CHAPTER 17: SECOND WISH

9.6K 196 9
                                    

CHAPTER 17: SECOND WISH

GLAZY'S POV:

Nagising ako sa init ng sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

Medyo nahirapan pa nga akong magmulat e. Mabuti na lang may nagsara ng kurtina kaya nawala yung sinag ng araw.

Kinusot ko yung mga mata ko at may naramdaman akong hapdi sa kamay ko. At nung tiningnan ko, may nakakabit na dextrose.

Ibigsabihin nasa hospital ako?

Teka..

Iginala ko ang paningin ko and isang tao lang ang nakita ko.

Si Kelvin. Naalala ko tuloy yung mga sinabi nya sa akin kagabi. Nakaramdam tuloy ako ng awkwardness. Kase naman alam kong galit sya sa akin.

May ginagawa sya sa may bandang paanan ko. May table kase dun. Nagtitimpla ata sya ng kung ano.

Ano bang dapat kong gawin? Magpanggap na nakatulog ulit? Nah! Sigurado nakita na nya ako kanina na nakamulat.

Ano kaya kung wag ko na lang syang pansinin? Iisipin ko nalang na ako lang mag-isa ang tao sa kwarto.

Kaya lang meron akong nararamdaman. Nagmimiss call na si mother earth! Nasaan ba yung cr dito?

Look to the right.

Look to the left.

Ayun ang mahiwagang pintuan!!

Babangon na ako ng biglang bumukas nang marahas ang pinto. I bet pareho kami ni Kelvin na nagulat.

"Glazy anak!" Si mama pala.

Grabe ang bilis nyang nakalapit saken. At ngayon, yakap yakap na nya ako ng sobrang higpit.

Mama talaga pag may sumpong masyadong oa.

"Anong nangyari sayo? Magtatagal ka ba dito sa Hospital? May ooperahin ba sayo anak?" Super natataranta sya promise.

"Ma okay na po ako. Wag kayong masyadong oa." I said.

Medyo kumalma naman sya. Lalo pa at naramdaman nyang nasa likuran na nya si Kelvin.

"Oh hijo!" ma

"Good morning po ma." Aktong mamano sana sya kaya lang bigla syang hinigit ni mama for beso beso.

Nakakahiya! Nako mama talaga!

"Magandang umaga din anak. Mabuti na lang talaga inaalagaan mo si Glazy. Alam mo sakitin talaga yang batang yan. Madaling dapuan ng mga bacteria at.. ano nga ba yun anak?" Sabay tingin sa akin

"Virus ma." sagot ko.

Si Kelvin naman ngingiti ngiti lang.

"Ayun virus nga hijo. E ano magtatagal ba kayo dito? Ipapasara ko na muna yung botique para mabantayan ko ang anak ko."

"Ma, uuwi na po ako ngayon. Hindi nyo na kailangan magsara." I said.

Tapos binigyan ako ni Kelvin ng 'anong-sinasabi-ko' look.

Talaga naman oh. Wag mong sabihin na di pa nya ako pauuwiin?

"No ma, she have to stay here for two days." ayan na nga ang sinasabi ko.

"Two days?? Masayado namang matagal yun!" protesta ko.

"That's what the doctor said."

"Pero ayokong magtagal dito! Gusto ko nang umuwi."

"Glazy please stop insisting what you want. If you think that you're fully well now, Im telling you you're not."

"Ma.." I said para sya ang pumilit kay Kelvin.

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon