Chapter 47: Brianna

19.5K 201 2
                                    

A/N: Nic>>>>>>>>

Markus" voice ^__^  -------------------------->>>>>  

Nic's POV

"Don't forget you loved me, before you hated me.."

Ugh! Kapal ng mukha! Nakakainis! Pagkatapos na pagkatapos ng pag- uusap namin na yun ay nanlilisik ang mga matang inirapan ko sya tsaka padabog na pinagsarahan ng pinto. Hindi ko na itinuloy ang pagbaba ko para kumuha sana ng maiinom, dahil baka sumunod pa si Jared. Ayoko na sya makausap ulit! Don't forget you loved me, before you hated me nyenyenye! Aaarrgghhh!!! Nakakapika talaga! Anong akala nya, patay na patay pa din ako sa kanya?? Padaskol na tinanggal ko ang manipis na robe ko tsaka initsa sa upuan sa gilid ng kama. Do you have a habit of opening your door looking like that?? Tsk! Pati suot ko pinupuna. Eh ano naman kaya sa kanya?? Mabuti naman at nasabi na sa kanya ni Markus na ikakasal na kami. Naiinis na humiga ako tsaka inalala ang mga sinabi ni Jared. Nasa iisang bahay kami! At naiinis ako! Naiinis ako dahil iniinis nya talaga ako. Yun tipong sinasadya nya talaga?? I don't know what's up with him. Tinawag pa nya kong... Hmp! Letse talaga. Bakit kaya ganun ang inaakto nya? Ano sa palagay nya, friends kami naghiwalay? Ayoko man, unti unting naglakbay ang isip ko sa huling pag- uusap namin ni Jared three years ago..

"The truth is, wala akong pakialam sayo. You're an easy target dahil alam kong patay na patay ka sakin. I only wanted you for sex." And then he looked at me then smiled evilly. "At nakuha ko naman yun diba."

 

Yung feeling na gusto mo magwala pero wala kang lakas para gawin yun. Yung feeling na gusto mong umiyak para ilabas lahat ng emosyon mo pero hindi mo magawa dahil ayaw pumatak ng luha mo. Yung pakiramdam na, ang taas ng inilipad mo, napuno ka ng pag- asa, pero sa huli biglang lagapak ka sa lupa. Yung sakit na hindi mo maipaliwanag.. Basta alam mo lang at ramdam na ramdam mo sa kaibuturan ng puso mo na nadurog yung pagkatao mo. Parang ganun.. Pero hindi pa din eh.. Hindi yun sapat. Kulang pa din yung mga yun para maipaliwanag kung ano talagang nararamdaman ko. Ramdam na ramdam ko yung sakit.. Yung tipo ng sakit na nakakamanhid na. Yung ayaw mo na lang timbangin kung gaano kasakit. Basta ang alam mo, sagad sa butong sobrang sakit.

 

"Hindi ako makapaniwalang sayo nanggagaling yan.." Halos pabulong na lang ang boses ko.

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora