I

310K 6.6K 5.3K
                                    

SINO BA IYON?

Bakit nasa dilim siya? Anong ginagawa niya ron? Anong kailangan niya? 

At bakit... Bakit hindi siya umaalis sa kinakatayuan niya?

Napakatahimik ng buong mansyon ng biglang mapabalikwas si Haya ng bangon. Nasa likurang bahagi ng malaking bahay ang servants' quarter kung saan siya natutulog kasama pa ang isang matandang katulong.

May sarili silang pinto na katapat ng hardin, palabas ng mansyon. At mula sa loob ay kitang-kita ang kadiliman ng labas. Kahit ang buwan ay napakadamot ngayon sa liwanag. Madilim din sa loob ng kuwartong kinaroroonan nina Haya.

"Aling Bevs?" Kinalabit niya ang matandang kasama sa kuwarto. "Aling Bevs, gising po muna kayo."

Pupungas-pungas na bumangon ang matandang katulong. "O bakit na naman ba?"

"May tao po kasi sa labas..." takot na sumbong niya.

Nang makaramdam siya ng pagka-ihi ay tumayo siya. Sakto na bukas ang bintana ng kuwarto nila kaya napasilip siya sa labas. Isang tingin palang ni Haya ay nakita niya na ang bulto ng tao na nakatayo sa tapat ng sirang bakuran nila. Hinintay niya na umalis ito, na baka napadaan lang ito o ano. Pero mag-iisang oras na siyang naghihintay hanggang sa gapangan na siya ng takot ay hindi pa rin kumikilos ang kung sino mang taong iyon sa labas. Ni hindi man lang ito nangangalay sa pagkakatayo.

"Hay sino nga ba iyan?" Tumayo ang matandang katulong at nakisilip sa bintana. "Aba, oo nga ano? Sino kaya iyan?"

Mas matagal nang naninilbihan ang matanda rito kaya mas kilala na nito ang mga kapit-bahay. Lumapit si Aling Bevs sa tapat ng pinto ng kuwarto nila, iyong palabas ng hardin.

"Saan ho kayo pupunta?" kabadong tanong ni Haya.

"Tatanungin ko iyong tao sa labas. Baka isa lang iyan sa mga kapitbahay natin. Baka nagyo-yosi lang o kaya nakatambay diyan. Paalisin ko."

"Pero baka po—"

"Sige na matulog ka na lang ulit diyan. Malamang taga kabilang bakod lang yan, madalas kasi magpa-party iyong binatilyong anak n'ong kapitbahay natin. Baka bisita ron."

"Hindi po ba natin sasabihin kina Madam Cristina?" tukoy niya sa amo nila.

iNilingon si Haya ng matanda bago ito lumabas. "Hindi na hija. Babanggitin ko na lang kay Cristina bukas. Dito ka lang." Pagkatapos ay lumabas na ito.

Tumango na lang siya. Ipinagpatuloy na niya ang naudlot niyang pagtulog. Bahagya pa lang siyang dinadalaw ng antok nang mapabalikwas siya ng bangon. Sunud-sunod kasi ang malalakas na pagkatok sa kanilang pintuan. Parang gigibain na iyon!

"A-Aling Bevs?" Bigla siyang kinabahan.

Huminto ang malakas na pagkatok.

Marahan siyang lumapit sa pinto. "A-Aling Bevs?"

Walang tugon.

Napalunok siya. "Aling Bevs, kayo ho ba yan? Bakit po? Nai-lock niyo po ba ang pinto kaya di kayo makapasok?"

Wala pa ring tugon. Bakit kaya hindi sumasagot si Aling Bevs? Nang sumilip siya sa bintana ay madilim pa rin sa labas. At wala na rin iyong taong nakatayo sa dulo ng hardin.

Lumapit siya sa pinto at lumikha ng paghakbang. Maingat siyang ngumudngod sa maliit na siwang niyon upang sumilip doon. Wala naman siyang makitang tao. Nasaan na ba si Aling Bevs?

Hindi siya nakontento at pinihit niya ang doorknob ng pinto upang buksan ito. Mahinay niyang hinila ito.

Wala nang tao. Nasaan na si Aling Bevs? Sino kaya iyong kumakatok? Nagpalinga-linga pa siya. Wala talaga. Tanging madilim lang na paligid ang nakikita niya.

InsanusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon