Chapter 44: Home

18.5K 219 17
                                    

A/N: Jared>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Nic's POV

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakasakay sa eroplano. Para ba kong nahihilo na hindi ko maintindihan. Pati yun tyan ko nakikisali, parang humihilab na sinisikmura ang pakiramdam ko. Nanlalamig ang mga palad ko at pinagkiskis ko iyon. Maagap naman na kinuha ni Markus ang mga kamay ko tsaka pinagsalikop sa mga kamay nya. Marahan nyang hinipan tsaka hinalikan isa isa ang mga daliri ko para mainitan ng mga labi nya. Napangiti ako. Palagi nya yun ginagawa kahit nun nasa states kami. Laking pasasalamat ko at mayrong kagaya nya sa buhay ko. Kung walang Markus, sa palagay ko, wala ding Brianna ngayon. "Thanks babe." Malambing na sabi ko bago humilig sa balikat nya. Nakasanayan ko na din na gawin sa kanya iyon.

"Are you nervous?" Bulong ni Markus.

"M-medyo.. G-galit kaya sila sakin?.." Tanong ko na ang tinutukoy ay sila Atina. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong magpaalam sa kanila nuon, bigla na lang ako umalis.

"Hindi yan.. Alam mo naman na naiintindihan ka nila." Ani Markus sa nagbibigay assurance na boses. Ilang minuto na lang ay lalapag na kami at nabanggit na nyang sila Atina ang sasalubong samin. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, wala namang dahilan para nerbyusin ako.

After an hour>>>>>>>>>

Hatak ko ang maliit na maleta ko at bitbit ni Markus ang malaking bag namin ng mula sa kung saan ay may narinig akong tumili. Agad na hinanap ng mga mata ko ang pinanggalingan ng boses at hindi na ko nagtaka ng makita ko si Mira na nagtatatalon mula sa siksikang crowd. Si Lance at Atina naman, may hawak na cartolina na nakasulat names namin ni Markus. Nakangiti na nagkakaway ako sa kanila. Grabe eto siguro yung di ko maipaliwanag kanina na feeling, miss na miss ko silang lahat! "Ateeeee!!!!" Nagtatakbo na palapit sakin si Mira at kasunod nya yun dalawa sa likuran nya. Binitawan ko na ang maleta ko tsaka tumakbo na din palapit sa kanilang tatlo. Nang magpang abot ay nagyakapan kaming lahat. Kasunod ko si Markus na hindi na magkamayaw sa dami ng bitbitin nya.

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Where stories live. Discover now