♥ EPILOGUE ♥

11.8K 262 56
                                    

♥EPILOGUE ♥

Sobrang daming nangyare sa buhay namin ng hubby kong si Kelvin. But still naging okay din kami sa dulo. Thanks sa effort niya. Hindi ko talaga akalain na magiging ganun siya ka-sweet! Kyaaaa!

Anyway, magsisimula na kami ng bagong buhay at wala nang kokontra! Kung sino mang may violent reaction ay haharapin ang Attorney ni Kelvin! Nyahahaha!

Pagkatapos ng sweet proposal niya sa Batangas, sumama na ako kay Kelvin pauwi.

Hindi ko alam kung paano niya naayos ng ganun kabilis ang bonggang second wedding namin! Well.. wala nga namang imposible sa mga Vergara.

Nagpakasal ulit kami ni Kelvin. Tulad ng pangako niya, kinover ng media ang buong event. Yey! Alam na ng buong mundo na SA AKIN LANG SI KELVIN JOSH VERGARA! BWAHAHAHA!

Isang taon ang nakalipas bago kami nagka-baby.

Natupad na din ang plano ng Grandpa ni Kelvin. It’s a baby boy! Tuwang tuwa tuloy ang monster kong asawa. Gusto ko sana babae, pero okay na din! At least matatawag na kaming ‘FAMILY’.

Ang totoo niyan, pinag-awayan pa naming mag-asawa ang ipapangalan sa baby namin. Kaya si Grandpa na lang ang nagpangalan sa kanya. Ang korni nga ng pangalan eh. Wag kayong maingay huh pero hindi talaga namin type ni Kelvin ang binigay na name ni Grandpa sa baby namin. Hindi ko na sasabihin kase baka pagtawanan niyo pa.

Naging official heir na talaga si Kelvin ng Vergara Corporation. Super busy tuloy ng hubby ko. Pero kahit papaano naglalaan siya ng time para sa amin ng anak niya.

Naka-recover ang Grandpa ni Kelvin, pero hindi mo maitatanggi na matanda na talaga siya. Nangako ako sa kanya na every birthday ko, isa lang ang iwi-wish ko at iyon ay ang ‘GOOD HEALTH’ nya. Haha!

Nagtayo ng sariling Hospital sa Pilipinas ang Daddy ni Kelvin. At LIBRE ang Hospital na yun! Para talaga sa mahihirap! Ang bait talaga ng Daddy niya. Walang wala si Kelvin the monster.

Si Mom Vira naman, sobrang busy pa din as usual. Para nga talaga siyang Wonderwoman! Palipat lipat siya ng bansa dahil sa business nila. Minsan kasama niya si Kelvin.

Natuloy ang totoong despedida ni Stacey. Nasa Spain na siya at mukhang wala na talagang balak bumalik sa Pilipinas. Pero nakapagthank you naman ako sa kanya bago siya umalis. Kung hindi dahil sa kanya, baka forever na kaming magkahiwalay ni Kelvin.

Nagkaroon na ng branch ang accessory shop ni Mama! Dahil dyan nagkaroon ng trabaho si ate Wenzy. Sa kanya kase pinapamanage ni Mama yung isang branch. Si Lex at Win naman ayun makukulit pa rin kahit na ang lalaki na!

Si Inggrid? Paano ko ba sasabihin to? Ahm.. Ehem. FANGIRL na po siya ni Hero! Nang malaman niya na close kami ni Hero, nagpapalakad siya sa akin. Ano bang pwede kong gawin sa kanya? Aisht! Baluga talaga tong babaeng to kahit kailan! Halos kaladkarin niya ako sa lahat ng mall tour ni Hero. Mababaliw talaga ako sa babaeng to.

Si Niegel naman.. mukhang may love life na! Lagi siyang busy. Nakita ko siya isang beses sa Amusement Park. May kasama siyang babae pero mukhang hindi sila close. Well.. dyan din naman kami nagsimula ni Kelvin. At least makakamove on na siya.

Pagkatapos ng mahabang panahon na paghihirap at sakit, naging maayos na din ang lahat.

May kanya kanya na kaming buhay na ginagalawan.

At ang natutunan ko?

“Zero pride + 100% love = peaceful, happy and a better future”

THE END

XOXO

AUTHOR’S NOTE: (MUST READ! WAG MAGREKLAMO! WAG DEDEDMAHIN KUNG AYAW NYONG IHUNT KO KAYO SA PANAGINIP NYO BWAHAHAHA!)

Unang una, SALAMAT NG MADAMI sa mga walang sawang nagvote, nagbasa at nagcomment sa Double Danger: Hubby vs Wifey!

Sana po nagustuhan niyo ang ENDING. Pinaghirapan yan ng maganda nyong Author xD

Sa mga nagrerequest ng story ni NIEGEL, on-progress ang pag-iisip ko ng magandang LOVE STORY para sa kanya. KUNG MAY SUGGESTIONS PO KAYO FEEL FREE TO DROP AT MY INBOX ;) Makakatulong po ‘yon ng malaki. Pwede ding mag-APPLY na character kung gusto niyo ;) Open ang audition!

Sinong may gusto ng BOOK 3? xD

Ngayong tapos na ang DDHW, itutuloy ko na po ang DATING THE SUPERSTAR (Pinalitan ko na po siya ng title na ‘FOREVER MY STAR’ so don’t be confuse kung hahanapin niyo siya sa MY WORKS ko.) Ito na po ang ON GOING STORY na buong puso kong iuupdate :) SO PLEASE SUPPORT NYO DIN SYA KATULAD NG PAGSUPORTA NYO PO SA LOVE STORY NINA GLAZY AT KELVIN! Compared sa DMC puro kilig moments po sya. SO ANO PANG HINIHINTAY NYO? BASAHIN NYO NA! HIHIHI!

Sana po magkitakita pa rin tayo sa susunod ko na Story.

PS:
DANGER MISCHIEVOUS COUPLE : PUBLISHED UNDER LIB CREATIVES.

AVAILABLE NA PO ITO IN YOUR FAVORITE BOOKSTORES ;)

GET YOUR COPY NOW FOR ONLY 129.75Php! May sukli ka pa for 130Php pero pustahan tayo di na ibibigay ng cashier nyahaha!

ON-GOING ang BOOK 3 entitled TRIPLE DANGER: Treacherous Couple

Please support your lovely author ;)

SALAMAT ULIT READERS!

Lalalalalab!

sayonara_chinji

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon