XVII

60.7K 2.6K 649
                                    



XVII

LIHIM NA NAPANGITI si Isaac nang matanaw niya si Detective Bart na nakaupo sa bench ng papasara ng St. Martin Orphanage. Madalas pa rin dito ang matandang detective. Dito na kasi ito lumaki at nagkaisip. Ang kapatid din nitong babae ang umampon sa kanya kaya mas napalapit siya kay Detective Bart.

Nangasim ang kanyang mukha nang masilip niya na may hawak itong manyika. "Ganyan na ba talaga ka-boring ang buhay mo? Pati laruan ng babae, nilalaro mo?..." biro niya rito. "Bakit di ka kasi nag-asawa? Ayan tuloy, hanggang barbie ka na lang ngayon."

Natawa ang matanda sa sinabi niya. Bagamat ma-edad na ito ay mukha namang malakas pa. Sa hitsura rin nito ay halata ang tinataglay nitong karanasan. Hindi lang sa trabaho kundi pati sa babae. Matinik ito sa chicks, kaya nga mas pinili nitong tumandang binata kesa magpatali sa iisang babae lang.

Napatitig ito sa hawak na laruan. "Nag-iisip lang ako tungkol doon sa mga... ganitong bagay na napo-possess ng... diablo..."

"Diablo?" Napahalakhak siya. "Wag mong sabihin sa aking... paranormal-related job ka na ngayon at hindi na detective?"

Napangiti ito. "Upo ka, Isaac."

Umupo siya sa tabi nito.

"Pagmasdan mo ang manyika na ito," utos nito. Inilahad nito iyon sa kanya.

Kahit naiilang siya ay pinagbigyan niya ito at kinuha ang manyika. Matagal niya rin kasing hindi nakita ang lalaking nagpalaki sa kanya.

"Alam mo bang kayang pumatay ng bagay na iyan kapag ginamit ng diablo?" tanong nito. "May katawan din iyan na hubog ng tulad sa atin. Ang kaibahan lang ay wala iyang buhay di gaya natin."

Napaangat siya ng mukha. "Seryoso?"

"Ayaw ko rin maniwala." Binawi nito sa kanya ang laruan at napatitig doon. "Pero nagkaroon na ng ganitong kaso sa Texas at napatunayang totoo."

"Ano ba talaga ang pinupunto mo, Bart? Bakit hindi mo ako deretsahin?"

Tumingin ito sa isang pulubing naghahalungkat ng basura ilang hakbang ang layo sa kanila. Malaking lalaki at tumatawa mag-isa. Marungis ang pananamit nito at walang sapin ang mga paa. "Hindi ko lang ma-imagine... paano kung ang i-possess ng diablo ay hindi ang isang bagay na hindi gumagalaw? Paano kung ang gamitin nito ay iyong may buhay?"

Napatingin na rin siya sa pinagmamasdan nitong lalaki.

"P-paano kung... pumasok ito sa katawan ng isang tao? Ng isang nilalang na wala sa tamang pag-iisip?" Napapikit pa ito. "Nakakatakot... nakakahindik... nakakakilabot..."

Napalunok siya sa mga pingasasasabi nito. "Pero hindi magagawa ng diablo na pumasok sa katawan ng kahit na sino."

"Pwede, Isaac... pwede. Lalo na kung ang taong sasaniban niya ay walang diyos. At lalo na kung ang taong iyon ay kusang pumayag... at higit sa lahat..."

"Ano?" sabik pero kabado niyang tanong.

"Lalo na kung ang taong iyon ay wala na sa tamang pag-iisip. Kung ang taong iyon ay isang..." Napabuga ito ng hangin. "Insanus..."


...


Napamulat siya galing sa nakaraan kung saan buhay pa ang lalaking itinuring niyang ama. Natagpuan niya ang sarili sa kasalukuyang mayroon siyang tinutugis. Ito iyong bagay na sinabi noon sa kanya ni Bart na ni sa hinuha ay hindi niya akalaing mangyayari.

InsanusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon