CHAPTER 3: NEW HOTTIE ♥

13.3K 260 11
                                    

DOUBLE DANGER: HUBBY VS WIFEY!

PART 2 OF DANGER: MISCHIEVOUS COUPLE!

CHAPTER 3: NEW HOTTIE

"Nasaan na ba kase yun? Kanina pa tayo nag-aabang dito pero wala naman. Inggrid, baka naman hindi siya magkakape ngayon?" Inubos ko ang natitirang laman ng strawberry shake na inorder ko kanina pagkadating ko dito sa Restaurant ni Bossing.(remember? Kung saan ako nagtatrabaho dati >BOOK 1<)

"Hindi yan! Wag ka ngang nega Bessy, basta mag-abang ka lang!" Kahit siya mukhang naiinip na din .. -__- Hindi lang pinapahalata.

Simula kase ng dumating ako dito, nakatanaw na kami sa Coffee Shop na nasa kabilang kalsada. Ang sabi kase nitong si Inggrid, ganitong oras daw nagkakape sa coffee shop na yun ang bago niyang TARGET na HOTTIE. Hindi pa rin talaga nagbabago tong babaeng to.

"O sha sige, oorder lang ako ng panibagong makukutkot para hindi ako mainip sa NEW HOTTIE mong yan." Talagang inemphasize ko talaga yung NEW HOTTIE. At hindi man lang napuknat sa kakatitig sa coffee shop. Haay.. bakit kase hindi na lang kami sa coffee shop na yun nag-abang para kitang kita kung sakaling dumating nga si new hottie.

Tumayo na ako at dumeretso sa cashier. Nakakapagtaka lang... wala kaseng mga crew sa dining area na nag-aasikaso sa mga customers, wala din sa mahiwagang trono si Bossing (CASHIER CHAIR)--> favorite niya kaseng pwesto yan. Nasaan na kaya sila? Kanina lang nandito silang lahat.

Yumuko ako ng bahagya para masilip ang loob ng dirty kitchen... Baka sakaling nandoon sila. Pero biglang bumukas ang pinto nito at lumabas mula dito si Jane. Co-worker ko dati.

Pawis na pawis siya at mukhang may kinatatakutan. Pumwesto siya sa cashier section..

Magsasalita na sana ako pero..

"Sorry po sir, papalitan na lang po namin ang in-order niyo." Jane.

O_o? Napatingin naman ako sa lalaking katabi ko. Matangkad siya at mukhang kagalang-galang at oo, hindi ko itatangging gwapo siya. Pero ano namang kinatatakot ni Jane dito sa lalaking to?

"WHAT KIND OF RESTAURANT IS THIS?! I have been waiting for almost 15 minutes here but then that's the only solution you're giving me?! The heck! I want to talk to your manager! Where is he?!" Biglaan niyang bulyaw na siya namang ikinagulat ko.

Kahit si Jane kitang kita ko na napatungo na lang. Kulang na lang ata umiyak siya sa harapan nitong matangkad na lalaki.

"S-sir... w-wala po ngayon dito ang manager namin." Still nakatungong tugon ni Jane.

*BLAG!* O_O Hala nagwawala na siya.

=__= di exagge lang ako. Pinalo niya lang ng malakas yung cashier table. Agaw eksena tuloy.

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon