CHAPTER 45: DUMB WAYS TO DIE

6.8K 147 18
                                    

CHAPTER 45: DUMB WAYS TO DIE

NIEGEL'S POV:

"So you know where she is?"

He's staring at the whole city through the glass walls of his office.

"I came here para sabihin na tigilan mo na si Glazy. Leave her alone." I said in my most calm voice.

Hanggat maaari, I want to make a clear and peaceful conversation with my older brother.

He turns around.

And now he's facing at me.

I saw a strange expression in his eyes. The same expression that I saw 14 years ago.

"If you keep on interfering with my plans, you'll suffer the consenquences. Glazy is not originally my target, but she's the most effective bullet to bring down the Vergara group. And I will do any damn fucking ways to step on them especially that fucking Kelvin Josh Vergara!"

"That's bullshit Cross! Ganun ba talaga kahirap magpatawad at makalimot?! Why can't you fucking accept the fact that Mom and Dad are gone?!"

"Accept?! Do you fucking hear yourself?! They killed your parents! And you're telling me to forgive them?!"

"Aksidente ang lahat! And that was 14 years ago! I don't understand you. And I don't know kung ikaw pa ba ang kapatid ko."

***

GLAZY'S POV:

"Ma?"

"Ay butiking palaka!" mama talaga.

Dali dali nyang ibinalik ang telepono sa lalagyan.

"Anak gising ka na pala! Maaga pa ah. Matulog ka pa." mukha syang tuliro.

"Mama alas onse na kaya!"

Dumeretso ako sa kusina at sinundan ako ni mama.

"Anak.. magbubukas ako ng shop, gusto mo bang sumama?" tanong nya habang nagsasalin ako ng malamig na tubig sa baso.

"Dito na lang po ako ma. Baka may makakita pa sa akin dun." Inistraight ko yung tubig.

"Eh Glazy anak.. hanggang kailan ka ba magtatago? Dapat nga ngayon kasama mo na ang asawa mo--"

"Ma?! Akala ko ba napag-usapan na natin to?"

"Anak gusto ko lang maging maayos ang lahat. Hindi yung patago tago ka dito. Hindi habambuhay e matataguan mo ang mga Vergara!"

"Ma hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari kapag lumabas ako. Kapag may nakaalam na nandito ako ngayon sa puder nyo, pwede kayong masaktan!"

Shit. Hindi ko tuloy mapigilan na mapataas ang boses ko.

Hindi na sumagot si mama.

Umalis na lang sya ng walang sinasabi.

Naguilty tuloy ako.

I'm sorry ma.

Buong maghapon akong nagkulong sa kwarto.

Nahihiya ako kay mama. Alam kong nasaktan ko sya.

Nahihiya din ako kay ate kase nakita nya ang lahat kanina.

Napagdesisyunan ko lang na lumabas nang magutom ako.

"Tita Glazy oh, si Lex nang-aagaw ng tablet!" Bungad sa akin ni Win.

Tumakbo pa sya at nagtago sa likuran ko nang makalabas ako ng kwarto.

"Ang damot mo kaya! Isusumbong kita kay mama!" Sabay dila ni Lex at kinuha na lang ang remote control ng tv.

Grabe hindi pa din nagbabago tong dalawang to.

"Wag na kayong mag-away. Nasaan ba ang mama nyo?"

"May binibili lang po." sagot ni Win. Patuloy lang sya sa paglalaro ng tablet nya.

Tumabi ako kay Lex sa sofa. Si Win naman tumabi din saken. Bale pinaggigitnaan nila ako.

"Ano ba yang nilalaro mo?" I ask sabay silip sa tab ni Win.

"Dumb ways to dieeee--wala na! Game over na naman! Sayang mauunlock ko na sana ang next character!" at napakamot pa sya sa ulo.

"Patesting nga." kinuha ko na lang basta basta yung tab.

Mabuti nga di sya umangal e.

"Tita Glazy ako din!" Lex

"Bleeh!" Win.

Hindi ko na lang sila pinansin.

Patuloy lang ako sa paglalaro.

Ang brutal pala nito.

Bakit nilalaro to ng bata?!

"Si Tito Kelviiiin!" Excited na sigaw ni Lex.

I froze.

Shete anong ginagawa nya dito?!

Sumilip ako sa bintana at nakita nga si Kelvin.

Kausap nya si ate Wenzy at naglalakad na sila ngayon palapit sa bahay!

In a flash ay napasok ko ang cr.

Cr?! Shemay naman oh sa kwarto dapat ako pumasok!

Binuksan ko ng bahagya ang pinto ng cr at sinilip si Kelvin.

Nasa loob na sya ng bahay ngayon at sinalubong pa sya ng kambal.

"Tito Kelvin nataasan ko na ang high score mo sa dumb ways to die!" Win

"Oh talaga? Patingin nga." Kelvin.

Sitting pretty pa sya ngayon sa sofa.

"Hoy Win! Wag mong kulitin yang tito mo!" Dumeretso si Ate sa kusina which is malapit lang dito sa cr.

Ate naman e. Dapat binabantayan nya yung dalawa! Baka kung anong sabihin nun kay Kelvin.

Kahit na kinausap na ni ate yung kambal ng masinsinan kaninang umaga tungkol sa akin, hindi pa din ako kumbinsido.

"Tab ko?" win

Waah! Nasa akin yung tab nya!

Dali dali kong isinara yung pinto ng cr.

Malas ba ako?!

Sira nga pala ang doorknob dito!

Walang lock!

I'm dead.

"Nakay titaaaa!" Narinig kong sigaw ni Lex.

"Tita?" Waaa! Mukhang nagtataka si Kelvin!

Sino nga namang iba pang tita ng kambal?!

May footsteps akong narinig papalapit sa cr.

"Tita? Yung tab ko?" at kumakatok pa talaga tong balugang batang to!

Ate!! Help meee!

"Sinong tita?" BOSES YUN NI KELVIN AT MALAPIT LANG DITO!

Dont tell me nasa tapat na din sya ng pinto ng cr?!

Layas! Umalis ka na dito! Tsupi!

Biglang umikot yung doorknob.

Pipigilan ko ba?

Lagot na.

XOXO

Magkikita na nga kaya sila?

Bwahaha! Parang ayoko pa e.

Salamat sa mga naghintay ng update.

Lablab forever <3

sayonara_chinji

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon