Chapter 50: Visitor

17.9K 240 17
                                    

Nic's POV

"Good morning babe!.." Maaliwalas na bati sakin ni Markus pagbaba ko sa dining area. Tumayo sya mula sa pagkakaupo tsaka ako sinalubong ng halik sa labi. I smiled and kissed him on his left and right cheek, then on his lips. Nakasanayan ko na simula nung naging kami.

"Hang agang sweetnesss!! Kakaingget! Sarap mangagat!" Bulalas ni Mira.

"Oh, baka ako makagat mo dyan ha!" Natatawang iwas ni Lance.

"Good morning Nic! Sana pag ako nagka- boyfriend ganyan din kami sainyo. Haaayyy." Sabi naman ni Atina. Naabutan ko na silang nag uusap usap dun. Natatawang pinaghila lang ako ng upuan ni Markus tsaka ako nilagyan ng french toast sa plate ko.

"Ako na babe." Sabi ko kay Markus ng akmang lalagyan nya ako ng bacon and eggs. Ako na nag- asikaso sa kanya dahil dapat naman talaga babae ang mas maasikaso sa mga ganitong bagay. Isa pa, sinasanay ko na din ang sarili ko dahil magiging mag- asawa naman na kami soon. "Coffee?" Alok ko sa kanya.

"Juice na lang babe ko." Sabi ni Markus sabay kindat. Napangiti naman ako. Ang lambing lambing nya talaga. Mabuti wala dito yung kapatid nyang wala ng ginawa kundi..

"Fafa Jareeeddd!!!" Hiyaw ni Mira na akala mo bago ng bago na nakikita nya yung isang yun. Hmp. Hindi ko sya titingnan. Isang buwan na kami dito sa pinas pero hindi ko pa din magawang masanay sa presensya nya. Iniiwasan ko na nga, araw araw pa din akong iniinis. Lalo na pag wala si Markus! Nako sirang sira ang araw ko. Si Markus lang naman ang nag- aasikaso sa negosyong dapat eh dalawa nilang tinataguyod. Nung una ayos pa na sya muna, pero aba naman, pag ganito na katagal, dapat tumulong na din si Jared di ba?? Ayoko na lang din palakihin at ikwento kay Markus kung paano ako bwisitin ng kapatid nya dahil.. Wala lang. Baka pagmulan pa ng kung ano.

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Where stories live. Discover now