Chapter 42: Strike two

18.4K 210 25
                                    

A/N: Markus>>>>>>>>

'

Nic's POV

Aray ko. Kailangan talaga ipagdiinan yun wife?.. Naramdaman ko ang kamay ni Markus sa balikat ko. Napatingin ulit duon si Jared pero this time, hindi ko tinanggal. Ngumiti ako sa kanila. "I-congratulate ko lang kayo. Kaw naman. Papakwento lang ako kasi di ba best friend mo ako tapos bigla kayo nagtanan wala man lang ako kaalam alam! Hahaha!" Pwede na siguro ako mag- artista. Tingin ko papasa ako sa husay ko sa pag- arte. "Pano, kain muna kami ha, mamaya kwentuhan naman tayo. Caroline, balikan kita mamaya." Sabi ko sa kanila tsaka iniikot ang braso ko sa likod ng bewang ni Markus.

Hustong pagtalikod namin sa dalawa.. "Kapit lang sakin Bri.." Pasimpleng bulong ni Markus sa tenga ko. Dumikit pa ako sa kanya ng husto para maalalayan nya ako. Higit kaninuman pwera kay Lance, si Markus lang ang nakakaalam ng kung ano talagang nararamdaman ko. "Do you wanna go home?.." Tanong nya sakin.

I let out a deep sigh. "No, hindi ako uuwi. Tatapusin natin ang party. Ayokong isipin ni Jared na kayang kaya nya kong paalisin." Matatag na sabi ko. Tumango lang si Markus bilang tugon sa sinabi ko. Nagpunta kami sa buffet table at sya ang naglalagay ng pagkain sa plate ko. Alam ko naman sa sarili ko na hindi din ako makakakain. Pero kailangan kong panindigan ang desisyon kong mag- stay dito. Hindi pwedeng hindi ko makausap si Jared. Ginanito na nya ako nuon. At may rason sya. Kung anuman yun, hindi na ako makapapayag na hindi ko pa malaman ngayong gabi. Ayokong masayang ang pagpunta ko dito. Nasa ganung pag- iisip ako ng may kumalabit sa likuran ko.

"Lance.." Sabi ko ng makita ko syang nakaangat ang kilay sakin habang pinagbabalik balik ang tingin samin ni Markus. "Sinamahan nya ko habang wala ka. Naipakilala ka na ba ng dad mo?.." Nakita kong tinanguan lang ni Markus si Lance. Hindi sila magkaibigan, pero hindi din naman sila magkaaway. Hindi pa lang nakaka- bonding ni Lance si Markus dahil wala sya nun nag- outing kami.

"Yun nga Nic. Kakatawag lang ni mommy, sumama bigla ang pakiramdam sa bahay kaya pinapauwi na kami ni dad. Pero sige kumain ka muna, hihintayin kita tapos ihahatid ko kayo nila Atina at Mira sa bahay mo.." Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko yung dalawa na nasa sasakyan pa nga pala at hinihintay din ako!

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Where stories live. Discover now