CHAPTER 40: HE♥RTBE♥TS

7.2K 168 24
                                    

CHAPTER 40: HE♥RTBE♥TS

GLAZY'S POV:

Hindi ko alam kung anong purpose ng pagpunta namin sa sementeryo.

Agad din kasi kaming umalis na hindi man lang bumababa.

Hindi ko tuloy napigilang magtanong.

"Bakit hindi man lang tayo bumaba? May problema ba?"

Deretso lang ang tingin nya sa daan.

"I forgot the exact place. Balik na lang tayo sa ibang araw." Sabi nya na hindi man lang tumitingin sa akin.

"Okay. Sino bang pupuntahan natin sa sementeryo?"

This time napatingin na sya sa akin.

"Now I know that you're alive, hindi na ako sure kung sino ang nakalibing dun."

"Eh?" Hindi ko gets.

"For one year, ang buong akala ng mga tao ay patay ka na. May nakuha kasi silang katawan that's why inassume nila na wala ka na nga. But who would have thought na buhay ka pa?"

"P-patay na ako? At may katawan?"

"Oo. Maybe it's all part of Cross' plan. Glazy, wala ka ba talagang naaalala nang gabi na naaksidente ka?"

Umiling ako. Kahit na anong gawin ko, burado talaga ang part na yun.

Hindi ko alam kung anong nangyari ng gabing yun.

Hindi ko alam kung may kasama ba ako o wala.

Hindi ko alam kung saan ako papunta ng mga oras na yun.

At hindi ko alam kung bakit sa tuwing inaalala ko ang gabing yun, may kung anong kirot sa puso ko.

Ang weird kung iisipin. Nasasaktan ako sa isang bagay na hindi ko maalala.

"We're here. Free your mind, magrelax ka muna Glazy." narinig kong sabi ni Niegel.

Sumilip ako sa bintana to see kung nasaan kami ngayon.

Mall? Anong gagawin namin dito?

"Since dun ka sa apartment ko muna titira, it's better kung maggrocery muna tayo. Walang food supplies sa unit. Ayoko naman na magutom ka." Nakangiti sya habang sinasabi yan.

Grabe kung iisipin mo, ang bait bait niya sa akin.

At kahit hindi ko maalala ang past were in nandoon ang memories na nakilala ko sya, I'm pretty sure na naging mabait syang kaibigan ko.

***

TOM'S POV:

Supermarket

Badtrip.

Sinesante ni Dad ang lahat ng maid sa bahay kaya wala akong mautusan na mamili sa supermarket!

Sinesante din ako ni Dad sa sarili naming kompanya. Ang saya no? Kaya nga pinupurga ko na ang sarili ko sa instant noodles e.

Dumeretso ako sa noodles section.

Kuha lang ako ng kuha sabay lagay sa basket.

At nang kukunin ko na ang nag-iisang spicy korean noodles ay may kamay na aktong kukuha din nito.

Kamay ng babae.

"Miss--" Holy Sh*t

Luwa ang mga mata ko sa babaeng katabi ko ngayon.

Hindi ako pwedeng magkamali.

Siya si..

"Ah sige kuya, sayo na lang yan."

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon