Chapter 14: Blinded

22.5K 281 8
                                    

A/N: Jared>>>>>>>>

Nic's POV

Ang bilis ng panahon. Tapos na ang graduation, since wala naman akong kasama na aakyat sa stage, nag- prisinta na lang yun attorney ng pamilya na sya ang makakasama ko. Agad naman akong pumayag. Hindi naman ako talagang nag- iisa sa mundo, may tito at tita naman ako sa side ng mom ko. Pero nasa ibang bansa sila. Nakakapag- communicate lang kami through phone or skype. Only son si dad at wala naman na din akong lola at lolo. Sabi ko nga sa sarili ko, pag nagkatuluyan kami ni Jared, bubuo kami ng malaking pamilya. Gusto ko yun magulo palagi sa bahay. Mas madami, mas masaya.

Speaking of Jared, matapos ang pangyayari sa bar, hindi na nya ako kinausap. Parang balik sa dati. Nakukuha na lang nya ulit ako daan daanan. Sila Atina at Lance nakakasama ko pa din at nagpupunta pa din sila sa bahay. Pero si Jared.. Hindi na ulit tumungtong sa bahay ko.. Alam ko naman na nagkaroon kami ng di pagkakaintindihan dahil sa.. Para kong tanga na umasa eh.. Pero.. Grabe naman, sya ang nagso- sorry sa akin tapos nalasing lang ako, kinabukasan wala na.. Di na nya ko kinausap. Sinubukan ko syang lapitan at mag- sorry pero wala. Dinaig pa ang pag- iwas sa akin nun una..

"Hey! Here's your milk tea." Putol ni Markus sa muni muni ko. Ngumiti ako at nagpasalamat. Nasa coffee shop kami near my school. At oo, si Markus ang palagi ko nakakasama ngayon. Iniisip ko nga baka dahil sa kanya kaya galit sa akin si Jared.. Sa UP kami nag- college lahat. At laking pasasalamat ko nung nagsipag ako dahil kay Jared nun graduating na ako ng highschool at awa ng dyos umandar na ang kinalawang kong utak. Business management ako, si Mira at si Atina. Samantalang si Jared at Lance Electronics and Communications Engineering ang kinuha. Nagbakasyon si Atina sa province kasama si Mira, inaaya nila ako pero sinabi ko na susunod na lang ako. Si Lance naman ay sa UK nagbakasyon kasama ang family nya. Di pa namin napapag- usapan kung ano talaga ang nangyari ng gabing yun sa bar. Nakakahiyaan ko naman tanungin si Markus kaya naisipan kong pag nagkita kita kami nila Atina, tsaka na lang ako magtatanong.

Si Markus sa states na ipagpapatuloy ang pag- aaral nya. Bumalik lang sya dito sa Pinas para ayusin ang school papers nila ni Caroline.. Kasi nga di ba sa US na sila naka- base.. And arranged ang marriage nila.. Ayun, pagbalik nya ng states tsaka pa lang daw sila papakasal. Tinatanong ko nga kung bakit sya lang ang umuwi, ayaw daw kasi ni Caroline. Sa pagkakakwento nya, mukhang okay naman sila. Okay in a sense na magkasundo sila. They may not love each other pero at least may friendship. Parang kami ni Jared dati. Akala ko pa naman dun na mag- uumpisa ang lahat.

Kaso mali ako eh..

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Where stories live. Discover now