan. Nagtagal ang mga titig nya bago ito tuluyang inialis ang mga mata nito sa dalaga.

"Well, now that you are all here, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." ayaw ng donya ang paligoy-ligoy na usapan. Pakiramdam niya ay masasayang lamang ang oras nito if she won't get straight to the point. "I asked for your presence simply because I feel I am, somehow, responsible for all of you."

Napatingin sa kanya ang lima, halatang wala ni isa sa kanila ang gustong magsalita o magtanong. Lahat sila kinakabahan, lahat sila natatakot.

"For decades, I have been living my life peacefully." mariin nyang sinabi ang huling salita, both Mika and CJ already knew why.

"Recently, ineskandalo ako at ang buong pamamahay ko ng Lola ninyo." hindi man pasigaw ay ramdam ng magkapatid ang guilt at konsensya sa ginawang iyon ng Lola Nidora nila. "And just this morning, I received a phone call from her saying, if I don't give you both back to her, kakasuhan nya ako ng kidnapping!"

"What?" napabulalas si Maine habang napatakip naman ng bibig si Mika sa pagkabigla habang ang tatlo naman ay nagpalitan ng tingin, halatang lahat sila ay nagulat at kinabahan sa ibinalita sa kanila.

"I-I'm s-sorry po..." it was Maine. "This is all my fault."

Matipid na ngumiti ang donya saka umiling. "No, hija. I don't think this was entirely your fault." kung gaano ka-istrikto ang itsura ng donya ay kabaliktaran naman ng ugali nito. She is a kind, wise, and a very understanding lady.

Hindi nito maintindihan ang donya. "Maine, hindi ba?" tumango naman si Maine. Tinignan ng donya ang bawat isa sa kanila saka tumayo.

"Will the three of you please come after me." she requested particularly for Maine, Mika and CJ.

This Way To TadhanaWhere stories live. Discover now