CHAPTER 26: DELIVERY PLEASE!

8.2K 184 14
                                    

CHAPTER 26: DELIVERY PLEASE!

Pinagmasdan ko ang pag-alis ni Kelvin mula sa glass window sa second floor.

Kahit na alam kong di nya ko nakikita ay kumaway pa din ako.

At ng totally mawala na sa paningin ko ang kotse nya, isinara ko na ang grey na kurtina sa glass window.

Bababa na sana ako sa hagdan ng may something na humihigit sa akin paakyat sa third floor.

At pagkarating ko sa third floor, nakaagaw kaagad ng pansin ko ang medyo bukas na pinto sa bandang kanan.

Kung hindi ako nagkakamali yun ang kwarto namin ni Kelvin.

Bakit kaya bukas? Ish siguro nakalimutan ni Kelvin na isara.

I opened the door at pagpasok na pagpasok ko ay muntikan na akong magtaob!

Bwiset! Bakit ba may nakaharang?!

Iiisod ko na sana sa gilid ng marealize ko na maleta pala sya.

Bale apat na maletang malalaki.

Lumuhod ako at binuksan ang isa.

I was quite shock ng makita ko ang mga laman.

Mga damit ko?! Pati ang lalagyan ko ng allowance nandito din. Mabuti na lang. Itinago ko na sya sa bulsa ng shorts ko.

Talaga naman oh. Kakaiba talaga ang mga Vergara. Always ready at prepared.

"Aayusin ko muna." I said to myself.

Hinila ko sa tabi ng kama lahat ng maleta.

Tapos isa isa kong binuhat pahiga sa kama.

Pati pala damit ni Kelvin nandito na din.

Teka.. san ko ba ilalagay tong mga damit namin?

Iginala ko ang paningin ko.

Waley namang closet o kahit na drawer.

Aisht! Dont tell me wala talagang lalagyan ng damit?!

Ah! Baka yun na yun? Meron kasing dalawang pinto sa kanang bahagi ng ulunan ng kama.

Binuksan ko ang unang pinto.

Cr. Wow ang laki nya infairness.

At ng pangalawang pinto na ang binuksan ko..

Mas nagulat ako sa laman nito.

Totoo ba to?

Isang walk in closet.

Nasa mall ba ako? Mas malaki kase to compare sa walk in closet ko sa mansion. At mas madaming sapatos at mga damit.

Kung iisipin para na syang isang malaking botique para sa mga damit, sapatos, bag at jewelry.

Nasa kabilang side ang mga panlalaki. Syempre kay Kelvin yun.

May space pa kaya para sa mga damit na nasa maleta?

Instead na problemahin ko yun, binalikan ko ang mga maleta.

Hinila ko sila papasok sa walk in closet.

Hindi ko na lang inilabas ang mga damit. Mahihirapan pa ako no. Haha!

May mas mahalaga pa akong gustong gawin.

After that lumabas na ako ng kwarto.

Unang gabi namin dito sa bahay na to kaya dapat espesyal ang dinner namin.

This will be fun! Siguradong matutuwa si Kelvin.

*****

Dalawang oras akong nagluto.

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon