CHAPTER 39: I MISS YOU

7K 153 22
                                    

CHAPTER 39: I MISS YOU

"Marielle.."

Hmn?

"Marielle.. Gumising ka bilis."

Nagmulat ako at mukha ni Manang Linda ang nakita ko.

"Kakaalis lang ni Sir. Umalis ka na din. Tumakas ka na."

Manang Linda..

"Salamat po. Maraming maraming salamat po Manang Linda!" Nayakap ko pa sya sa tuwa.

"Sige na. Bilisan mo na. Baka mahuli ka pang bata ka!"

Tinulak pa nya ako palabas ng kwarto.

Bitbit ko ang isang malaking bag palabas ng bahay.

At bago ako tuluyang umalis..

"Manang Linda, salamat po talaga. Babalikan ko po kayo kapag naging maayos na ang lahat." Sabi ko habang hawak hawak ko ang kamay nya.

"Wag na. Wag ka ng bumalik. Hanggat maaari magpakalayu layo ka na." Kahit na medyo madilim, alam kong namumuo na ang mga butil ng luha sa mga mata nya.

At sa pinakahuling pagkakataon, niyakap ko sya ng sobrang higpit.

Mamimiss ko din si Manang Linda sa pag-alis ko. Mahabang panahon ko din syang nakasama. At sa mahabang panahon na yon, inalagaan nya ako na parang isang pag-aaruga na din ng isang ina.

Kung anong mga susunod na mangyayari, hindi ko alam.

Ang mahalaga, makalayo at makatakas ako ngayon sa taong nagkulong sa akin sa kasinungalingan sa loob ng halos isang taon.

Sisikapin kong bumalik sa DATI at TUNAY kong buhay.

Hahanapin ko ang totoong buhay at pagkatao ng isang Glazy Jean Vergara.

KELVIN'S POV:

Another day.

And yet I'm still hoping that she's beside me when I wake up.

I heard a soft knocks on my room's door.

I didn't respond, then the door slowly opens.

"Kelvin?" It's mom.

She gave me a warm smile and then she went inside my room.

Umayos ako ng upo sa kama as my mom went closer to me.

Umupo sya sa tabi ko.

"Are you not feeling well? It's already 9, late ka na. Tumawag sa akin ang Daddy mo, hindi mo daw sinasagot ang mga calls nya. He's worried."

"Mom, hindi po ako papasok ngayon. I want to be with my wife. I miss her."

She sighed deeply as I stood up.

"Alright Kelvin, just atleast give your Dad a call."

GLAZY'S POV:

"Mama! Pumayag ka na! Ang sabi ni teacher kapag hindi daw sumama, mababa ang grades."

"Naniwala ka naman sa teacher mong mukhang pera! Basta hindi ka sasama tapos!"

"Lola ooh! Si mama ang kj!"

"Ma?! Hindi ba kayo magbubukas ng shop?"

"Hindi muna. Kagabi pa masakit ang likuran ko!"

Mama

Ate

Lex.. Win.

Miss ko na kayo.

"Ma may bibilhin lang ako!" Lex

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon