Chapter 4: Unexpected

26.2K 293 4
                                    

A/N: Nic again>>>>>>>>

Nic's POV

Last day ng makakatabi ko si Jared, pero di pa din ako nakakaporma. Nakakainis naman kasi palagi na lang sya busy sa phone nya. Kaharap nga namin sya pero parang nasa ibang mundo din sya. Kundi may kausap, may katext. Si Caroline yun alam ko.

Hay! Di pwede to! Kailangan makagawa ako paraan para magkalapit kami. Isip isip.. Paano ba?..

"F*ck!" Napaigtad ako ng may parang binalibag na kung ano. Tsaka ko nakita sa di kalayuan ang basag basag na phone ni Jared at si Jared na padabog na tumayo at lumabas ng classroom. Nanlaki ang mata ko. Anong problema nun?? Sayang naman yung phone! Pinagtitinginan sya ng mga classmate namin, lahat nakamaang na nagtataka din gaya ko. Buti lumabas saglit yun prof namin kundi sigurado mapapagalitan sya. Kahit naman sila halos ang may ari ng school dapat good manners and right conduct pa din, first time ko sya narinig mag mura!

Tumayo ako at pinulot ang cellphone nya. Iphone pa naman to. Ako nga di makabili nito nanghihinayang ako eh. Binulsa ko muna iyon.

Sundan ko nga!..

"Okay ka lang susunod ka talaga?" Pigil ni Atina sa braso ko.

"Yamu na yun Nic, ganyan lang talaga yan pag mainit ulo. Dito ka na lang." - Lance

Kaya naman pala no reaction si Lance kasi sanay na sya. Pero.. Gusto ko talaga sundan eh. >.<

"Mag- cr lang ako.." Dahilan ko sabay labas na. Kokontrahin lang ako ni Atina eh.

Malayo layo na nalalakad ko ng.."Girl!!!.." Tili ni Mira. Emir talaga ang name nya pero pinaninindigan nyang Mira.

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Where stories live. Discover now