CHAPTER 14: LOCKED UP

8.6K 166 4
                                    

CHAPTER 14: LOCKED UP

GLAZY'S POV:

"Ano yan? Susuhulan niyo si sir Kelvin?! Ugh! Malas niyo lang dahil wala siya dito ngayon." Nakahalukip-kip na puna sa amin ni Hazel.

Agad na kumapit sa braso ko si Louise.

"Wala si Ke-Sir Kelvin?" Baka ginu-good time niya lang kami? Mukha naman kaseng hindi seryoso ang expression niya.

"Oo. Kaya itapon nyo na lang yan. Hmp!" In just one blink ay nasa harapan na namin siya.At ngayon ay pilit niyang inaagaw sa akin yung maliit na box ng cake. Pero syempre hindi ko binibitiwan. Mahal kaya ang bili ko dito!

"Hoy Hazel! Wag mo ngang agawin! Para kay Sir Kelvin yan no!" Sigaw ni Louise, but still naka-kapit pa din siya sa braso ko.

"Hazeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeel!" >_< Halos marindi kami sa biglaang pag-irit ni Marivic.Nagmamartsa siyang lumapit sa amin. Base sa aura niya, mukhang bad trip ang bruha."Di ba inutos ko sayo na bigyan mo ng extra pillow yung guest sa room E-16?!" Bulyaw niya kay Hazel.

"Eh kase... ano kase Marivic, ahm--" Hazel

Nagkatinginan na lang kami ni Louise. -__- Grabe talaga tong dalawang to.

"You're really a dumb brainless girl! Argh!" sabay hagis niya ng unan kay Hazel.Tapos nabaling sa amin ni Louise ang atensyon ni Marivic. Hala."At kayo?! Anong ginagawa niyo dito sa tapat ng office ni Sir Kelvin?!" Bumaba ang tingin niya sa hawak-hawak kong box of cake.

"May ibibigay lang ako sa kanya." Deretso kong sagot.

"Huh! Hindi ka lang pala assuming, may talent ka pa sa pagsip-sip. How talented naman." Sinabayan pa ng palak-pak.

Ngayon ko lang nalaman na talent pala yung ganun.

Bigla niyang inilahad ang kanang kamay niya sa akin.

"Give me that. Ako na ang bahalang magbigay kay Sir Kelvin." Full of confident niyang utos.

Ano siya sineswerte?! Ugh!

"Ang sabi ni Hazel wala daw ngayon dito sa Global Hotel si Sir Kelvin. Next time ko na lang siguro ibibigay sa kanya." I said then.. "Tara na Louise. Hindi pa tayo nagla-lunch hindi ba?"

Hindi ko na hinintay pa na sumagot si Louise. I bet kinakabahan siya sa mga pwedeng mangyari. But I'm quite thankful naman kase hindi na kami pinigilan pa nung dalawa. Kahit isang word wala din kaming nadinig mula sa kanila.

Nakakapagtaka naman.

***Hindi lang pala ako ang hindi naniwala sa sinabi ni Hazel na wala dito sa Global Hotel si Kelvin, si Louise din pala.

Pinilit niya akong bumalik sa office ni Kelvin pero hindi niya ako nakumbinsi. Hindi sa ayokong ibigay kay Kelvin yung cake, kundi dahil sa nagugutom na talaga ako. Napapayag ko lang siya na mimiyang uwian ko na lang ulit idadaan sa office yung cake. Pero may kapalit yun. -___- Inilibre ko siya ng lunch. Sobrang dami nga niyang nakain e.

Habang nagbe-bedding tuloy kami himas-himas niya yung tiyan niya.

"Ano kaya mo pa ba?" Tanong ko kay Louise. Pinatay ko na yung aircon kase tapos na naming linisin yung buong guest room. Baka din mahuli kami ni Ms. Karen e bawal yun.

"Glazy~ Ang sakit-sakit ng tiyan ko~" Aktong hihiga siya sa kama. NAKO!

" Oy! Oy! Wag kang humiga dyan. Kaka-ayos palang natin niyan no!" Hinigit ko siya patayo.

Mabuti na lang talaga last guest room na yung nalinis namin. Dinala ko muna sya sa office ni Ms. Karen. Nung una nga ayaw pa nyang sumama kase nakakahiya daw, pero napilit ko din sya. kung hindi kase sya sasama dadalhin ko talaga sya sa hospital.

Iniwan ko muna sya kay Ms. Karen tapos ako na ang nag out ng time card namin.Kahit na nakauniform lumabas ako ng Global hotel. Hindi naman ako hinarang ng mga guard kaya okay lang hehe.Mabuti at may malapit na botika sa hotel.

Bumili ako ng gamot sa sakit ng tyan pati na din pampahid.Tatawid na sana ako sa pedestrian lane ng may bigla akong maalala. Yung time na tinulungan kong tumawid ang Grandpa ni Kelvin. Nakakatuwang isipin na dahil sa pagtulong kong yon, biglang nagbago ang buhay ko.

Pagtingala ko naman bumungad sa akin ang nakangiting buwan. Isang alaala na naman. May pagkaromantic din naman tong si Kelvin e no? Full moon love story hihi. Nakakakilig talaga yun.

Tumawid na din naman ako kase baka kung ano ng nangyayari kay Louise. Haay, dapat talaga pinigilan ko syang kumain ng sobrang dami.

Pagdating ko sa hotel mga nagsisiuwian na ang mga ka-shift kong housekeeper. Yung iba nagbabye sa akin, pero yung iba alien look ang natanggap ko.

Nagulat ako ng wala akong nadatnan na Louise sa office. Kahit nga si Ms. Karen wala e. Asan na kaya sila?

"Si Louise ba ang hinahanap mo?"Nagulat ako sa biglang nagsalita sa likuran ko.

I composed myself saka lang sya hinarap.

"Hinihintay ka nya sa rooftop. She needs more air kase, that's why dinala sya dun ni Ma'm Karen. C'mon sasamahan na kita!" Bigla na lang akong hinigit ni Marivic papunta sa elevator.Grabe hindi nya man lang ako pinagsalita. Napaka brat talaga.

Tumigil ang elevator sa sky lounge, yun ang last floor ng Global hotel.Tatanungin ko na sana sya kung may pagbabago na ang nararamdaman ni Louise or mas lumala ba pero bigla na naman nya akong hinila.

Tumigil kami sa glass door ng roof top. Bale kitang kita ko yung malaking swimming pool na kasalukuyang nasisinagan ng buwan.

"Go ahead na Glazy girl. Open the door and puntahan mo na si Louise." She said with hidden emotions sa mga mata nya. Hindi ko lang mafigure out kung ano.

Dahil na din sa pag aalala ko kay Louise, binuksan ko na yung glass door saka lumabas.I looked around pero... wala namang tao.

"Marivic wala naman--" I was shock coz nilalagyan ni Marivic ng chain with padlock yung hawakan ng glass door.

Nagmadali akong itulak yung pinto para mapigilan sya pero.. Nalock na nya.

*Slam*slam*slam*"Buksan mo to! Bakit mo ko kinulong dito?! Marivic!!" I yelled.

I bet naman naririnig nya yun.

"Toodles Glazy girl! You've made a big mistake not to obey my golden rule girl. Wala pang tumanggi at nag over rule sa akin. And that's your punishment for treating me like that."

XOXO

Sayonara_chinji Muling magbabalik ang kinaiinisan nyong otor haha. Next update? Haha

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon