CHAPTER 22: PROTECT ME

8K 157 9
                                    

CHAPTER 22: PROTECT ME

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para akong napako.

Hindi ko inaakala na magagawa akong buhusan ng maduming tubig ni Marivic. At sa lobby pa talaga ng hotel ha.

"Security!! Security!!" I heard someone shouted.

In a second ay may bumitbit na kay Marivic palayo sa akin.

But still para pa din akong estatwa dahil sa pagkagulat ko sa nangyari.

Tumutulo ang dress ko. Hindi na sya white ngayon dahil sa ibinuhos nga sa akin ni Marivic.

"I'm not yet done Glazy! You--"

Biglang may humarang sa harapan ko.

Kelvin?

"Oh my, sir Kelvin! It was just a prank joke." Narinig kong react ni Marivic.

Prank joke? Nagpapatawa ba sya?!

Naramdaman ko na lang ang kamay ni Kelvin sa braso ko.

At dinala nya ako sa elevator.

*****

Dinala ako ni Kelvin sa isang guest room.

Doon ako nagshower. Bukod kase sa madumi na yung damit ko mabaho pa.

Pagkalabas ko ng cr, nagulat ako dahil nasa may pinto lang pala si Kelvin.

Ang bilis na naman tuloy ng tibok ng puso ko.

Iiwasan ko na lang sana sya pero..

itinuon nya ang kamay nya sa wall na dadaanan ko.

I look at him.

Sobrang seryoso ng mukha nya. As in walang bakas ng ngiti.

"Kelvin.." I murmur.

Inilapit nya ang mukha nya ng konti. Napaurong tuloy ako kaya lang dahil sa nakasarang pinto ang nasa likuran ko, nauntog tuloy ako.

Medyo masakit pero mas nangibabaw ang gulat ko ng tuluyan na nyang inilapat ang labi nya sa labi ko.

Nung una, hindi ako tumutugon sa halik nya. Pero ng makita kong nakapikit sya, naisip ko na ang baliw ko naman kung sasayangin ko tong chance na to!

Haha ang weird ba? Pero yun talaga ang naisip ko promise.

Humiwalay lang sya ng biglang may kumatok sa pinto.

Ang totoo nyan thankful ako na may kumatok kase if ever na wala, baka kung saan mauwi ang ginagawa naming dalawa! Waaah bakit ba ganun ako mag isip ngayon?!

Ang super dirty mind talaga.

Si Kelvin ang nagbukas ng pinto at pumasok ang isang bading na humihingal.

May dala syang madaming paperbag.

"Oh My Life! Am I just in time Sir Kelvin?" Sabi nya kahit na habol pa din nya ang kanyang hininga.

Ito naman si Kelvin, tiningnan ang relo na suot nya.

"I guess I dont need to search for a new personal shopper." Kelvin

Eh? Personal shopper?

Kinuha naman ni Kelvin lahat ng paperbag dun sa bading tapos..

"You can go now." Dugtong ni Kelvin.

Tuwang tuwa naman na lumabas yung bading na personal shopper daw sabi ni Kelvin.

Agad naman na iniabot sa akin ni Kelvin ang mga paperbag.

"Wear whatever suits you." sabi nya.

"ah.. okay." Tapos babalik na sana ako sa cr ng magsalita ulit sya.

"Wifey, don't worry 'cause it will never gonna happen again. I'll protect you. Anyone who lays a finger on you will be dead. So chin up and smile." Ginulo nya pa ang buhok ko.

Somehow I feel protected.

Pumasok na ako sa loob ng cr pagkatapos nun.

Bawat paperbag pala may laman na dress. Teka.. ang bilis naman mamili nung bading na yun. Hmm, ayaw nya lang sigurong mawalan ng trabaho. Kelvin talaga kung makapagthreat tsk tsk.

Isinuot ko ang pinakasimpleng dress na nakita ko. Grabe kase ang bobongga nung iba pang party talaga.

Kung tatanungin nyo ko ayoko na din na bumalik sa function hall.

Nahihiya ako. Nahihiya ako sa lahat.

Pagkatapos kong magbihis, bumaba na kami ni Kelvin.

And now pabalik na kami sa function hall.

Kung pwede lang umuwi. Ayoko na talagang bumalik I swear.

Napansin ata ni Kelvin na bumabagal ang lakad ko. Tiningnan nya kase ako at nginitian.

Syempre nagsmile na din ako.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng function hall, camera flash ang sumalubong sa amin.

Napatigil tuloy kami.

Isang reporter ang humarang sa amin.

"Mr. Kelvin Josh Vergara with his lovely wife. It's my pleasure to meet you in person. Im Kin Gonzales, top reporter of JDC entertainment." Base sa nakakalokong ngiti nya, nararamdaman ko na may something weird sa lalaking to.

Nakipagshakehands pa sya sa amin ni Kelvin.

"Can I ask a few questions? Actually JDC entertainment is currently on the making of its newest and more refined magazine. Hindi naman masyadong personal just like, yung nangyaring pagbuhos ng tubig--"

"Im sorry but I think you forgot the main and only reason why we invited you in this event. Excuse us." ayun hinila na ako ni Kelvin palayo sa weirdong chismosong reporter.

Grabe nakita nya pala yung nangyari sakin kanina.

NAKAKAHIYA!!

Sasabihin ko na sana kay Kelvin na uuwi na lang ako kaya lang may humarang na naman sa kanya. Tungkol na naman sa business ang topic nila.

Medyo dumistansya ako kase nakaka-op naman talaga.

Hindi pala ako malayo sa buffet table. Haha naalala ko tuloy yung cupcake.

Pumunta ako sa buffet. Hindi pa nababawasan ang cupcakes. Bakit kaya? Hindi ba ito masarap?

Kinuha ko yung chocolate flavor.

One bite.

Waaah! Hindi nga masarap!

Lasang ewan! Gusto kong iluwa, gusto ko ng ..

TUBIG!

Agad kong kinuha ang glass of water without looking kung sinong may hawak.

At ng maging okay na ako, saka ko lang tiningnan sya.

Seriously?

Bigla tuloy akong kinabahan.

"Hindi naman siguro masama kung ituloy ko na ang naudlot kong quick interview sa inyo. Hindi ba Mrs. Glazy Jean..... Vergara?"

Dapat ba akong matakot sa malicious grin ng reporter na to?

"Its just a quick interview, I promise." dugtong pa nya.

"ahm.. baka hinahanap na po ako ni Kelvin e." aktong aalis na ko kaya lang, his question made me stop.

"Totoo bang nagpakasal ka kapalit ng pera?"

Kelvin..

Sabi mo poprotektahan mo ko.

XOXO

SAYONARA_CHINJI

Sinisipag akong mag update haha.

Lubos lubosin na hanggat sembreak.

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon