CHAPTER 56: KONNICHIWA!

6.3K 142 5
                                    

CHAPTER 56: KONNICHIWA!

“Welcome to Japan! Whooo!” Pagkabati ko sa sarili ko, agad na nagtinginan ang mga tao sa akin.

Yeah right. Pasensya na po! Wala naman kasing ibang babati sa akin dito kundi ang sarili ko lang din.

Higit-higit ko palabas ng airport ang malaking traveling bag na pinuno ni mama at ate ng kung anong anong bagay na majority hindi ko naman magagamit dito sa Japan. Sila kase ang nag-insist na mag-ayos ng gamit ko.

Naalala ko pa ang sinabi ni mama bago ako sumakay ng taxi papuntang airport..

‘Glazy anak, h’wag kang uuwi dito sa Pilipinas ng hindi mo kasama ang asawa mo! Kung kinakailangan na ilagay mo siya sa bagahe gawin mo! Kaya mo yan anak nagmana ka sa akin eh!’

Kakaiba talaga si mama. Siguro nga tama siya, nagmana ako sa kanya.

“Taxi! Taxiiiiii!” Sigaw ko na mukhang narinig naman ng pangsampung taxi na dumaan sa harapan ko.

Lumabas yung driver at tinulungan akong ipasok sa loob ng trunk ang bagahe ko.

Tapos pinagbuksan pa niya ako ng pinto.

“Dochira ni irassharitai desu ka?”

Automatic na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng driver pagkapwesto niya sa driver’s seat.

Oh My Gulay.

Nasa ibang planeta na ba ako?

“Ah.. wait!” Naghand sign pa ako ng ‘wait’ at dinukot sa bagpack ko ang maliit na libro.

The easy way to learn Japanese Language, bigay ni ate Wenzy sa akin. Ang sabi niya ito ang pinaka kailangan ko para maka-survive dito sa Japan.

I guess tama siya.

Iniscan ko ang bawat page para makita ang red marker na ginuhit ni ate sa mga common sentences and words.

After 10000000000 years.

“Ho.te.ru! This hoteru!” Tapos ipinakita ko pa sa kanya yung certificate na may pangalan ng hotel na pupuntahan ko.

Pagkakitang pagkakita niya, tumango tango siya at nagsalita na naman ng alien language.

Mas mahirap yata to kesa sa inaasahan ko.

Napabuntong hininga ako at inihilig na lang ang ulo sa bintana ng taxi.

Halos kalahating oras ang biyahe bago kami nakarating sa hotel.

“Arigato! Arigato!” Paulit ulit kong bigkas pagkababa ng driver sa traveling bag ko.

Pagkatapos ay may valet attendant naman na kumuha nito at inassist ako papasok sa loob ng sosyaleng hotel.

Actually para din siyang Global Hotel. Lahat ng bagay kumikinang at halatang mamahalin.

At ito na nga ang kalbaryo ko.

“Ohayo goazimasu! Nani ka go yo desu ka?” Bati sa akin ng babae sa front office.

Pasimple akong napakamot sa ulo. Interpreter please!

“Ahm.. can you speak in English?” medyo naghehesitate pa akong magtanong. Kase naman e!

Nagform ng arc ang red lips ng front liner.

“Yes ma’m. Do you have a reservation?” Still wearing that smile.

Phew! Finally! Magkakaintindihan din kami!

“Here.” Ibinigay ko sa kanya ang certificate ng inclusive lodging package.

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon