One Phone Call

1.8K 122 22
                                    

*UPDATING VIA MOBILE PHONE*

Yung pag-login ko at nakita kong may bago akong vote at may nag-add ng story na to sa reading lists nila ~~ SUPER SAYA!!

Salamat kina rosaliearca3, britneyalinabon, sweetAdmirersophie, Animeruler, Aila_RyzaXD, AlliyahReineReyes, Pj_Antiporda96, and rockwell6513 for adding my story on your reading list; and of course to ArrabellaJane1215 for the new vote.

Enjoy reading guys!

#AlDub ♥ #KiligPaMore
______________________________________

◀ Chapter 7: One Phone Call ▶

Arnaldo Monteclaro was pacing back and forth, anxiousness is written all over his face. Hindi nito alam kung ano ang gagawin nya sa mga panahong ito.

Una, napahiya ang kanyang pamilya dahil hindi sumipot ang anak nito sa simbahan. Pangalawa, nawawala ngayon ang anak nya at hindi niya alam kung saan ito hahanapin.

Sa gitna ng malalim na pag-iisip, biglang tumunog ang telepono sa bahay nila. Sinagot iyon ng maid nila at saka ito ibinigay sa kanya. "Sir, para daw po sa inyo." iyon lang at kinuha na nya iyon.

Nagbitaw ito ng isang napakalalim na hininga bago sagutin ang nasa kabilang linya. "Hello."

"Arnaldo." he stiffened upon hearing the voice on the other line. "It has been a week and you have not made any progress. Ang kasunduan, nakalimutan mo na ba?"

Napalunok sya. Ito ang pangatlo sa kanyang mga problema. Ang pagpasok sa isang kasunduang hindi niya alam kung paano lulusutan. He felt so stupid at that moment. Kung maibabalik lang sana nya ang nakaraan, he would have walked away.

Pero wala na. Wala na syang magagawa dahil wala namang rewind button ang buhay, ang meron lang ay play at forward. Pinili nyang gawin ang huli. Kelangan nyang gawan ng solusyon ang problemang napasok nya at sa buong pamilya nya.

"Just give me some more time." nakikiusap ang tinig nito. "Mahahanap ko rin ang anak ko. Matutuloy ang usapan. May palabra de honor ang mga Monteclaro."

Tumawa lang ang nasa kabilang linya. "Siguraduhin mo, Arnaldo. Dahil kung hindi, ihanda mo ang sarili mo sa puedeng mangyari sayo at sa pamilya mo."

"Wa--" hindi na nito nagawang tapusin ang sasabihin dahil bigla na lang nawala ang kausap sa kabilang linya. Ibinaba na nito ang telepono.

He massaged his temple. Sobrang stressed na ito at nadagdagan pang lalo ang mga iisipin nya. "Maine, nasaan ka na ba?" bulong nito sa sarili.

He wasn't sure if he was looking for her para ituloy ang napagkasunduan ng kausap niya, o hinahanap nya ang anak dahil sa guilt, o dahil sobrang nag-aalala na ito sa anak. Siguro all of the above. After all, anak nya pa rin ito at sya pa rin ang ama ni Maine.

He gave out a heavy sigh with all of the things that are running inside his mind. "Pa, I'll go out muna." came his younger daughter's voice.

Agad syang napalingon dito. Tinignan nya ito mula ulo hanggang paa. Naka-headset ito, nakatali ang buhok, naka-shades at hawak-hawak ang cellphone. "Mikaela!" tawag niya rito.

Nilingon naman sya ng anak nya at naghihintay ng kung ano man ang sasabihin nya. Hindi nito alam kung bakit nya ito tinawag in the first place but his mind told him so.

Nilapitan nya ang nakababatang anak nito. "Saan ka pupunta?" tanong nya.

"Dyan lang." sagot nya na parang sinasabi nyang kakain lang sya ng merienda habang nagtetext ito. Hindi man lang nya pinansin ang ama nya.

And that made Arnaldo wonder. "You wouldn't happen to know where to find your sister, right?" tanong nya which made Mika stopped from whatever she is doing and met his gaze.

Mika crossed her arms and shook her head. "Nope." simpleng sagot nito. "And even if I do, I wouldn't tell you anyway." saka ito umirap patalikod at nag-walk out na.

And again, Arnaldo gave out a very deep and meaningful sigh.

----------------------------
<< Mika's POV >>

"You wouldn't happen to know where to find your sister, right?" I stopped texting my friend. Kahit hindi nya sabihin, alam kong pinagdududahan nya ako na may alam kung nasaan si ate and I know na ineexpect nyang sasabihin ko sa kanya kung nasaan sya.

I looked up to him to meet his gaze. I crossed my arms and shook my head in disbelief. "Nope." I simply told him. Totoo namang hindi ko alam kung nasaan si ate. Mas mabuti na rin yun. "And even if I do, I wouldn't tell you anyway." Totoo rin yun. Kahit na alam ko pa kung nasaan ang ate ko, hinding hindi ko sasabihin sa kanya kung nasaan sya.

Tumalikod na ako sa kanya at inirapan ko pa. Bastos na kung bastos pero may rason naman kung bakit ako ganito makitungo sa kanya.

At kung ano yung rason na yun...

Malalaman nyo na lang.

Sa tamang panahon.

_____________________________

Sino ang excited na magkita na sina Maine at Alden?? Kinikilig ako dahil nabasa ko sa internet na confirmed na yung magiging part sila sa MMFF movie nina AiAi at bossing Vic.. ♥

This Way To TadhanaWhere stories live. Discover now