CHAPTER 42: DO YOU REMEMBER

7.2K 141 14
                                    

CHAPTER 42: DO YOU REMEMBER

GLAZY'S POV:

8:32 am

Nagising ako dahil sa malakas na katok mula sa labas.

Nakakainis naman oh! Ang ganda pa naman ng panaginip ko.

Sige mamaya ipagpapatuloy ko yun.

Kahit na labag sa kalooban ko, bumangon na din ako at hinarap ang tao sa labas.

Ang aga aga mambulabog! Antok pa ako e.

Pagkabukas ko ng pinto,

"Good morning!" masayang bati sa akin ni Niegel.

Sasagot sana ako kaya lang pagbuka ko ng bibig ay napahikab ako ng bonggang bongga.

Nakakahiya!

Maagap kong tinakluban ang bibig ko tuloy.

Binuksan ko ng todo yung pinto para makapasok sya.

Tapos sya na yung nagsara.

"Still sleepy? Hindi ka ba nakatulog ng maayos?" Dumeretso sya sa may dining table.

May mga inilabas pa nga syang kung ano ano sa plastic e. Pagkain yata.

Kaya lang ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa sa living room at ipinikit ang mabibigat kong mata.

Oo hindi ako nakatulog kagabi kaya para akong zombie ngayon sa sobrang antok.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko, nakikita ko sya.

Yung lalaki na may kayakap kagabi.

Hindi sya maalis sa isipan ko.

Naguguluhan na ako sobra.

"Hey!"

Napabalikwas ako sa gulat.

Nasa harapan ko na ngayon si Niegel at parang nagulat din sya sa reaksyon ko.

Napakamot tuloy ako sa ulo.

"Okay ka lang ba?" mukha syang nag-aalala.

"Ah.. cr lang ako." Tumuloy na ako sa cr after nun.

Kaya lang, isasara ko pa lang ang pinto nang bigla akong madulas!

Ramdam ko ang kirot sa bandang ulo ko ng tumama ito sa sahig.

Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong pero walang lumalabas na boses sa bibig ko.

Hanggang sa nagdilim na ang buong paligid ko.

***

Nakailang kurap ang mga mata ko bago ito makakita ng maayos.

Babangon na sana ako ng maramdaman ko ang kirot sa may ulo ko.

Kinapa ko ito at base sa naramdaman ko ay may nakalagay na benda dito.

Shit. Oo nga pala, nadulas ako sa cr.

Iginala ko ang paningin ko at nakumpirma kong nasa hospital ako.

Nahagip din ng mga mata ko ang television sa may bandang taas ng paanan ko.

Bukas ito ngunit sobrang hina ng sound.

Hindi ko na lang sana ito pagtutuunan ng pansin kaya lang yung balita..

Si

Kelvin.

"Gising ka na pala. Kamusta na ang pakiramdam mo?"

I look at him.

Kadarating nya lang at may dala syang mga paperbag.

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon