Chapter 21: Gone

21.4K 229 17
                                    

A/N: Caroline again--------

Nic's POV

Buong weekend na hindi nagparamdam sakin si Jared. Gusto ko na nga sya puntahan sa kanila. Nag- aalala ako baka kung napano na sya. Kahit kay Lance hindi daw nagpaparamdam. Di kaya nagkasakit sya?.. Hay malalaman ko din yan mamaya. Monday na ngayon. At umaasa ako na papasok sya.

Mabigat ang paa na nagumpisa na ko gumayak. Hindi maganda ang pakiramdam ko dahil dalawang gabi na ako halos di makatulog kakaisip kung ano na nangyari sa Jared ko.. Mamaya pag nakita ko sya tsaka lang mapapanatag ang kalooban ko.

>>>>>>>>>

Matatapos na ang isang buong araw pero ni anino ni Jared di ko pa nakikita. Nalulungkot ako pero iniisip ko na lang siguro busy sya. Pumasok nga ako ng naka- kotse ngayon dahil first time na hindi nya ko sinundo. Si Atina mas maaga ang pasok kaya mas nauuna syang umalis sakin kahit dati pa. Lungkot na lungkot ako habang nagda- drive mag- isa kanina. Sobrang naging dependent ako kay Jared at hindi ako sanay na hindi ko sya kasama. Palaisipan pa din sakin kung bat hanggang ngayon hindi sya nagpaparamdam sakin. Ilan beses ko sya tinetext at tinatawagan pero hindi nya sinasagot. Nasa iisang school nga kami pero feeling ko daig pa namin nasa magkalayong mundo.

Bakit pakiramdam ko ang layo layo na nya sakin?..

"Ang tamlay mo naman." Puna ni Atina sakin. Magkasama kami sa room at hinihintay ang professor namin para sa last subject.

"Nakausap mo na ba si Lance ngayon?" Malayong sagot ko.

"Huli ko nakausap nun nagkita kita tayo, sabi nya palagi lang sya nasa gym. So I assume, andun din si Jared? Alam mo naman varsity sila, kaya siguro biglang naging busy si Jared. Kahit nga si Lance di natin halos nakita ngayon eh." Pang- aalo sakin ni Atina.

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Where stories live. Discover now