Epilogue

89.6K 3.5K 2.1K
                                    



EPILOGUE

NAPAHIMAS SI ISAAC SA kanyang baril gamit ang nag-iisa na lang niyang braso nang matanaw si Marion na papalabas ng presinto. Plano na niyang isuko ang sarili at ang kanyang baril sa lalaki dahil sa nagawa niyang paglabag sa batas..

"Nasaan si Rox?" tanong niya rito nang makalapit na ito. Pareho silang nasa labas ng presinto.

"Naroon sa loob. Nagpapahinga." Nakangiti ito sa kanya at pasulyap-sulyap sa putol na braso niyang nababalot na ng benda.

"Ang mga bata?"

Pumamulsa ang lalaki at ibinaling ang paningin sa kalayuan. "Tulog. Mga napagod yata."

Nangunot ang kanyang noo nang mahagip ng paningin niya ang baril nito.

"Tumawag na ko ng back-up sa main. Ilang oras lang ay narito na ang mga iyon." Hayag nito.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa baril.

Napabuntong-hininga si Marion. "Hindi ko akalaing hahantong sa ganito ang paghihiganti ni Kimberly."

Nag-igting ang kanyang panga. "Oo nga."

"Imagine... ginamit niya pa ang katawan ng kapatid niya makapaghiganti lang siya doon sa walo na nanghalay sa kanya."

Napapailing na lang siya sa gitna ng kanyang pagtawa.

"Parang pelikula lang 'di ba?" Nilingon siya nito. "Inisa-isa niya iyong mga walang awang pumatay sa kanya." Nagbilang pa ito sa daliri. "Si Bart, Flexus, Mico, Ayrand, Chief Joshua Ariola, Kendo, at Dan... lahat sila namatay..." napahalakhak ito. "Pagkatapos, tayo ang bida dahil tayo ang natira..."

Sinabayan niya ang paghalakhak nito.

Mayamaya ay napaisip ito at napabilang muli sa daliri. "Pero teka... kulang pa ng isa..." nagtagpo ang mga mata nila. "Sino iyong pangwalo na humalay sa kanya?"

Iniangat niya ang hawak niyang baril at ipinutok sa hita nito.

Namilipit sa sakit si Marion. "P*tang*na! Bakit mo ginawa iyon?!"

"Dahil... ikaw ang pang-walo, Marion..."

Ang hapdi sa mukha nito ay napalitan muli ng pagngiti. "A-ang galing mo talaga, Isaac. P-paano mo nalaman?"

"Dahil sa baril mo na nasa iyong tagiliran."

"Ha?"

"Kay Rox ang baril na iyan at hindi sa'yo. Kilala ko ang baril mo... mahaba ito..."

Napaupo at napahalakhak muli. "T-tapos ano pa? W-wag mong sabihing yan lang ang batayan mo?"

Napapikit siya. "Nang banggitin mo ang bilang ng humalay sa kanya."

Nangunot ang noo nito.

"Isa si Joshua sa nanghalay at siya na ang chief nang panahong iyon. Nang pumutok ang balita sa pagkamatay ng isang babaeng pinaslang sa kabukiran ay isinara niya agad ang kaso. Itinago nila ang bilang ng namaslang para mahirapan ang ibang awtoridad sa pagtugis ng may sala. So, paano mo nalaman ang bilang nila?"

"B-bakit ikaw? P-paano mo nalaman na walo kami?"

"Hindi ko talaga alam... sa'yo ko lang nalaman ng banggitin mo... ang alam ko lang, walang nakakaalam kung ilan ang lumapastangan sa hipag ko..."

Napanganga ang lalaki. "Magaling ka talaga, Isaac... tama si Bart... sa'yo kami dapat mag-ingat."

"Gusto mo akong patayin para wala ka ng sabit? Palalabasin mo na lang sa lahat na nanlaban ako, tama ba?"

Halos mamilipit ito sa kakatawa. "H-hindi lang ikaw ang plano kong patayin..."

Kinabahan siya. "A-anong ibig mong sabihin?"

"Tulad sa isang pelikula, gusto ko ako lang ang bida."

Namutla siya. "Anong ginawa mo kay Rox?"

Nanlisik ang mga mata nito. "Hindi lang si Rox ang pinatay ko... kundi pati na rin ang mga bata at – anak mo..."

"Hayop ka!" pinagbabaril niya ito sa ulo.

WAKAS

Jamille Fumah

FB: Insanus PH


InsanusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon