CHAPTER 9: SINGLE?

9.8K 188 10
                                    

DDHW

CHAPTER 9: SINGLE?

Sobrang tahimik. Walang nagsasalita. Kahit ang paghinga ata nila sukat na sukat. -_-

Nasa isang fine dining restaurant kami ngayon. Ang sabi ko kase kay Kelvin, pwede kaming sabay na kumain kaya lang isasabay din namin ang mga co-housekeeper ko. Ibigsabihin madami kami at syempre si Kelvin ang taya sa bill. Sa tingin ko naman di niya yun babayaran kase sya naman ang may ari e. Haay nako nababaliw na naman ako!

Bale nasa isang mahabang table kami, si Kelvin yung nasa dulo habang 5 yung nasa kanan at 4 yung nasa kaliwa kabilang na ko.

Ganito ba talaga sila katakot kay Kelvin ko?

Good thing malapit ako kay Kelvin kaya nasipa ko sya sa paa. Napatingin tuloy sya saken.

Tumango ako at mukhang nagets naman nya.

"Let's eat." Tapos kinuha nya na yung dinner fork and knife.

Nagsunuran naman sila kaya sinimulan ko na din ang pagkain.

So kailangan lang pala talaga ng go signal. -__-!

Grabe wala talagang nagsasalita. Mag oopen na sana ako ng topic ng mahagip ng mata ko yung hinihiwa ni Kelvin.

O_O Lagot na. Hindi ba nya alam na mushroom yun?! Bawal yun sa kanya!

Hindi na ko nagdalawang isip, using my fork tinuhog ko yung hinihiwa niya at dali daling inilagay sa plato ko.

~__~?! --> mukha ni Kelvin.

Wait ako lang ba o... talagang tumahimik ang paligid?

I slowly looked at them, and yeah lahat sila nakatingin sa akin wearing a shock face.

>__<!!! Nako ano nang gagawin ko?! Nakita nilang inagawan ko ng pagkain si Kelvin!

"Ah ano--" me

"Is there any problem?" Kelvin.

"None sir." Sinabayan pa nila ng iling at bumalik na sa pagkain.

Phew. Akala ko kung ano ng mangyayari.

Sinipa ko ulit si Kelvin and he smirked.

Baluga talaga.

Paminsan minsan nahuhuli kong nagpapacute sina Hazel at Marivic. Pero mabuti na lang hindi yun napapansin ni Kelvin.

O siguro nagkakamali ako.

Kakatapos lang namin kumain at pabalik na kami sa main lobby ng hotel. Nasa likuran ako ni Kelvin ng bigla akong dinali sa balikat ni Marivic.

Ugh! Muntikan din akong magtaob dun no!

Tumabi lang naman sya kay Kelvin. At ngayon magkasabay na silang naglalakad. Tatabi na din sana ako sa kabilang gilid ni Kelvin ng unahan ako ni Hazel. Asar! Nasa likuran lang tuloy ako.

"Sir, thank you sa treat niyong lunch. Sana hindi pa yun ang huli." Marivic. With patalandi effect pa yan ha. Sarap sabunutan.

"Right sir, ahm pwede ho bang magtanong?" Extra naman ni Hazel.

"Go ahead." Sagot ni Kelvin.

Ang bad ko ba kase nakikinig ako sa usapan nila? Well, hindi ko yun kasalanan ang lakas kaya ng boses nila!

"Sir, single pa kayo right?" Hazel.

~__~!! ANO BA NAMANG KLASENG TANONG YAN?! Nako umayos ka Kelvin huh!

"Napakawalang kwenta ng tanong mo Hazel, hindi ba obvious naman kay Sir na single-- aaaaahck! Ouch!" React nya dahil natulak ko sya ng di sinasadya.

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon