II

140K 4.5K 2.4K
                                    

FLEXUS, 32, MARRIED

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FLEXUS, 32, MARRIED

HINAGKAN NI FLEXUS ang kanyang anak na si Vanessa habang nakahiga ito sa kama ng sarili nitong kwarto. Pagkatapos ay umusal siya sa tainga nito. "Baby, can we talk?"

Tumango naman ang bata at iginaya niya paupo paharap sa kanya. Napakaamo ng mukha nito.

"What did you say to your mom? Bakit siya umiiyak?" Bahagya niya pa itong pinisil sa pisngi.

Napalabi ang paslit. "I told her how much I love her..."

Napayuko na lang siya bago magsalitang muli. "Ang sabi sa'kin ng mommy mo..." Hindi niya maapuhap ang nais niyang itanong. "...sinabihan mo raw siya na – mamamatay na siya..."

Todo iling naman ang batang babae. "No, Dad... hindi ko po iyon kayang sabihin sa kanya..." Mababakas ang butil ng luha sa mga mata nito.

"Shhhh it's okay..." Niyakap niya ito. Nang kumalas siya rito ay pinagmasdan niya ang mga labi nito na may sugat. Gawa iyon ng malakas na pagkakasampal dito ni Cristina kaninang umaga. "Listen..." Mataman niya itong tinitigan sa mga mata. "...I want you to tell me the truth, baby."

Tumango naman ito habang pupungus-pungos.

"Minura mo ba ang mommy mo kaya ka niya nasampal kaninang umaga?"

"Hindi po, Dad... I swear." Itinaas pa nito ang isang kamay na parang nanunumpa.

Napapikit na lang siya at muling niyakap ang anak. Hindi na niya alam kung sino sa dalawa ang paniniwalaan niya.

Kanina kasi pag-uwi niya ay nadatnan niyang nag-iiiyak lang si Cristina sa kwarto at yakap nito ang sarili. Nang tanungin niya ito kung ano ang dahilan ay naglabas ito ng hinanakit sa anak nila.

Kaya nga lang, nang komprontahin niya naman ngayon si Vanessa ay taliwas naman sa sinasabi ni Cristina ang sinasabi nito. Sino ba ang nagsasabi ng totoo?

Pagkagaling ni Flexus sa kwarto ni Vanessa ay dumeretso naman siya sa kwarto nilang mag-asawa. Kakausapin niya rin nang masinsinan si Cristina nang sa ganon ay makapag-isip siya ng solusyon kung paano aayusin ang gusot sa pagitan ng dalawa. Napahinto lang siya nang may ilang dipa ang layo sa kwarto nito nang mamataan niyang bukas ang pinto.

"Cristina?" Marahan siyang humakbang habang tinatawag niya ito.

Walang tugon rito. Malapit na siya sa kwarto nila nang biglang – magsara ang pinto nito! Ano yun? Hinangin?

Lumapit siya sa pinto para buksan iyon. Pero bakit ganun? Bakit naka-lock?!

Kinatok niya ito. "Cristina?"

Walang tugon mula sa babae. Ewan, pero kinutuban siya nang masama. "Cristina?" Lumakas ang katok niya.

Wala pa ring tugon. Pinagpapawisan na siya. Mayamaya ay may narinig siya. Ano iyon? Para kasing may nagsasalita. Dito sa loob ng kwarto ay tila may nag-uusap!

InsanusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon