V

86.4K 3K 3.2K
                                    

ISANG DISI-NUEVE ANYOS NA LALAKI ANG matuling nananakbo sa gitna ng matataas na talahiban malapit sa isang kabukiran

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ISANG DISI-NUEVE ANYOS NA LALAKI ANG matuling nananakbo sa gitna ng matataas na talahiban malapit sa isang kabukiran. Nag-iisa na lamang siya, ang mga kasamahan niya ay nagkandawala na.

Hindi niya alintana ang matatalas na dahon ng mga talahib na nasasagasaan niya, basta patuloy lang siya sa pagtakbo. Wala na siyang pakialam kung masugatan man ang balat niya sa paghawi ng mga damong iyon na kasing taas ng tao.

Kailangang mahanap niya ang van na ginamit nilang magba-barkada para sa roadtrip nila. Roadtrip na hindi niya akalaing mauuwi sa ganito kalagim na trahedya. Paano niya ipapaliwanag ngayon sa mga magulang nila na patay na ang mga kaibigan niya? At si Alyana...

nasaan si Alyana?!

Napahinto lamang siya nang maramdaman niyang halos kapusin na siya ng hininga dahil sa walang tigil niyang pagtakbo. Napayukod siya na para bang mauubusan na ng hangin sa katawan. Panandalian lang ay napaangat ang kanyang mukha.

Ano iyon? May narinig siyang umuungol.

Marahang hinawi ng lalaki ang makapal na talahib na nakaharang sa daraanan niya upang tunguhin ang pinagmumulan ng ungol. Pamilyar kasi ang tinig sa kanya.

"A-Alyana..." usal niya. "Alyana, ikaw ba iyan?"

Narinig muli niya ang ungol at palakas ito nang palakas. Natatakot man siyang sumubok, nagpatuloy pa rin siya sa pag-suong kahit alam niyang nasa paligid lang ang panganib, dahil na baka ito ay isa sa mga kasama niya.

Hinawi niya pa ang mga talahib.

Naririnig niya ang babaeng umuungol na nasa malapit. "A-Alyana..." nanginginig niyang bulong.

Ilang segundo lang at nawala na ito. Napahinto siya sa paghakbang upang pakiramdaman ang paligid. Wala siyang makita. Halos mataas pa kasi sa kanya ang mga talahib na nakapalibot sa kanya.

Napakurap siya nang may marinig siyang pagkilos mula sa kalayuan. Pinakinggan niya itong mabuti. Sa huli ay tumakbo siya nang mabilis! Nadinig niya kasing papalapit ito sa kanya!

Napakabilis niyon kaya nilakihan niya ang paghakbang niya. Subalit dahil sa pagod ay natumba siya! Iyon pala ay may nakabunggo lang siya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita kung sino ang nakabunggo niya.

"Alyana!" agad niyang sinalo ito sa mga bisig niya.

Napaluhod ang babae sa harapan niya.

Halos himatayin siya nang masalo niya ito. Naliligo kasi ito sa sarili nitong dugo. "Alyana! Alyana! Bumangon ka dyan! Paparating na siya!"

Hinang-hina ang babae. "Hindi ko na kaya, Red..." napaluha na ito.

"Halika..." inalalayan niya ito patayo at saka pinangko.

"I-Iwan mo na ko... mauna ka na..." bulong nito sa kanya.

"Hindi, Alyana... hindi kita iiwan..." napaluha si Red. Hindi niya iiwan ang kaibigan niya. Pero paano niya ito isasama kung hindi na nito kaya?

InsanusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon